MIKEE:
NATIGILAN AKO SA harapan ng aming bahay nang makitang may magarang kotse ang nakaparada sa gilid. Wala naman kaming kalapit na kapitbahay kaya nakakatiyak akong bisita namin ang lulan ng magarang kotse. Napapilig ako ng ulo na nagtuloy-tuloy pumasok sa aming bakuran. Nasa harapan pa lang ako ay dinig ko na ang boses ng isang matandang babae at ni tatay na mukhang masaya ito base na rin sa pagtawa. Magmula nang mamatay si nanay ilang linggo pa lang ang nakalipas ay walang ibang ginawa si tatay kundi maglasing at magwala! Ni hindi na nito iniisip ang kakainin namin ng dalawang nakababatang kapatid ko.
labingpitong anyos pa lang ako at graduating ng highschool ngayong taon habang ang dalawang kapatid kong lalake na kambal ay nasa elementary at graduating na rin sa edad na onse. Mahirap ang buhay dito sa probinsya namin sa Santa Fe. Nueva-Vizcaya pero kinakaya naman. Isang jeepney driver si tatay habang si nanay ay tindera ng mga gulay sa palengke na tinutulungan ko kapag wala akong pasok sa eskwela.
"Oh Mikay nandyan ka na pala!" ani tatay na agad tumayo at sinalubong ako dito sa may pinto. Ngumiti ako at nagmano dito.
"Mano po Tay" ngumiti itong tinanggap ang kamay ko at ginulo pa bahagya ang buhok ko.
"Kaawaan ka ng Diyos anak" anito at inakbayan akong lumapit sa isang may katandaang babae. Mataba ito na may suot ding reading glasses. Hindi naman sobrang tanda. Kung basehan lang ang itsura ay nasa edad singkwenta pataas ito. Nakangiti ito na pasimple akong pinasadaan ng tingin.
"Magandang hapon po" bati ko. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito.
"Magandang hapon din sayo anak" anito. Naupo ako katabi si tatay at kaharap namin ang ale. "Ako nga pala si Minchita anak. Isa akong mayordoma ng pamilya Castañeda na mga amo ko sa tanang buhay ko sa syudad. Naghahanap ako ng bagong makakasama naming katulong sa mansion dahil nag-asawa na ang isang kasama namin doon at nagkataon na nagkatagpo ang landas namin ng tatay mo" saad nito na ikinatango-tango ko lang at matamang nakikinig dito.
"Ahm Mikay, alam mo namang hirap na ang tatay 'di ba?" si tatay. Ngayon pa lang ay nahihinulaan ko na ang mga nangyayari. Bagay na naiintindihan ko naman kahit na nasasaktan na rin ako sa loob-loob ko. Ngumiti lang akong tumango kay tatay. "Si manang Minchita, hindi ka niya pababayaan doon. Isa pa anak malaki ang sweldo mo para makapag-aral ang mga kapatid mo. Sa ngayon? Tulungan mo muna si tatay pag-aralin si Mak-Mak at Nat-Nat hmm?" nangilid ang luha kong pilit kong nilalabanan na hwag tumulo. Ngumiti akong yumakap kay tatay dahil nagsilaglagan na ang luha ko. Ayokong ipakita sa kanya ang luha ko dahil baka makonsensya ko ito.
"Opo Tay, naiintindihan ko po ang ibig niyo" sagot ko na pasimpleng nagpahid ng luha bago kumalas sa pagkakayakap dito. Ngumiti itong hinaplos ako sa pisngi at matamang tumitig sa mga mata ko.
"Hayaan mo, kapag nakapagtapos na ang dalawang kapatid mo? Ikaw naman ang magbabalik eskwela. Magtatapos ka naman na sa highschool kaya kahit anong edad ay pwede kang mag-enroll sa kolehiyo" dagdag pa nito na ikinatango ko lang. Kung tutuusin ay tapos naman na ang final exam namin. Kaya pwede na akong hindi pumasok. Confident naman akong pumasa ako dahil ako naman ang nangunguna sa klase namin.
MABILIS LUMIPAS ang mga araw. Pagkatapos nang masinsinang pag-uusap sa pagitan namin nila tatay at manang Minchita ay bumalik din ito ng syudad. Hiniling ko kasi na a-attend muna ako ng graduation namin na naintindihan naman nila at pinayagan ako.
Katulad ng inaasahan ko ay ako ang validictorian sa batch namin. Panay ang pagbati sa akin ng mga classmates ko dahil wala naman akong kinakaaway dito.
"Congrats Mikay! Para sayo" napalingon ako sa bumati sa akin mula sa likuran ko. Awtomatikong napangiti ako na mabungaran si Lander. Ang kababata at boy bestfriend kong.....lihim kong minamahal. Magkaiba kami ng section nito dahil kabilang ako sa mga top student sa section A habang ito ay nasa class D. Impit akong napapairit sa isip-isip ko na inabot nito ang isang red rose na may kalakip pang maliit na teddy bear.
"Salamat Land" saad ko na inabot ang regalo nito. Napatingin ito sa nakasabit sa aking gold medal na napapangiti. Inakay ko na ito sa tambayan namin sa likod ng school kung saan ang garden.
"Anong plano mo ngayong bakasyon? Saan ka magko-kolehiyo Mikay? Tuloy ba tayo sa Saint. Louis University?" magkasunod nitong tanong pagkaupo namin sa isang kubo na walang tao. Doon lang kasi may meron ang kursong gusto namin ni Lander dahil nasa tatlong unibersidad lang ang meron dito sa buong probinsya namin. Ang criminology.
Marami ding kubo dito na nakahilera at dahil graduation ngayon ay mari-raming bisita ang school. Mga kapwa namin estudyante at mga magulang. Napahinga ako ng malalim na napahaplos sa medalya ko.
"Hindi muna ako ako mag-aaral Land" mahinang sagot ko. Sapat na para marinig nito.
"Huh? Bakit? Hindi ba't pangarap mong mag-pulis? Akala ko ba sabay nating abutin ang pangarap natin?" gulong tanong nito na lumapit sa tabi ko. Humawak ito sa baba ko at itiningala sa kanya. Nangilid ang luha ko pero ngumiti ako dito na makitang may halong lungkot din ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin.
"Magtatrabaho ako sa syudad. Para na rin makapag-ipon sa pag-aaral nila Nat-Nat at Mak-Mak" hindi naman ito sumagot at nanatiling nakatitig sa akin. "Hwag kang malungkot. Itutuloy ko pa rin naman ang pag-aaral ko. Hindi nga lang ngayon ang panahon ko. Uunahin ko na muna. Ang mga kapatid ko" masiglang saad ko.
"Iiwanan mo ako" mahinang sambit nito na napayuko. Parang kinukurot ang puso ko sa lungkot ng tono nito. Tuluyan na ring tumulo ang luha kong agad kong pinalis.
"May cellphone naman. Pwede pa rin tayong magtawagan kapag wala akong trabaho" tumango lang ito na nakayuko pa rin. "Hwag ka namang ganyan Lander. Malulungkot ako niyan na makita kang ganyan. Aalis na ako bukas kaya maging masaya ka na lang para sa tatahakin kong kapalaran sa syudad" mapait akong napangiti nang magpahid ito ng luha. Kaya pala nakayuko lang. Ayaw niyang ipakita sa akin ang pag-alpasan ng luha niya.
"H-Hindi mo naman ako kakalimutan 'di ba?" ngumiti akong tumango. Namula ang mga mata nitong may bahid pa ng luhang pinahid ko. Hinayaan lang naman ako nitong haplusin siya sa mukha. Matalik kaming magkaibigan ni Lander. Magkasundo sa lahat ng bagay. At ramdam ko rin namang....may gusto din siya sa akin. Marahil ay nag-aalangan lang siya o nahihiya na umamin sa akin kaya nagkakasya na muna kami sa pagiging mag-bestfriend lalo na't....mga bata pa lang naman kami.
"Paano naman kita makakalimutan?" napangiti ito na nangislap ang mga mata. Napalinga pa ito sa paligid kaya maging ako ay napasunod. Namilog ang mga mata ko nang kabigin ako nito sa batok at siniil ang mga labi kong ikinanigas ko! Maging paghinga ay nakalimutan ko na dala ng pagkabigla!
"Mahal kita. Mahal na mahal kita Mikay. Maghihintay ako huh? Ipangako mong...babalikan mo ako" hinihingal na saad nito habang hawak pa rin ako sa batok at magkadikit ang aming noo. "Mikay" untag nito sa pagkakatulala ko.
"Uhm..o-oo. Oo naman Land. Trabaho naman ang pupuntahan ko dun" natatarantang sagot kong ikinangiti nito. Ramdam ko ang paggapang ng init sa mukha ko sa pagkakatitigan namin na nagpapalitan na ng hanging nilalanghap!
"Magkita tayo mamaya?" makahulugang tanong nito. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko pero tumango pa rin akong lalong ikinalapad ng pagkakangiti nito bago mariing humalik muli sa mga labi kong ikinapikit ko at mahigpit na napakapit sa laylayan ng polo nito.
"L-Lander...." hinihingal na sambit ko.
"Uhmm..." ungol lang ang sagot nito na muling sinunggaban ang mga labi kong ikinapikit kong muli at dahan-dahang sinabayan ang ginagawad nitong halik!
PAGDATING NAMIN sa bahay ni tatay ay hindi na ako nagulat na maabutan dito si manang Minchita. Napangiti ako na makitang maraming dala itong pagkain na nakahain na sa lamesa namin kaya maging ang dalawang kapatid ko ay bakas ang kasabikan at takam sa kanilang mga mata.
"Congratulations anak! A job well done!" masiglang bati nito na yumakap pa sa akin. Napangiti na rin akong niyakap ito pabalik. Hindi naman kasi ako naiilang sa kanya. Magaan nga ang loob ko dito at ramdam kong mabuti siyang tao. Marahil ay ramdam din iyon ni tatay kaya kaagad niya akong ipinagkatiwala dito.
"Salamat po. Nag-abala pa kayo" nahihiyang sagot ko na napatingin sa mga pagkaing halos mapuno ang espasyo sa lamesa namin. Ngumiti naman itong umiling na hinaplos ako sa ulo.
"Maliit na bagay anak. O siya. Magbihis na kayo at nang makakain na tayo. Mag-uusap na muna kami ng tatay niyo" tumango naman si tatay na may munting ngiti. Sabay-sabay na kaming pumasok ng mga kapatid ko sa silid namin. Tatlo lang ang silid dito sa bahay. Solo ako sa silid ko habang magkasama naman ang kambal kong kapatid sa iisang kwarto.
Matapos naming makaligo at bihis ay sabay-sabay na kaming kumain kasama si manang Minchita at ang lalakeng kasama nitong driver nito.
Matapos naming maghapunan ay tumuloy na kaming bumyahe nila manang Minchita sa syudad. Hindi na ako nakatanggi kaya in-message ko na lamang si Lander na pa-byahe na kami ng syudad at 'di na matutuloy ang sanay pagkikita namin. Hindi naman ito nag-reply. Naiintindihan ko naman kung nagtampo siya pero wala naman akong magagawa. Madali ko lang naman siyang nasusuyo kapag nagkakatampuhan kami dahil pareho lang naman kaming hindi natitiis ang isa't-isa.
Umidlip na lamang ako habang nasa kahabaan ng byahe. Ramdam ko na rin ang pagod ko sa maghapon. Nakakatangay ng antok ang lamig at bango dito sa loob ng kotse. Idagdag pang napakalambot ng upuan at banayad magmaneho si manong Pio na siyang driver. May katandaan na rin ito at ang sabi ay matagal-tagal na rin siyang naninilbihan sa mag-asawang Castañeda na kapwa mababait na amo kaya wala akong dapat ipag-alala.
NAGISING AKO sa marahang pagtapik-tapik sa braso ko. Naniningkit ang mga matang napadilat ako na kinusot-kusot ang nanlalabo kong paningin.
"Nandito na tayo" ani manang Minchita kaya napaayos ako ng sarili maging ng buhok kong nagkandasabog-sabog na.
Napasunod akong bumaba dito at hindi mapigilang malaglaga ang panga na napatingala sa harapan ng bahay na binabaan namin! Kaya naman pala mansion ang itinawag dito ni manang Minchita dahil para nga naman itong palasyo na sa mga asian novels ko lang nakikita. Hindi ko lang lubos akalaing makakakita ako ng totoong mansion sa tanang buhay ko! At dito pa ako magtatrabaho! Parang nawala bigla ang pangungulila ko sa pamilya ko na iniwan ko sa probinsya na makita kung gaano kalaki. Kaganda. At kagara ng pagtatrabahuan kong mansion.
Kabado akong palinga-linga sa mga nadadaanan namin ni manang habang nakasunod ako dito. Ipapakilala daw niya ako sa magiging amo ko. Ang mag-asawang Castañeda. Napapanganga na lamang ako at 'di mapigilang mamangha sa mga nakikita! Kung sa labas ay napakagara at ganda ng mansion ay mas trumiple naman dito sa loob! Hindi tuloy ako magkandamayaw sa paglinga sa paligid! Sa laki at lawak ng lugar ay tiyak akong mawawala ako dito kung ako lang mag-isa. Dito pa nga lang sa first floor ng mansion ay marami pa kaming dinaanang saradong pinto bago narating ang malawat at magarang sala! Para akong nasa loob ng five star hotel sa mga oras na 'to!
Napatuwid ako ng tayo nang malingunan ang dalawang pares na pababa ng hagdanan. Para akong nakakita ng totoong prinsipe at prinsesa sa kanilang itsura at tindig. Napangiti ang mga ito na malingunan kami ni manang Minchita dito sa sala na hinihintay sila. Nakakapit ang babae sa braso ng lalakeng napakakisig at talaga namang ubod ng gwapo. Habang ang babae ay napakasupistikada ng itsura mula ulo hanggang paa.
"Good morning señora Irish. Señor Alp" magalang pagbati ni manang na napayuko pa kaya kaagad akong napasunod. Matamis namang ngumiti ang mga ito sa amin.
"Good morning too Nanay. Siya na ang sinasabi mo?" natameme pa ako sa ganda at lambing ng boses nitong tinawag ni manang señora Irish.
"Opo señora. Ito nga pala si Mikay, Mikay anak. Sila ang mga amo natin. Si señora Irish, at asawa nito si señor Alp" pagpapakilala sa amin ni manang. Pilit akong ngumiti sa mga ito kahit nahihiya ako. Kita namang mabait sila sa prehens'ya at itsura nilang mag-asawa.
"M-Magandang umaga po" mas lalong lumapad ang pagkakangiti ng mga ito sa aking marahan pang ginulo ako sa buhok.
"Magandang umaga din Mikay. Welcome sa pamilya Castañeda, feel at home hmm?" nahihiya man ay lakas loob kong tinanggap ang pakikipagkamay ni señor Alp dahil nakangiti din naman ang asawa nitong nakipagkamay din sa akin. Ang lambot at init pa ng palad nila na parang sa bulak ang lambot!
MATAPOS AKONG IPAKILALA ni manang sa mga amo namin ay dinala na ako nito sa ibang ikalawang palapag ng mansion. Medyo nagulat at kinabahan pa ako na sumakay sa elevator nitong mansion nila! Nakakalula lahat ng nakikita ko dito kahit mga muwebles ay kumikinang! Bumagay ang tema na white at gold dito sa ambience ng buong mansion.
"Dito sa second floor ng mansion nakatira ang mga katulong. Sa third, fourth, fifth, six, seventh at eight floor naman ang mga amo natin" ani manang habang naglalakad kami ng hallway at kaliwa't kanan ang pinto na nadadaanan namin.
"Ilan po ba ang amo natin dito Manang?" lakasloob kong tanong habang sinasabayan itong maglakad.
"May limang anak ang mga amo natin. Sina señorito Kenzo, Alp, Brix at señorita Iris at Shayne lahat sila ay nakatira dito. Mababait naman ang mga batang 'yon" pagbibigay alam nito na ikinatango-tango ko. Huminto ito sa pinakadulong bahagi ng pinto. "Dito ang magiging silid mo Mikay. Si señorito Alp ang alaga mo. Nasa fourth floor ang silid nito. Sa ngayon tulog pa 'yon at bukas ka pa naman magsisimula kaya magpahinga ka muna ngayon" anito na binuksan ang silid. Napanganga pa ako sa laki at gara ng magiging silid ko dahil para akong nasa five star hotel room ako nakatira!
Napalapad ang ngiti ko na humiga sa double size bed ko at lumundo pa ako sa sobrang lambot! Lalo akong iginigiya ng antok na makaramdaman ng comfort sa lambot ng hinihigaan at sa lamig ng buong silid na napakatahimik pa!
"Good luck Mikay. Para sa pamilya. Laban lang" nakapikit kong pagkausap sa sarili. Inalis ko na muna ang round reading glasses ko at piniling umidlip na muna lalo't maaga pa at kulang talaga ako sa tulog. Ramdam ko din ang pagod sa magdamag naming byahe kaya lalo akong tinatangay.