MIKEE: SUNOD-SUNOD akong napapalunok habang pinapakiramdaman si Alp sa likuran ko. Nakatalikod ako dito at nasa dulong bahagi na nitong kama. Kahit maluwag ang espasyo ay naiilang akong umusog dahil nasa gitna itong nakahiga. Kanina pa ito humihilik pero hindi manlang ako dalawin ng antok! Ang hirap makatulog na magkatabi kami ngayon sa kama. Akala ko pa naman sa sofa ulit ako matutulog pero laking gulat kong dito niya ako pinahiga sa kama. Katabi ito. Maingat akong tumihaya na maramdamang nangangalay na ang katawan ko sa posisyon ko. Pero para namang nama-magnet ang mga mata kong dahan-dahang napalingon ditong nakatagilid ng higa paharap sa akin. Nakasuot lang siya ng boxer briefs na walang pang-itaas kaya naman nakakatuyo ng lalamunan mapasadaan ang kakisigan nito lalo na ang mga pande