ASSET : CHAPTER 03

1046 Words
Rifle "Bakit gan'yan ang mukha mo?" Nilipat ko ang maganda kong mata sa kaibigan kong si Uzi. Nandito kami sa isang pag-aari n'yang bar at nasabi ko na rin sa kan'ya ang lahat ng nangyari sa isa n'yang bar. "Anong meron sa mukha ko? Bukod kasi sa kagwapuhan ay wala na akong alam na nakikita sa mukha ko," tanong ko sa kan'ya. Tinawanan n'ya lang ako sabay inom ng alak na hawak n'ya. Hinawakan ko ang mukha dahil hindi ko makalimutan na sinampal ako ng isang babae. Isa siguro s'yang mahirap at mahina ang utak kaya hindi n'ya kilala ang isang gwapong kagaya ko. "Mukhang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Uzi sa akin. Napa-smirk naman ako dahil sa itsura ng katabi n'ya. Si Snipe isa rin sa kaibigan kong napakaseryoso sa buhay simula ng iwan ng ex-girlfriend n'ya. Napasandal ako sa couch at tinuro ko si Snipe gamit ang hawak kong baso. "Mayroon pa bang maslalalim sa kan'ya?" natatawa kong tanong. "May bago ba?" tanong naman ni Uzi sa akin. Natawa ako dahil hindi ko inaakala na mababaliw ang kaibigan namin sa isang babae lang. "Snipe, alam kong pangit ka kaya ka iniwanan ni Younis, pero mag-move... on... ka... na..." Napaiwas ako ng tingin ng masamang tingin ang binigay ni Snipe sa akin. Hindi ako takot sa kan'ya, pero nakakatakot rin minsan ang mga taong heart broken eh. "Alam mo, Snipe. Bilang lang sa kamay ang mga sinasabi mo sa amin." Tiniganan ako ni Uzi. "Pero mas okay na ikaw laging nakakasama ko kaysa pakinggan ko ang walang kwentang sinasabi ni Rifle." Tumawa ako ng malakas dahil ang sinabi ni Uzi ay parang joke sa akin. "That's right! Don't come near me, magmumukha ka kasing alalay dahil sa kagwapuhan ko," paliwanag ko. Ang mga gwapong kagaya ko ay hindi basta basta nakakasira ng buhay dahil maiingit lang sila. "As if you have one," sagot ni Uzi sa akin. "Wag kang magsalita dahil wala kang karapatan!" banat ko. "I'm going home." Napatingin kami kay Snipe ng biglang tumayo at naglakad palabas. "Napangitan yata sa'yo," saad ko kay Uzi. "Nakakairita kasi 'yang boses mo," tugon n'ya. "Mas maganda pa ang boses ko kaysa sa pagkatao mo," banat ko. "Tsk! I've heard someone slapped you." Nilapat ko ang likod ko sa couch at naiinis na naman ako dahil sa paalala ni Uzi. "Why?" tanong ni Uzi sa akin. "Pinatanggal ko kasi s'ya sa trabaho," sagot ko. Tahimik lang na nakatingin sa akin. "Why?" tanong n'ya sa akin. "Dami mong tanong," irita kong sagot. "Maybe she had a reason to hit you, and why you fired her?" tanong ni Uzi. Minsan ayokong kasama ang mga kaibigan ko dahil masyadong Seryoso sa buhay. "She didn't allow me to use her phone," sagot ko. Biglang tumayo si Uzi at napailing na lang. "Malala ka na," saad n'ya sabay alis. "Malala talaga ang kagwapuhan ko!" Uminom na lang ako mag-isa at umuwi sa unit ko. Habang nasa balcony ako at tinitignan ang ibaba ng building kung nasaan ako ay iniisip ko ang magulang ko. Napahinga na lang ako ng malalim dahil ni Minsan sa buhay ko ay hindi ko man lang sila nakita. Tinignan ko ang langit para makita ang mga bituin. "Sana naman binigyan n'yo ako ng kapatid para hindi ko solo ang magiging magandang lalaki sa mundo!" sigaw ko. Kinabukasan ay nagising ako dahil sa kaluskos na narinig ko mula sa labas ng kwarto. Tinignan ko ang bintana na mataas na ang sikat ng araw. Napahawak ako sa ulo ko na medyo makaramdam ng sakit, pero tumayo ako dahil parang mayroon nagwawala sa labas ng kwarto ko. "Ang aga-aga naman magnakaw!" inis kong sigaw. Pagbukas ko ng pinto ay mabilis pa sa alas quarto ang pag-upo ko sa floor ng mayroong tumama sa ulo ko na matigas na bagay. "Kailangan ba kitang puntahan dito para pumunta ka sa company?!" Napaangat ang tingin ko at napasimangot na lang ako ng makita ko si Lolo Edwardo. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumayo para umiwas sa paghampas n'ya ulit sa akin ng tungkod n'ya. "Lolo! Wag mong hinahampas ang ulo ko, pag ako na bobo, ikaw din ang mahihirapan!" reklamo ko sa kan'ya habang hinihimas ang ulo ko. "Gusto mo bang baliin ko ito sa 'yo?!" Tukoy n'ya sa tungkod. "Lolo, ano ba kasing papel ko sa company mo?" tanong ko. Wala akong interest sa business, pero wala akong choice dahil sa lolo ko. Napatakbo ako kwarto ko ng balak akong lapitan ni Lolo Edwardo. "Mapapagod ka lang kakahabol sa akin!" sabi ko kay Lolo. "Pag hindi ka pumunta sa company ngayon ay itatakwil kita, bilang apo!" banta n'ya sa akin. Natawa naman ako dahil sa pananakot ni Lolo sa akin. "Anong nakakatawa?!" Agad akong lumapit kay Lolo at mabilis na inakbayan. "Sa gwapo ko na ito ay malabo mo akong itakwil," nakangiti kong saad. Masamang tingin ang binigay ni Lolo sa akin kaya tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa gusto n'ya. "Sige na, pupunta naman talaga ako ngayon doon," sagot ko. "Mayroon lang kasi akong nakikitang asungot doon kaya ayokong magtrabaho doon sa building," paliwanag ko. Tinuro ko kay Lolo ang desk ko na puno ng mga papers at napahawak sa ulo ko. "Sumasakit na ang ulo ko dahil sa dami kong binabasa at pinipirmahan," reklamo ko kay Lolo. "Ikaw lang ang magmamana ng negosyo ko lahat kaya dapat ay pagbutihan mo pa!" Napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Lolo. "Grabe ka naman, Lolo! Gusto mo ba akong mabingi?!" Humarap si Lolo sa akin habang ako ay nakahawak sa tenga. Grabe naman ang umagang ito. May hang-over pa ako, nahampas na ulo ko, at nasigawan pa. "Nag-usap kami ng pamilya Soriano at balak ka namin ipakasal sa bunsong anak nila na si Joanna, kilala mo naman ang batang iyon kaya walang magiging problema." Parang lalo akong nabingi dahil sa sinabi ni Lolo sa akin, pero natawa ako ng malakas dahil mukhang nagbibiro na naman ang lolo ko. Napailing na lang ako sa sobrang pagtawa ko. "Parang kapatid ko na si Joanna tapos bibiruin nyo pa ako ng ganyan," natatawa kong saad. Tinapik ko ang balikat ni Lolo. "Nice try, Lolo! Joker ka pala di ko alam," saad ko sabay alis sa kwarto at naglakad papunta sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD