43

2022 Words

Pagkalabas ni Ate Lacey ay inayos ko naman muna ang aking mga gamit. Wala naman kasi akong gagawin kaagad kaya inuna ko nang ayusin ang mga dala kong gamit. Hindi naman siguro kami magtatagal dito nang matagal dahil alam din ni Sir Ugi na marami pa siyang mga aasikasuhin sa opisina. May mga nakabinbin pa siyang mga trabaho na kailangan niyang pirmahan. Pati mga meetings ay marami pa siyang kailangang attend-an. At hindi biro ang sangkatutak niyang endorsement na babasahin. Hindi ko alam kung paano niya matatapos ang mga nakatambak niyang gawain, pero alam ko namang magagawa niya lahat ang mga iyon. Siguro ay gusto lang muna niyang mag-unwind para naman kahit papaano ay makapag-relax siya. Kahit siguro ako ay ganoon din muna ang gagawin ko kung sakali man na may-ari ako ng isang kumpanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD