11

3108 Words
Nang pumasok si Maya sa banyo para maligo ay siya namang pag-aayos ko. Sinadya ko kasi talaga na hintayin siyang pumasok ng banyo nang makapag-ayos naman muna ako. Baka kasi pakialaman na naman niya ang pagme-make up ko. Kilala ko pa man din ang babaeng iyon. Masyadon atrimitida na hindi naman dapat. Akala naman kasi niya ay kailangan siya ang gumawa. Hay nako. Kaya ko namang lagyan ng kolorete ang mukha ko eh. Kung ako naman kasi ang tatanungin ay kaya ko naman kasing ayusan ang mukha ko at ang sarili ko dahil nasanay naman na ako simula nang magtrabaho ako rito. Syempre kailangan kong makipagsabayan sa mga taong kasama ko sa ganitong trabaho upang hindi naman ako magmukhang marumi o dugyot. Kailangan kahit papano ay bigyan ko ng pansin ang aking sarili, at itsura. Hindi naman kasi pwedeng okay na. At tinuruan pa nga ako ni Fear para lang mapanatili ko pa rin daw maganda at maayos ang aking sarili. Kaya naman kaya ko na talaga. Alam ko na kung ano ang mga gagamitin ko para sa aking mukha, at alam ko na rin kung paano ko ibabagay ang aking koloreta sa aking suot, gabi man o umaga ang pupuntahan kong event. Ganoon kasi ang itinuro sa akin ng mahal kong si Fear. Hindi niya ipinagdamot sa akin na dapat ay parati pa rin akong maganda sa paningin ng iba. Dapat ay presentable ako kahit kanino. Ang kailangan ko lang laging ilagay sa aking mukha ay pulbo. Hindi kasi ako masyado sa mga foundation dahil nakakasira ng balat. At isa pa, maputi naman ako kaya pulbos lamang ay okay na. Ngunit gabi kasi ang event, kaya kailangan kong maglagay ng foundation at concealer. Baka kasi makita ang eyebags sa ilalim ng akong mga mata. Kulang pa rin kasi ako sa tulog. “Bakz!” tawag sa akin ni Maya dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko. “Oh? Bakit?” tanong ko naman dito. “Pakiabot mo naman diyan ‘yong hiniram mong damit kanina,” utos nito sa akin. “Ano iyon? ‘Yung maluwang na damit?” tanong ko pa rito. “Oo, Bakz!” tugon niya. “Sige, sandali lang,” saad ko naman dito na tumayo na at pumunta sa kwarto niya. Kinuha ko ang oversized shirt na sinuot ko kanina at ibinigay ito sa kanya, “Oh,” sabi ko nang iaabot ko na. Binuksan naman niya ang banyo at, “Salamat,” wika nito habang inaabot ang damit na pinakuha nito sa akin. Hindi ko naman intensyon na tumingin sa kanya pero napabaling kasi ang mata ko sa ganda at kinis ng katawan ni Maya nang buksan niya ang pinto ng banyo at umuwang ito nang bahagya. Nakita ko tuloy ang hindi ko dapat makita. Ang sexy niya pala! Bakit kaya siya walang kasintahan? Kung tutuusin ay maganda ang kanyang pangangatawan. Makinis ito at maputi pa. At kung tutuusin din ay maganda naman si Maya. Ngunit bakit kaya walang nagkakagusto sa kanya? Napatitig talaga ako sa ganda ng hubog ng katawan niya. Sh*t! naisambit ko tuloy sa utak ko. Para tuloy akong hinilamusan nang malamig sa naisip ko. Bakit ba kung anu-ano ang naiisip ko? Kaibigan ko si Maya. Hindi ko dapat siya pag-isipan nang ganoon. “Ano ka ba, Krix!” sita ko tuloy sa sarili ko. Buti na lamang at hindi niya nakita na napatingin ako sa kanya kung hindi ay baka mag-ibang bigla ang pakikitungo at pakikisama niya sa akin. Bumalik na lang ako sa pwesto ko kanina at itinuloy na ang pag-aayos sa aking mukha. Ilang minuto rin ang lumipas bago natapos maligo si Maya. Paglabas niya mula sa banyo ay nagtungo siya sa akin. “Wow, Bakz!” mangha na naman niyang sambit nang makita ako, “Ikaw ba talaga iyan?!” tanong niya habang patuloy akong pinagmamasdan, “Patingin nga,” utos niya na umikot sa akin, “Ang ganda mo, Bakz!” Napailing na naman ako rito. “Maya, tigilan mo nga ako,” sabi ko. “Bakz, ano bang sinasabi mo riyan? Eh tingnan mo nga, nakakaselos iyang itsura mo oh!” aniya, “Mukha kang artista, Bakz!” turan nito sa akin na kinailing kong muli na naman sa kanya. “Hay nako, ang daming sinasabi,” sagot ko naman dito na kumuha ng hairpin at nilagyan ang buhok ko upang hindi malaglag, “May hair spray ka ba riyan?” tanong ko na lang rito. “Kita mo na. Pati hair spray ay alam mong gamitin kung para