2

2705 Words
UGI’s POV “Wala pa ba sila, Krix at Maya, Kathy?” tanong ko rito. Kanina pa kasi ako naghihintay, “Are they know that I hate waiting?!” medyo galit na sambit ko na rito. And I really don’t want waiting! I hate it! Alam na alam nila na ayokong pinaghihintay ako lalo na kapag gusto ko nang umalis! Bakit ba ganito ang mga empleyado ko?! They are not responsible! They should have known me for quite long! Agh! I really hate waiting! Hindi ako ang tipo ng taong maghihintay nang matagal lalo pa at ako ang pinaghihintay, and they don't have the rights as well to make me wait! How dare they are! “Nako, Sir Ugi, ba-baka parating n-na po si-sila,” nauutal na sagot naman nito sa akin, halata sa tono nito na natatakot siya sa pwede ko pang sabihin. “They should be here in a minute kung hindi iiwan ko silang dalawa!” singhal ko na rito, dahilan para kunin niya muli ang cellphone niya at mag-dial sa mga taong hinahanap ko. Even though I have their cellphone numbers, it should not be me to call them. “Napakatagal mo kasi eh, baka nagagalit na si Sir sa atin,” mula sa malayo ay narinig ko ang pag-uusap nina Maya at Krix kahit hindi ako nakatingin kung nasaan ang mga ito. Medyo malakas kasi ang boses nila. “Sir Ugi, nandito na po sila,” sabay sabi ni Kathy sa akin dahilan para mapatingin na ako sa papalapit na sila Maya at Krix. Lumapit ako kung nasaan sila Krix. “Sir s----,” pinatigil ko ang pagsasalita ni Krix. “I told you to meet me in ten minutes, Ms. Fontallo,” nakatiimbagang kong sambit dito. Ang bawat letra sa mga salita ko ay matigas, sapagkat ako ay talagang nagngangalit sa kanilang ginawa, pero pinakalma ko ang aking sarili. Ayokong isipin nila na napakasama ng ugali ko. “Sir kasi po-----,” hindi ko na naman ito pinatapos sa sasabihin niya. “I am your boss here, you should be the one who’s waiting for me, not me waiting for you,” mahina kong saad dito at hindi na ako nakasinghal sa mga ito, “You must give me the service that worth to what I am paying you,” dagdag ko pa. Titig na titig ang aking mga mata sa kanya na para bang nalulusaw na siya, ngunit pinakalma ko pa rin ang sarili ko. Uulitin ko, ayoko pa ring sabihin nila na masama ang ugali ko. My Dad is a kind boss, at iyon ang imahe na iniingatan ko kahit na may mga bagay akong nakikita na ayaw ko. Iyon lang at saka ako tumalikod na ako sa mga ito. “Let’s go,” utos ko. Masyado ba akong strict sa ginawa kong iyon? No, I’m not. Ayoko lang kasi talaga nang pinaghihintay ako lalo na kapag sinabi ko ang oras na binitawan ko dahil gusto ko palaging nasusunod para alam nila ang ayaw at gusto ko. Lahat ng pera na pinambabayad ko sa mga tauhan ko sa kumpanya ay pinaghihirapan ng pamilya namin kaya naman I deserved the right service with what I am paying for all my staffs and employees. Ako na ang bagong boss nila at hindi na ang Daddy, kaya ako na dapat ang masusunod. Pero kailangan ko pa ring maging mabuti sa kanila. Ako nga pala si Luigi Dale Cruz Mendez, Ugi na lang, as in Yuji, ‘yan ang pagbasa, ang may-ari ng kumpanyang nangunguna when it comes to Magazine, ang Bad Boy Magazine. Ang president and CEO nang nasabing kumpanya. Magmula nang makabili ng bagong building at makapagpatayo ng bagong business ang Mommy at ang Daddy ko abroad, ako na ang namahala sa mga businesses na naiwan nila rito sa Pilipinas. Nakapag-asawa na kasi ang Ate ko, yes, may kapatid ako, actually, dalawa sila, hindi na kasi kinilalang pamilya ni Dad si Ate ng iba ang pinakasalan nito habang ang Kuya ko naman ay namatay sa isang vehicular accident na hindi naman sinasadya. I was 19 then when my Kuya died. We were actually went to his friend’s Bachelor’s Party that day. Of course, ano ba ang meron kapag mga gano’ng Bachelor’s Party? ‘Di ba mga inuman? So we were drunk pero hindi ako masyadong uminom since I have to drive pauwi that night, dahil talagang lasing na ang Kuya ko, and I really don’t want him to drive. But when we were going home, he insisted to me na siya ang nakatatanda kaya naman siya dapat ang magmaneho at hindi ako. “Kuya, you can’t drive, you’re drunk,” sabi ko sa kanya. “Ugi, of course I can drive,” sagot naman niya sa akin habang nasa loob na kami ng sasakyan niya, “Don’t you trust your Kuya?” he said as he asked. “Of course, I trust you, Kuya, you know that,” sagot ko naman dito. “Then just seat and relax,” he said, “I can drive,” dagdag pa niya at iyon ang sabi niya na nagpakampante sa akin. “Pero Kuya, baka pagalitan ako ni Dad since I let you drive tapos lasing ka pa,” I said as I insisted. Hindi naman niya ako pinakinggan, instead ay nag-start na siya ng makina ng sasakyan at saka nagsimula nang magmaneho. Hindi naman kami mabilis, sakto nga lang ang andar namin, kaya alam kong makararating at makauuwi kami ng ligtas sa aming bahay. “You know, Bro, gano’n lang si Dad, but believe me, he won’t be mad at you when just because I drove drunk.” Hindi ako naniniwala kay Kuya kasi alam ko naman na siya ang paborito ni Dad habang si Ate naman ang may paborito ay si Mommy. “That’s not true, Kuya,” wika ko, “Dad will definitely scold me once he knew that I let you.” “Ugi, don’t worry, I will be the one to talk to Dad once we arrive at home and we will come home safe, magtiwala ka sa akin,” he said na kinangiti ko na rito, “And if Dad will scold you for whatever reason, then I’ll be there to save you.” Ngumiti na ako sa kanya. I know Kuya is the only one who truly loves me. “Thanks, Kuya, you’re the best,” turan ko rito. “I know, wala ka nang mahahanap na kuya na kagaya ko, limited edition lang ako kaya dapat sulitin mo ako,” he said sabay tawa nang malakas. “I know, that’s why I love you, Kuya,” sambit ko sa kanya. “And I love you too, Bro,” sagot naman niya sa akin habang nakatingin sa akin na nakangiti. Segundo lang ang pagharap niya sa akin ngunit nang magbalik ang tingin niya sa kalsada ay umiba na pala kami ng lane kaya----- “Kuya!” tanging naisigaw ko na lamang bago kami binangga ng isang malaking lorry. Nagising na lang ako na nasa Ospital na ako at nakahiga na nang maayos sa ICU habang umiiyak si Mommy at si Ate Lacey na kausap ang Doktor sa labas, nakikita ko ito dahil sa transparent na salamin kung saan ako nakahiga. Teka, nakahiga? Ano ba ang nangyayari? Nasaan ba ako? Gusto kong tumayo pero hindi ako makatayo dahil sa mga apparatus na nakakabit sa buo kong katawan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero parang nararamdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ng mata ko, pati na rin ang dahan-dahang pagpintig ng puso ko. “Tooot---Tooot---Tooooooooot!” “Luigi!” narinig kong sigaw ni Mommy at ni Ate pero hindi ko maidilat ang mga mata ko. Namamanhid ang buo kong katawan. “Luigi, please lumaban ka, Son,” narinig kong sambit ni Mommy, naririnig ko ang pag-iyak niya. Hindi ko maidilat ang mga mata ko. Bakit? Ano ba ang nangyayari? Bakit naririnig kong umiiyak ang Mommy? “Honey, what is happening?” boses iyon ni Daddy. Nandito si Dad? Pero bakit? Pinilit kong buksan ang aking mga mata ngunit hindi ko pa rin ito mabuksan. “Alfonso, your Son,” narinig kong sagot ni Mommy. “Luigi, don’t give up!” narinig ko namang wika ni Daddy dahilan para pilitin kong maigalaw ang isang daliri ko dahil hindi ko talaga maidilat ang aking mga mata. Pagkatapos noon ay wala na akong naalala. Pagkamulat ng mga mata ko ay nasa isang pribadong kwarto na ako ng Ospital habang si Ate ay nakaupo at binabantayan ako. “Ugi?” tawag ni Ate sa akin nang makita niyang dumilat ang mga mata ko, “Ugi, you’re awake!” masaya nitong sambit tapos sumigaw ito, “Nurse! Nurse!” tawag nito sa naka-duty na Nurse. “Ma’am?” narinig kong sambit ng Nurse sa labas. “My brother is awake,” masayang wika nito. “Teka po, tawagin ko po si Doc Lorenzo,” sabi nito. “Yes, please…” Sumulyap na naman si Ate sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Ugi, you’re finally awake,” mangiyak-ngiyak na sambit niya sa akin. Hindi ako makapagsalita pa, may benda pa kasi ang ulo ko at hirap pa rin akong gumalaw. “Ms. Mendez,” narinig kong tawag ng Doctor. “Doc, my brother is awake,” ulit na naman ni Ate. Masayang-masaya siya habang nakatingin sa akin. Tiningnan ako ng Doctor, at in-examine. “He’s fine now, Ms. Mendez, but it’ll take few more weeks before we remove his bandage,” sabi nito, “For now, he is okay, and he needs to recover,” iyon ang narinig kong sinabi ng Doktor sa Ate ko. “Yes, Doc, thank you,” ani naman ni Ate bago umalis ang Doctor sa harapan ko. Gusto ko mang magsalita at magtanong ay hindi ko naman magawa. Para bang ayaw makisama ng aking mga labi dahil sa benda na nasa buong muka ko. Magmula noon ay si Ate lang ang nakikita kong nagbabantay sa akin. Hindi ko naman matanong kung bakit wala sila Daddy, Mommy at Kuya Lucky na dumadalaw or nagbabantay man lang sa akin dahil na rin sa benda na nasa buong mukha ko na hindi pa tinatanggal hanggang ngayon. Si Ate Lacey lang ang laging nandoon sa Ospital kasama ko. Oo may mga kaibigan ako na pumupunta at dumadalaw pero mas malimit na ang Ate Lacey ko ang nakikita ko kapag minumulat ko ang aking mga mata. Siya ang nagbabasa sa akin ng mga libro, nagkekwento ng mga news at nagpapanood ng mga funny videos. “Para lumakas ka, Ugi,” lagi niyang sinasabi kapag magbabasa siya ng libro, magpapanood sa akin ng mga funny videos at kapag nagjo-joke sa akin. Minsan makikita kong nandoon sina Allein at Bosh, o kaya naman ay si Dryxz, they are my best friends. Maririnig ang mga malalakas nilang tawanan at kwentuhan na kahit hindi nila nakikita na nakangiti ako sa aking mga labi ay nagagalak ako dahil nandito sila. Sila ang malimit na kasama ni Ate Lacey sa pagbabantay sa akin sa Ospital. Ni hindi ko pa nakitang nagbantay sa akin sina Mommy at Daddy, at kahit si Kuya Lucky ay wala rin. Inisip ko na lang na baka busy lang sila sa pagpapatakbo ng business namin kaya talagang wala silang time na dalawin man lang ako. Nakalulungkot mang isipin, iyon naman ang katotohanan. Talagang mas priority nila ang business namin kaysa sa akin. Hanggang sa dumating ang araw na pinakahihintay ko, ang pagtanggal ng bandage sa mukha ko. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong alam sa mga nangyayari. Hindi pa rin kasi sinasabi sa akin ni Ate kung bakit at paano ako napunta rito sa Ospital. “I assume that everything will be alright, Ms. Mendez,” narinig kong wika ng Doktor sa Ate ko. “I am praying for that, Doc,” sagot naman dito ni Ate. “Bro, we are excited,” nakangiting wika ni Lein sa akin. “Yeah, Bro, we are really excited,” segunda naman ni Bosh dito. Nandito kasi silang dalawa para saksihan ang pagtanggal ng benda sa mukha ko. Silang dalawa lang dahil si Dryxz ay wala raw. At as per usual, wala pa rin sina Dad, Mom at Kuya. Lahat sila ay nae-excite na matanggal ang buong bandage sa mukha ko. “Doc, is it possible na magkaroon ng mga side effects ang kapatid ko?” tanong ng Ate ko. “Actually, Ms. Mendez, magkakaroon lang ng side effects kapag nag-react ang operation na ginawa namin sa kapatid mo,” sagot nito, “But base on his laboratory tests, ay wala naman kaming nakitang mali, so it only means na successful ang kanyang operation.” Hindi ko maintindihan kung anong operation ang pinag-uusapan nila, pero isa lang ang gusto kong mangyari, ang makita na ang mukha ko na kaytagal nagtiis sa pagkaka-bandage. Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang natanggal ang bandage sa mukha ko. “The operation is really successful, Ms. Mendez,” sambit ng Doktor, “Look at your brother, parang walang nangyari,” dagdag pa nito, “Maliban sa scar na ito,” haplos nito sa may bandang leeg ko, “Hindi ko pwedeng takpan for it is too dangerous for him, I hope you understand.” Umiling naman ang Ate ko, “Doc, it’s just fine, as long as my brother is alive.” “Kung gano’n ay maiwan ko na kayo,” aniya tapos bumaling muli sa akin, “I’m happy you really made it here, Mr. Mendez,” aniya na may kasama pang pagtapik sa aking balikat. Lumabas na sa kwarto ko ang Doktor na naka-in-charge sa akin. “Bro, you’re fine,” narinig kong wika ni Lein sa akin, habang si Bosh naman ay nakangiti lang sa akin. Napatingin naman ako sa kanila, most especially to my Ate na halos mapuno na ng luha ang mga mata, “Ate,” tawag ko rito. Finally, nakapagsalita na ako! Naibuka ko na ang aking mga labi. Imbes na sumagot ito ay yakap ang iginawad nito sa akin, “You’re fine, Ugi! You are fine!” sambit nito dahilan para yumakap na rin ako sa kanya. “Bro, nice to hear your voice again,” yakap din nila Lein at Bosh sa akin. “It’s been so long, Bro,” wika ni Bosh, “We prayed for your fast recovery,” dagdag pa nito. “Yes, Bro, sobra ka na ngang hinahanap ni Lucy eh,” sabay sabi ni Lein na kinangiti ko lang dito. Lucy is my girlfriend. Hindi ko rin siya nakita na dumalaw man lang sa akin. “How is she?” tanong ko sa mga ito. “Lucy’s fine, hindi mo lang siya nakikita since tulog ka as always kapag dumadalaw siya sa iyo,” sagot naman ni Lein sa akin. “Thanks, Lein, Bosh,” sabi ko sa mga ito. “You’re always welcome, Bro,” sagot naman nilang dalawa. “Um, where is Dri?” tanong ko sa mga ito. “Nako, si Dryxz, may meeting na kailangang attend-an kaya wala siya rito, I hope you understand, Bro, but don’t worry because he promised na dadaan siya later dito,” sagot naman ni Bosh sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot dito. “Ate,” sabay baling ko sa Ate ko, “Where’s Mommy?” tanong ko rito, “Daddy and Kuya Lucky? Why they are not here with you?” Nagkatinginan silang tatlo sa tanong kong iyon pagkatapos ay bumaling sa akin. “Ugi, you have to take some rest muna,” sagot lang ni Ate sa akin, “At kapag kaya mo na, you will see them,” nakangiting tugon sa akin ng Ate ko. Ngumiti ako sa sinabi niya. Kahit papano ay naibsan ang aking lungkot dahil makikita ko na silang muli. Dalawang linggo pa ang lumipas bago ako nakalabas ng Ospital. Okay naman na raw ako kaya inilabas na ako ni Ate, at kahit na may bandage pa ang kaliwang braso ko, nagpalabas na talaga ako, nabo-boring na rin kasi ako sa Ospital. Puro na lang kasi ako higa. Tapos nood ng t.v. Nakaka-boring na talaga kaya naman thankful talaga ako na nakalabas na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD