ASSET : CHAPTER 02

1041 Words
Xyra Papasok pa lang ako sa loob ng mall na pinagtratrabahuhan ko ng hinarang ako ng guard. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa ginawa ni Kuyang guard. Magkakilala na kami ni Kuya Robert dahil matagal na ako sa mall na ito. "Bakit po, Kuya Robert?" taka kong tanong. "Akala ko ay alam mo na." Napataas ang dalawang kilay dahil sa hindi ko alam ang sinasabi ni Kuya Robert. "Ang alin po?" "Banned ka na dito," sagot n'ya sa akin. Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Paanong nangyari? Eh, kahapon lang nagtrabaho pa ako sa loob at wala akong alam na ginawang mali," nagtataka kong maliwanag kay Kuya Robert. "Hindi ko rin alam, Xyra. Tinawag lang kami ni Sir Ronnie para sabihin na wag ka ng papasukin sa loob," sagot ni Kuya Robert. "Anong dahilan?" Umiling si Kuya Robert sa akin at lalo akong naguluhan dahil maayos naman akong natratrabaho dito bilang sales lady. "Si Sir Ronnie na lang ang tanungin mo, Xyra." Napakamot ako ng ulo dahil sa kaguluhan ng nangyayari, iniisip ko kung ano ang ginawa kong mali para mawala sa trabaho. Kailangan ko pa naman ng pera dahil sa tuition ng kapatid ko next month at mga bills namin sa bahay ay kailangan ng bayaran. "P'wede ba akong pumasok? Kakausapin ko si Sir Ronnie." Matamblay na tingin lang ang binigay ni Kuya Robert sa akin. "Sa oras daw na makapasok ka ay tatanggalin kami," paliwanag ni Kuya Robert. "Anong kalokohan 'yan?!" inis kong tanong. "Hays! Sa daan pa talaga kayo nag-uusap?!" Napalingon ako sa likuran ko ng isang boses ng lalaki ang nagreklamo. Tatabi na lang sana ako dahil tama naman s'ya na nakaharang ako sa entrance, pero hindi ko natuloy ng makita kung sino ang lalaking iyon. Bigla kong naalala ang lahat ang nangyari kagabi at ang lalaking ito ang nagsabing wag na ako pumasok ngayon. Akala ko ay lasing lang s'yang nawawala sa sarili dahil parang may tama ang utak n'ya. Tinignan n'ya ako sabay tanggal ng shades n'ya at isang nakakairitang ngiti ang binigay sa akin. "Anong ginawa mo?!" inis kong tanong sa kan'ya. "'Yung sinabi ko ang ginawa ko," sagot n'ya sa akin. "Hindi kita kilala!" Bigla s'yang natawa na hindi ko alam kung nang-iinis ba or nababaliw na talaga ang isang ito. "Kasalanan mo iyan," sagot n'ya sa akin. "Sa susunod na makita mo ang gwapo kong mukha—" "Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo," putol ko sa kan'ya. "Kailangan ko ng trabaho kaya kausapin mo na 'yung kinausap mo para ibalik—" "Shhhh! Wala akong pakialam kung kailangan mo ng trabaho," putol n'ya sa akin. Pero nagkaroon ng nakakalokong ngiti ang labi n'ya sabay lapit ng mukha n'ya sa tenga ko. "Pero kung gusto mong bumalik sa ay puntahan mo ako sa condo ko," bulong n'ya sa akin. "Satisfy me at bibigyan pa kita ng bonus— s**t!" Isang malakas na sampal ang binigay ko sa bastos na lalaking ito. Gulat ang lahat ng nakakita sa ginawa ko at isang matalim na tingin ang binigay sa akin ng mayabang na lalaking ito, pero ang hindi ko inaasahan ng biglang lumabas si Sir Ronnie at tinulak ako dahilan ng paglayo ko sa kanila. "Hindi mo ba kilala si Sir Rifle!" sigaw sa akin ni Sir Ronnie. "Wala akong oras na makilala ang isang bastos na lalaki!" sagot ko. Napaangat ang kamay ko dahil balak akong sampalin ni Sir Ronnie sa pagsagot ko sa kan'ya, pero napatingin ako sa bastos na lalaki ng hawakan ang kamay ni Sir Ronnie. "Don't do physical sa babae," seryosong saad ni Rifle. Masama ang tingin n'ya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Ayoko na s'yang makikita sa lugar na ito kung hindi tatanggalin ko kayong lahat!" saad ni Rifle habang nakahawak sa mukha n'ya. "Hit everything, pero wag ang gwapo kong mukha." Tinalikuran n'ya ako at umalis na habang ako ay iniisip kung ano na ang gagawin ko ngayon. Ni wala s'yang balak pumasok sa mall at gusto lang n'yang alisin ako sa trabaho. Pumunta ako sa gilit ng kalsa ilang metro lang ang layo sa mall na pinagtratrabahuhan ko. Ang dami ko ng problema tapos lumalala pa dahil sa mahangin na lalaking iyun. Namomoblema na ako dahil sa dami kong kailangan bayaran, pero isang hindi makatarungan pa ang nangyari sa akin. Nagpalipas lang ako ng ilang oras sa gilid ng kalsada at umuwi na ako sa bahay namin. Hindi ako pwedeng tumunganga lang maghapon dapat ay maghanap na ako ng ibang trabaho. Pumasok ako sa loob ng maliit naming bahay at tinignan ang loob kung nandito ba si Nanay. "Anong ginagawa mo dito?" Napaayos ako ng tayo dahil sa gulat ng magsalita si Nanay mula sa likuran ko. Tumingin ako sa kan'ya ay mayroon itong hawak na timba na mayroong laman na damit. "Tulungan na kita, Nay," prisinta ko. Hindi ko alam kung paano ko sa sabihin kay Nanay na natanggal ako sa trabaho dahil ako lang ang inaasahan sa amin. Iniwas n'ya ang timba sa akin at masama ang tingin ni Nanay. Bata pa lang ako ay alam ko na nag pagkakaiba ng trato n'ya sa bunsong kapatid ko at sa akin. "Anong ginagawa mo dito?!" inis n'yang tanong. Napayuko na lang ako dahil sa kaba at nahihiyang sabihin sa kan'ya ang totoo, pero wala naman akong magagawa na. "Natanggal po ako sa trabaho," nahihiya kong sagot. Napapikit na lang ako ng marinig ko ang pagtama ng timba at floor namin at nakarinig na nakakabinging katahimikan. "Hindi ka siguro nag-iisip kaya ka natanggal!" Hindi ako p'wedeng sumagot kahit na gaano kasakit ang maririnig ko dahil lalo lang lala ang lahat. "Paano ang mga bayaran?!" sigaw n'ya sa akin. Humarap ako kay Nanay at ngumiti kahit na kinakabahan ako. Ayokong ipakita na natatakot or nanghihina ako. "Ako na ang bahala doon, Nay; ako na po ang mayroong problema doon kaya wag na po kayong magalit at gagawan ko ng paraan," nakangiti kong paliwanag. "Siguraduhin mo lang!" Ngiti lang ang sagot ko kay Nanay kahit hindi ako sigurado kung saan ako kukuha. Sinipa n'ya ang timba na puno ng damit at tumapon sa floor. "Labhan mo lahat iyan!" inis n'yang utos sa akin. Mabilis naman akong kumilos para hindi na tuluyang magalit si Nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD