ALANA
Naalimpungatan na lamang ako ng gising nang maramdaman kong may umuuyog sa aking balikat.
"Naku iha bumangon ka nga diyan ang lamig-lamig ng sahig," wika ni Nanang at inalalayan akong bumangon. Nandirito na pala siya at tila nalimutan ko yata ang petsa kung kailan siya babalik. Umuwi kasi muna siya sa kanilang probinsya dahil sa anak niya at ngayon naabutan niya na naman ako sa ganitong sitwasyon. Ni hindi ako makatingin ng tuwid sa kan'yang mga nagtatanong na mga mata at tila ba alam na niya kung ano mismo ang nangyari.
Agad niyang kinuha ang aking mga kamay at doon ko na lamang nakita na may mga bagong pasa na naman ako at nakatutuwang tingnan ang mga dilaw ko na mga pasa dahil gumagaling na sila at ngayon ay may bago na naman.
"Iha, hahayaan mo na lang bang tratuhin ka ng ganito ng asawa mo? Ilang taon na kayong kasal at ganito pa rin ang sitwasyon ninyo. Dito ka na ba magpapakamatay? Ang ganda-ganda mong bata ka papasa ka bilang artista kung lalabas ka lamang sa lunggang ito," saad niya at inalalayan akong umupo.
Nasa kusina na kami ngayon at agad naman niyang kinuha ang heater at nagsalin ng tubig at isinaksak ito.
"Nanang wala akong balak na mag-artista." Mapakla kong tawa at hinimas-himas ang bagong pasa sa aking mga kamay.
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Nakong bata ka! Papa-explain mo pa sa akin. Ang ibig ko lang namang iparating sayo ay hindi siya worth it sa'yo hindi niya lamang iyon nakikita kasi 'yang asawa mong iyan ay walang puso. Ewan ko ba sa batang 'yan at naging gan'yan ang ugali niyan," wika niya at agad na tumungo sa heater nang marinig niyang lumitak na ito. Agad siyang kumuha ng malinis na bimpo sa drawer at ipiniga sa mainit na tubig. Dahan-dahan niya naman itong idinampi sa aking kamay kung saan ang may mga pasa.
"Ang init ang sakit Nanang," wika ko at hinipan ang parte kung saan niya ito pinunasan.
"O mabuti pa 'to naramdaman mong masakit 'yang asawa mo 'di ka naman nasasaktan. Ang sarap magmura iha alam mo 'yon?" namumuyos sa galit niyang sambit at 'di ko na napigilan ang aking sarili na hindi matawa. Ngayon na lang ata ako tumawa ng ganito at tila natigilan din si Nanang sa kan'yang ginagawa at nakatingin lamang sa akin.
"O ayan ang ganda-ganda mo kapag nakangiti. Hay naku! Ano nagugutom ka na ba? Sandali at ipagluluto agad kita ."
Ngumiti naman ako na hindi naman abot sa aking mga mata. "Sige nanang akyat muna ako sa kwarto para maligo tapos bababa din po ako agad para kumain ng luto niyo. Namiss ko na po kasi yung mga luto niyo," ngiting saad ko at dahan dahan bumaba sa aking kinauupuan.
"Oh siya sige tatawagin na lamang kita para makakain ka, nangangayayat ka na o."
TININGNAN ko ang sarili ko sa salamin tama nga si Nanang nangangayayat na nga ako. Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng kwarto walang kabuhay-buhay tila tulad ko rin. Ilang taon na ring ganito ang set-up namin ni Knight, kan'ya-kan'ya kami ng kwarto at ito ako ngayon nasa isang guest room.
Dahan-dahan kong hinubad ang aking saplot at maluha-luhang tinitigan ang hubad kong katawan. Parang mga mapa ng mga pasa at tanging leeg at mukha ko lamang ang walang bahid ng mga ito. Iba't-ibang kulay ng mga pasa ang makikita sa aking katawan may violet, red, yellowish at green. Mamamatay na ba ako dito?
"Why can't you love me Knight?" bulong ko sa hangin at hinayaang tumulo ang mga luha na kanina pa nagbabadyang kumawala.
May luha pa pala akong ilalabas.
Iginiya ako ng aking mga paa patungo sa banyo. Gusto ko ng lamunin ako ng tubig para kahit sandali ay malimutan ko ang sakit.
Namimili na ako ng aking susuotin nang biglang may kumatok sa pinto at agad naman akong nabuhayan sa pag-aakalang si Knight ang kumakatok. Naririto ba siya upang humingi ng tawad dahil sa nangyari kagabi? 'Di ko mapigilang hindi mapangiti at dali-daling kinuha ang isang pares ng t shirt at short at dali-dali itong isinuot.
"Iha, tapos ka na ba? Lumabas ka na kung tapos ka na ha. Nasa ibaba si Madam Alcantara, iha, pinapatawag ka niya nais ka 'atang makausap," saad niya sa kabilang pinto at tila ba nauupos na kandila akong napaupo sa kama nang malamang hindi pala si Knight ang kumakatok.
Masyado na yata akong nagiging ambisyosa sa lagay na ito and why would he do such a thing?
Napapikit ako ng aking mga mata at napabuntong-hininga. "Huwag ka ng umasa Alana, please," mahing bulong ko habang nakatingin sa salamin agad naman akong humablot ng jogging pants at sweat shirt. Hindi niya dapat makita ang mga tinatagong pasa ko.
"Sige po lalabas narin po ako," sigaw ko at narinig nalang ang kanyang mga yabag na paalis.
"MOMSY, kumusta po? Napadalaw po 'ata kayo? Gusto ninyo po bang gisingin ko si Knight?" bati ko at agad naman siyang nakipag beso0beso sa akin.
Umiling naman siya. "I'm good iha, thanks for asking and still maganda. Can I talk to you?" wkay niya at hinila ako papalabas.
"There is no need for you to wake Knight; please stop all of this nonsense, both of you; I knew it from the beginning," sambit niya at 'di ko naman napigilang hindi magulat kumabog ng husto ang dibdib ko sa kaba dahil sa mga titig niya.
"I c-can explain-." Hindi ko na napatapos ang nais kong sabihin dahil agad niya akong pinutol.
"There is no need iha, maganda ka at halos nasa sa iyo na ang lahat ang 'di ko lang makuha-kuha ay kung bakit 'di ka magawang mahalin ng apo ko. Kung pagod ka na nandito lamang ako iha, gagabayan kita sa lahat. Oo apo ko si Knight but I will not tolerate him anymore at ngayon na asawa ka na niya. Ilang taon na kayong mag-asawa iha, at kung maayos man kayo ni Knight bakit nasa ibang kwarto ka? Huwag mo ng ilihim ito sa akin hind ko ito ipagsasabi sa mga magulang mo at kahit na sa mga magulang ni Knight. Nais ko na sa iyo ito manggaling kapag nakahanap ka na ng lakas ng loob, iha," saad niya at hinagod ang aking likod at nararamdaman ko namang iiyak na naman ako ulit.
"I've tried everything, but I guess it's still not enough," mahinang tugon ko.
"If he wants you, he can come get you himself. No self-respecting lady chases after a man. No matter how much of a handsome devil he may be."