saan,” wika niya. “Ano ka ba naman, Maya. Hair spray lang naman, kung ano-ano na naman ang naisip mo.” Tumawa naman siya nang malakas. “Ano nga, meron ka bang hair spray?” muling tanong ko sa kanya. “Oo naman. Meron ako no’n. Ako pa ba? Teka lang at kukunin ko,” sabi niya na kinuha ang hair spray sa loob ng bag nito at ibinigay sa akin, “Oh,” abot niya, “Huwag masyadong marami ang ilagay mo at baka masyadong maging matigas ang buhok mo.” “Oo na. Ano ba ang akala mo sa akin? Syempre alam ko naman kung paano gamitin ito ano. Akin na nga,” sambit ko. Kinuha ko naman ito at ginamit. Natawa naman siya sa tinuran ko sa kanya. “Ikaw talaga palagi ka na lang high blood kapag kinakausap ka. Bawas-bawasan mo kaya ang pag-inom ng kape?” wika niya. Lumingon lang ako sa kanya saglit pero bumaling ulit sa ginagawa ko. Inayos ko ang buhok ko nang mapansin kong tumahimik na si Maya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Hindi ko inaasahan na nakatingin lang pala siya sa akin habang sinusuklay ang buhok niya. “Oh, bakit ganyan ka naman makatingin sa akin?” biglang tanong ko rito nang makita ko ang itsura niya sa salamin. “Ang ganda mo kasi, Bakz, nakakainis ka!” wika niya na kinatawa ko. “Para kang baliw, Maya,” saad ko. “Nagagandahan ka sa akin? Hindi ba pwedeng nagagwapuhan ka? Mas maganda pang marinig iyon kesa sa sinabi mo kaninang nagagandahan ka sa akin,” ika ko. “Hay nako, Krix, tumigil ka. Babae ka at hindi lalaki,” aniya. “Hay nako, Maya, ikaw kaya ang tumigil diyan. Lalaki ako. Na-trap lang ako sa babaeng katawan na ito pero alam ko sa sarili ko na lalaki ako,” sabi ko rito. “Hay nako. Ewan ko sa iyo. Pero alam mo, Bakz, kung hindi lang ako babae, malamang niligawan na kita,” ika niya na kinanginig ko tuloy bigla. “Eeeeh, kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, Maya,” sabay wika ko rito, “Kung lalaki ka man, hindi kita sasagutin ‘no,” tuloy ko. “Grabe ka naman sa akin, Bakz! Gwapo kaya ako kapag naging lalaki ako.” “Alam ko kahit ikaw pa ang maging pinakagwapo sa mundong ito, hinding-hindi kita magugustuhan ano,” sabi ko rito. “Aray! Ang sakit naman no’n. Grabe ka naman sa akin, Bakz.” “Hay nako. Ewan ko sa iyo,” at nagpatuloy na nga ako sa pag-aayos ng buhok ko hanggang sa matapos ko na ito, “Oh, ‘yan, natapos na rin ang buhok ko na ito,” sabi ko. “Perfect! Bagay na bagay ang ginawa mong ayos nang buhok mo, Bakz,” ika niya. Nakataas kasi ang buhok ko upang makita ang pagka-backless ng likuran ko. At para ma-emphasize rin ang V-neck shape ng suot kong dress. Iyon kasi ang sinabi ni Fear noon sa akin. Dapat daw ay inaayon lagi ang ayos ng buhok sa damit na isusuot para mas maging presentable at akma ang ayos. “Ang ganda-ganda mo talaga, Bakz! Nakakainis ka!” “Ewan ko sa iyo, Maya. Nasisiraan ka na ata ng ulo.” Wala na akong magagawa pa kay Maya sa kakasabi niya na maganda ako. Iyon ang opinion niya kaya naman ay hindi ko na siya papansinin pa. Maganda rin naman siya, bakit hindi niya na lang kaya purihin ang sarili niya? Bakit ako nang ako ang kailangan niyang purihin? Hay nako. “Maya, maayos na ba ako?” tanong ko rito. Nag-thumbs up naman siya sa akin habang nakangiti. “Tawagan mo na si Sir Ugi at magpasundo ka na kay Mang Noel,” utos nito sa akin. Napatingin tuloy ako sa orasan. “Shocks!” naisambit ko nang makita ko na 6:30 na pala. “Bakit?” gulat naman na tanong ni Maya sa akin. “6:30 na, Maya! Lagot ako nito!” naiwika ko at mabilis na kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Sir Ugi. Lagot talaga ako neto! Bakit hindi ko man lang nakita kung anong oras na?! Hmp! UGI’s POV “Glad to see you here, Mr. Mendez,” bati sa akin ni Mrs. Dulce Enaiz Amada, ang CEO ng Dulce Glamorosa, at siya rin ang event organizer ng nasabing fashion show. Nakipagbeso-beso ito sa akin. “I can’t say no to your invitation as always, Mrs. Amada,” sagot ko naman dito, “You look so ravishing and you really never get old,” pabiro kong saad dito na kinatawa naman niya. “You are always bolero, Mr. Mendez,” ika naman nito, “But thank you for the complement,” she then said na halatang natutuwa sa sinabi ko. “My pleasure, Mrs. Amada,” ngiti ko namang tugon dito. “It seems to me that you don’t have any dates tonight,” sabi niya nang mapansing ako lang ang umiinom na mag-isa. Napilitan naman akong ngumiti rito. “I don’t need one, Mrs. Amada,” naisagot ko na lamang dito. “That’s what I like about you, Mr. Mendez,” aniya, “You didn’t miss any chance to be so cool,” tugon naman niya habang nakangiti pa rin, “Well, the show will about to start in half an hour, for a while, just enjoy the night, it is still young, indeed,” paalam nito sa akin habang tinatapik ako sa balikat ko. Ngumiti na naman akong muli bilang ganti sabay lagok ng alak na kinuha ko kanina. “Where the hell are you, Krix?!” bulong ko sa sarili ko habang nagdidikit ang aking mga ngipin sa inis. Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa? Gusto mo ba akong pahiyain sa event na ito? Naiinis kong sambit sa aking isipan. Inubos ko na lamang ang laman na alak sa baso na kinuha ko nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Calling… Krix Fontallo Nang mabasa ko na ang pangalan niya ang nag-register sa cellphone ko ay mabilis ko itong sinagot. “Finally, you did call me,” iyon kaagad ang bati ko sa kanya, hindi pasigaw ngunit halatang galit na ako, “Where the hell are you now?” tanong ko rito. “Sir, sorry po, papunta pa lang po ako,” sagot naman niya sa akin na naging dahilan para magpalting ang dalawa kong tainga. “What?!” singhal ko rito, napatingin tuloy ako sa mga nasa paligid ko dahil napabaling sila sa akin bigla. Rinig na rinig kasi nila ang pagsinghal na ginawa ko kay Krix. Kay naman lumayo na muna ako at baka marinig na naman nila ang boses ko. Ganito pa man din ako kapag nagagalit. Mabuti na lamang at may tugtog, kung hindi ay lahat na ng tao sa loob ay narinig ang pagsigaw ko. “Aren’t you aware of the time that I told you, Ms. Fontallo?!” sambit ko rito. Gusto kong mas sumigaw dahil sa inis na idinudulot niya sa akin, lalo pa at alam na alam naman niya na ayaw kong ako ang pinaghihintay, ngunit naalala ko na nasa event pa rin pala ako, kaya kahit nagagalit na ako ay tinimpi ko ang sarili ko. “Sir, I’m really sorry po,” muli ay hingi nito sa akin ng paumanhin. Wala naman na akong magagawa kahit magalit pa ako nang tuluyan sa kanya. Kung ano man ang dahilan niya ay kailangan ko pa ring tanggapin. “Fine, I will call Noel to fetch you,” iyon lamang at ibinaba ko na, “She is so irresponsible!” nasabi ko na lamang habang napapailing at hinahanap ang numero ni Noel. Nang makita ko na ito ay agad ko itong tinawagan at inutusan na tawagan si Krix at sunduin kung nasaan man itong lupalop. Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Noel dahil hindi naman ako ganoon. Basta nasabi ko na ang gusto kong iutos ay dapat naintindihan na niya dahil ayoko nang paulit-ulit. “Good evening, ladies and gentlemen, the show is about to start in 30 minutes, while waiting, you may have different choices of drinks and unique foods for your appetite. Enjoy the evening, thank you,” sabi ng Emcee. Napatingin naman ako sa relo ko. “Iiwanan kita rito kung wala ka pa before 7,” inis na bulong ko na ang tinutukoy ko ay si Krix. Kung tutuusin kasi ay siya dapat ang naghihintay sa akin dahil ako ang boss niya. Ngunit bakit parang ako pa ngayon ang naghihintay sa kanya? At naulit na naman ito! Muli akong kumuha ng alak na maiinom at naupo muna habang hinihintay si Krix. Napatingin na naman ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Tiningnan ko na naman kung sino ang tumatawag. Calling… Lein Sinagot ko ito kaagad at, “Yes, Bro?” tanong ko rito. “Ugi, where are you?” tanong nito sa akin. “I am at here at a fashion show event,” sagot ko rito. “Oh, I see, but are you free later?” tanong na naman niya. Tiningnan ko naman ang relo ko. “Maybe?” patanong na sagot ko rito, “I am not sure. Hindi ko kasi alam kung anong oras matatapos ‘to,” saad ko sabay lagok na naman nang iniinom ko. “Ah, I see, well if you still have free time later, Bro, just call me, we’re here at the Bar,” sabi niya na kinatango ko. “Who’s with you, Bro?” tanong ko kay Lein. “I’m actually with Bosh, Pare,” sagot naman niya, “But I call Dri kanina if he has time as well.” “Then what did he tell you?” tanong ko rito. “He was still in the middle of meeting, Bro, kaya hindi siya sure kung makakasunod siya,” saad nito. “Okay, Bro, just expect my call later. I need to attend this event kasi kaya kailangan ko munang unahin ito, but I will definitely give you a call later,” sabi ko rito. “Yeah, Bro. We will definitely wait for your call.” “Yes, yes, Lein. See you there,” iyon lang at ibinaba ko na ang tawag nito. Mas na-excite pa ako sa kanila na nasa Bar unlike sa akin na nandito sa isang nakaka-boring na event. “What a waste of time,” sabi ko tuloy sabay lagok na naman ng alak, “One more, please,” baling ko sa bartender. Kinuha naman niya ang baso ko at nagbigay muli ng panibagong inumin sa akin. Napatingin na naman ako sa relo ko. “Last 15 minutes, Krix,” muli kong bulong sa sarili ko habang wala pa rin akong nakikita na Krix na dumarating. I get my phone and checked if she texted me, but to my dismay, I didn’t see any message from her. “You are wasting my time here,” gusto ko nang ihagis ang cellphone ko dahil sa sobrang inis ko. She knows that I really hate waiting! But she is keep on doing it! “You will be going to pay for this, Krix!” naisambit ko na lang bigla na ininom ang buong laman na alak ng baso bago tumayo at magtungo na sa pwesto ko. I will still save a seat for my date kahit galit ako. At alam namang pupunta pa rin siya. Hindi niya ako pwedeng indian’in. “Good evening, ladies and gentlemen,” muli na namang nagsalita ang Emcee, “Tonight, we will witness the different creations of styles made by none other than, Mrs. Dulce Enaiz Amada, a round of applause for her,” turan nito na ginawa naman naming mga guests. Lumabas sa stage si Mrs. Amada at naglakad habang kumakaway. Nag-flying kiss pa siya sa akin nang makita akong nakaupo na sa pwesto ko. Tumango lang ako sa kanya bilang ganti. Muli na namang nagsalita ang Emcee at pinakilala kami isa-isa bago nagsimulang rumampa ang mga modelo. Magaganda sila at talaga namang kaakit-akit sa mga suot nila. Muli ay nagsalita na naman ang Emcee. “The models are wearing the new creations of Mrs. Amada’s casual suits,” sabi ng Emcee. Muli ay rumampa na naman ang mga modelo sa panibagong suot nila. Isa-isa na namang lumabas ang mga ito. “And now, for the most awaited part of the show,” sabi ng Emcee, “Let us witness the new trend but classy dresses made none other than Mrs. Dulce Enaiz Amada!” muli ay nagpalakpakan na naman. Lumabas na naman ang mga modelo habang suot-suot ang iba’t ibang dresses na kumikinang kapag natatapatan ng spotlight. Nagulat naman kami nang bumaling ang spotlight sa bandang likuran naming mga nanonood. Lahat kami ay napasunod sa ilaw kung saan ito tatapat. Napatigil ang mga modelo sa pagrampa nang matapat ang ilaw sa isang babae na napakakinang ng suot at napakaganda. “Who is she?” tanong ng karamihan. “She is so beautiful,” wika naman ng iba. Napatitig naman ako rito at napagtanto kong si Krix iyon! Napatayo tuloy ako at pinuntahan ito. “Krix,” tawag ko rito na kinatingin niya sa akin. “Sir,” mahina niyang sambit. Nakailaw pa rin ang spotlight sa amin. Hinawakan ko naman ng kamay niya upang igaya sa braso ko sabay baling kung nasaan si Mrs. Amada. Tiningnan ko ito nang tingin na humihingi ng paumanhin. Tumango naman siya sa akin at ngumiti pagkatapos ay humarap sa Emcee at kumumpas. Sa ginawa nitong pagkumpas ay naialis sa amin ang spotlight at nagsalitang muli ang Emcee. Inakay ko naman na si Krix papunta sa pwesto namin. “Why are you so late?” iyon agad ang tanong ko rito ngunit hindi nakatingin ang mga mata ko sa kanya. “Sir, I-----,” hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. “We will talk later,” bulong ko rito, madiin at halatang galit. “Y-Y-Yes, Sir,” narinig ko namang sagot niya sa akin. At nanood na nga kami ng show.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD