MIKEE: NAPANGUSO AKONG bumangon ng kama na makagisnang mag-isa na lamang ako dito. Kakamot-kamot ako sa ulong nagtungo ng banyo at ginawa ang morning routine ko. Hindi ko mapigilang mapangiti at kiligin na maalala ang mga nangyari kahapon sa date namin ng asawa ko at maging sa pagkulong nito sa akin ng magdamag sa bisig nito. Ang sarap lang sa pakiramdam na nagiging sweet na ito sa akin. Sana lang ay magtuloy-tuloy na. Sana ito ang umpisa ng mas maayos naming pagsasama. Kahit na bumalik na kami ng bansa. Pagkatapos kong maasikaso ang sarili ay lumabas na ako ng silid. Napangiti akong humalukipkip na matamang pinanood si Alp na abala sa paghahanda ng agahan. Naka-topless pa ito na tanging apron at boxer briefs ang suot. Kahit ang buhok nito ay sabog-sabog pa rin pero hindi naman naging