Kabanata 1: Unang Araw ng Pasukan

2124 Words
BROOKE`S POV “Putangina talaga. Sana may transferee na gwapo ngayong school year na `to,” sambit ko sa `king sarili habang inaayos ang kilay ko. Grade twelve na ako ngayon pero wala pa rin akong jowa, nakakainis! My name is Brooke Santos and I`m officially a grade twelve student at Marcos University. First day of classes ngayon kaya masyodo kong pinaghandaan ang outfit ko. May goal kasi ako ngayon at iyon ay ang magkaroon ng boyfriend before graduation next year dahil isang taon na akong walang jowa simula noong niloko ako ng hinayupak kong ex. Naiinis pa rin ako kapag binabalikan ko yung ginawa niya sa`kin pero past na iyon at naka-move on na ako. “Brooke! Anong oras na hindi ka pa lumalabas diyan sa bahay niyo! LATE NA TAYO GAGA!” malakas na hiyaw ni Monica, ang bestfriend ko mula sa labas na bahay namin. Dumungaw naman ako sa bintana dito sa ikalawang palapag ng bahay namin para kausapin siya. “Saglit lang! Kukunin ko lang yung bag ko!” “Bilisan mo! Unang araw ng klase late na naman tayo,” reklamo ni Monica. Nag-make face na lang ako dahil sa kadaldalan niya. “Gusto kong maghanap ng poging transferee ngayong school year kaya ayokong ma-late,” dagdag pa niya. “Gusto ko rin namang maghanap ng gwapong transferee kaya nga pinaghandaan ko talaga `tong araw na ito,” sagot ko habang inaayos yung basing buhok ko. “Daanan daw natin si Sarah doon sa bahay nila. Baka nagpapalit pa `yon ng damit.” Masyado kasing matagal maligo si Sarah kaya minsan kapag dinadaanan namin ay nagpapalit o hindi kaya`y nagsasapatos pa lang siya. “Balita ko marami ang mga bagong teacher kaya mahaba-habang introduction na naman ang magaganap bago pumasok sa room,” sambit ni Monica bago kumatok sa pintuan nila Sarah. “Hindi ka na nasanay? Halos every school year nagpapalit ng teachers yung paaralan natin,” sagot ko na lang. Nagkibit-balikat muna siya bago niya tinawag si Sarah. “Labas na! Ayokong mahuli ngayon!” “Teka lang! Magsasapatos lang ako!” sigaw pabalik ni Sarah mula sa loob. Hindi kami mayaman kaya minsan ay nilalakad namin mula dito sa barangay namin hanggang doon sa paaralan pero since noong nag-senior high kami ay napapadalas na ang pagsakay namin ng tricycle papunta at pauwi. “Ano bang mayroon ngayon aside sa mahabang introduction ng mga new teachers? Ang boring ng first day of classes,” komento ni Sarah noong lumabas siya mula sa kanilang bahay. “Wala kasing alam na humarot kaya palaging boring ang first day of school mo,” sambit ni Monica. Totoo ang sinabi ni Monica, masyadong mailap si Sarah sa mga lalaki kaya single since birth siya. Honor student din siya simula noong grade seven kami kaya mataas ang standard niya sa lalaki. “Hindi ko kailangan ng boyfriend,” maikling tugon niya. “Maghintay muna tayo ng tricycle. Ayokong maglakad tinatamad ako.” Sumingit na ako sa usapan nila bago na naman sila magbangayan. “Ten pesos yung pamasahe dito hanggang sa school `di ba?” tanong ko sa kanila. “KUYA PARA PO!” malakas na sigaw ni Monica noong may dumaan na tricycle sa harap naming. “Bunganga lang ni Monica ang malakas,” komento ko bago sumakay sa tricycle papunta sa school. “Good morning dear students! Welcome to the school year 2019-2020! Before going inside your respective rooms, I will introduce your new teachers to you and after that they will render a short dance presentation to lift our moods up. Are you excited dear students?!” masayang anunsiyo ni Ma`am Giselle kaya naghiyawan ang mga freshmen. “Ang lakas ng bunganga ng mga grade seven ah!” Natatawang saad ni Miggy mula sa linya nilang mga boys. “Syempre! Excited masyado eh,” dagdag naman ni Kaizen. Speaking of Kaizen, tumingin ako sa kanya tapos nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. “s**t!” mahinang bulong ko. Nahihiya ako kay Kai dahil ka-chat ko siya noong bakasyon at kung ano-ano ang mga pinag-uuspan naming. Masyado ko siyang hinarot noon kaya hiyang-hiya ako ngayon. Fvck talaga! “Ano? Hiyang-hiya ka na ngayon kay Kai? Lakas mong lumandi sa chat tapos ngayon para kang timang,” pang-aasar ni Monica sa`kin. Kwinento ko kasi sa kanya lahat yung mga pina-uusapan naming ni Kai kaya updated siya sa paglalandi ko. “Dyusko Monica tumahimik ka nga!” saway ko sa kanya pero tumawa lang siya. “Hi Kai, miss ka na daw ni Brooke!” Malakas na sabi ni Monoca kay Kai. Pasimple ko namang tinakpan ang mukha ko dahil sa hiya. OMG! Nakakahiya talaga! “Mamaya ka sa`kin Monica!” mahinang bulong ko sa kanya. “Pakisabi sa kanya kung kumusta na ba siya,” sagot ni Kai. “Ayos lang daw siya. Miss ka nga daw niya eh,” sabi pa ni Nica. Yung ibang kaklase naming tumitingin na sa kanila dahil medyo malakas ang boses nila habang nag-uusap habang ako naman ay nakatalikod na sa kanila. “Sabihin mo sa kanya, I miss you too,” ani kai. “I miss you too sabi ni Kai. Tuwang-tuwa ka naman babae,” pang-aasar ulit ni Nica sa`kin. Close silang dalawa kasi magpinsan sila and nagging leader din silang dalawa noong intramurals naming last year. “Bwisit ka talaga Nica!” Pasimple ko siyang kinurot sa braso dahil hiyang-hiya na ako sa ginagawa niya. “Alright students let`s give a round of applause to the new teachers as they present a dance for you!” Nakinig na lang ako kay Ma`am Giselle instead na making sa usapan nila Nica at Kai. Mga bwisit talaga sila. Muli ay naghiyawan yung mga studyante noong sumayaw yung mga bagong teachers naming pero tahimik lang ako dahil may iniisip ako. Totoo kayang na-miss ako ni Kai? O baka nagbibiro na naman siya, he`s a joker after all. Lapitin din siya ng mga babae tapos madami siyang kaibigan na babae. Kilala ko si Kai since grade seven pa lang kami kasi classmates kami noon and naging friends kami noong grade ten kami pero hindi kami masyadong close. Noong grade eleven kami, which is last year, ay doon na kami naging close hanggang sa nag-chat siya sa akin noong bakasyon. Medyo sweet yung conversation naming noong bakasyon pero wala kaming lebel kaya naman nakakahiya ngayong nagkita ulit kami at kaklase ko pa siya. Dyusko, bakit ko nakalimutan na classmate ko pala siya? “That`s all for today dear students. Kindly meet your assigned advisers on the bleachers to know your room number and section. Have a nice day everyone!” Iyan ang huling narinig ko bago umingay ang paligid dahil may mga studyanteng sumisigaw at ang iba naman ay tawa ng tawa habang naglalakad papunta sa bleachers. “Nasaan yung room natin?” tanong ko kay Eve, yung kaklase ko. “Sabi nila sa sating AVR pa rin yung room natin,” sumbat naman niya. “Bakit doon na naman? Akala ko sa ibang room na naman tayo.” Yung mga STEM-12 naman ay sa new building na mag-aaral tapos bakit kami same room pa rin? Ano `to discrimination? “Hindi ko rin alam bakit doon pa rin yung room natin pero ayos lang naman atleast hindi natin kailangan yung ceiling fan.” May punto naman siya pero gusto kong ma-experience na mag-aral sa new building bago ako umalis dito. “Sayang yung ambag kong piso-piso noong grade eight tayo para lang sa building pero hindi rin lang pala ako makakapag-aral diyan. Hayss,” saad ko habang nakatanaw sa bagong building sa harapan ko. “Mauna na daw tayo sa room. Susunod na lang daw mamaya yung adviser natin,” anunsiyo ni Eve kaya naman naglakad na kami paakyat sa room namin. Sa harap ako umupo dahil alam kong sa likod uupo si Kai kasama yung mga boys naming. I think avoiding him is the best thing that I need to do. “Bakit hindi ka sa likod uupo?” tanong ni Nica sa`kin noong umupo siya sa likuran ko. Lumingon ako sa kanya bago ko siya tinarayan. “Bakit ako uupo doon? Gusto ko dito sa harapan.” Aasarin na naman niya ako kapag sa likuran ako uupo o baka sabihin na naman niya na doon ako umupo para malapit kay Kai. “Masyado ka kasing ma-issue friend,” sabi ko pa. “Whatever!” pagtataray niya sa`kin. Tumahimik na lang ako dahil wala rin lang akong mapapala kapag nakipag-usap pa ako sa kanya. “Good morning class!” puno ng enerhiyang sambit ng bago naming adviser noong pumasok siya sa room naming. “Good morning ma`am!” bati naman ng buong klase sa kanya. “Take your seat please. I`m Hannah Cruz and I`ll be your adviser for the whole school year. I hope we`ll get along very well.” After our new adviser introduced herself, she told us to do the same. Nagpakilala naman yung buong klase at ganun din sa sumunod na subject naming. Recess na kaya naman lalabas na sana kami para magmeryenda. Nauna na sila Nica at Sarah sa canteen kaya naman naiwan muna ako para hanapin yung pera ko. Pababa na sana ako sa step pero hindi ko sinadyang mabangga si Kai. Pababa kasi ako tapos pataas siya, babalik yata siya sa room. “Pst!” tawag niya sa`kin noong nilagpasan ko lang siya. “Op?” sagot ko naman pero hindi ko siya nilingon. “Bibigyan kita ng five pesos kapag nilingon mo ako.” Kusa ko siyang nilingon dahil sa sinabi niyang iyon. “Mukha kang tanga Kai. Bahala ka nga diyan!” sabi ko bago naglakad pabalas. Malapit na ako sa pintuan noong nagsalita ulit siya. “I miss you too!” “Gago!” sigaw ko bago ko siya tuluyang iniwan doon sa step pataas sa room naming. Para siyang tanga sa ginagawa niya, dyusko! “Bakit ang tagal mo? Nakabili na kami oh,” salubong ni Sara sa`kin noong naabutan ko silang nakatayo sa harap ng canteen. “Sorry, may gago kasi akong nakasalubong kanina kaya natagalan ako,” ani ko. “You mean si Kai?” usisa ni Nica. Alam kong magtatanong na naman soya kapag sinabi kong si Kain nga yung nakasalubong ko kaya iniba ko na yung topic. “Hintayin niyo muna ako dito. Bibili lang ako ng meryenda ko.” “H`wag na. Bumili na kami ng para sa`yo pero hindi `yan libre! Bayaran mo ako ng thirty pesos dali!” Binigay sa akin ni Nica yung meryenda kong binili nila tapos sinisingil agad ako ng thirty pesos. “Oo na! Ayan, fifty pesos `yan. Akin na yung barya ko dali!” Binigay naman niya yung barya ko bago kami naglakad papunta sa harap ng basketball court. “Kanina pa ako patingin-tingin sa paligid pero wala akong makitang bagong mukha,” ani Nica. Kanina rin ako tumitingin sa paligid para maghanap ng gwapo pero wala. “Walang gwapong transferee,” sambit ko. Nagkwentuhan kami saglit tapos nag-ring na yung bell kaya naman papasok ulit kami sa loob ng room. “Introduction na naman,” inis na giit ni Sarah. “Friend, ganyan talaga kapag unang araw ang pasukan,” sumbat naman ni Nica. “Sana hindi bagong teacher na naman yung next subject natin. Nakakaumay na yung introduction,” sabi ko naman. “Si Nica lang yung hindi napapagod magsalita,” ani Sarah. Walang nangyaring espesyal ngayong araw dahil nga boring. Hindi nga ako nagdala ng mga notebook dahil wala rin lang kaming pag-aaralan ngayon. Uwian na pero kailangan muna naming mag-general cleaning sa room para malinisan ng husto dahil medyo maalikabok lalo na yung ceiling naming. “Samahan mo daw ako sabi ni ma`am,” sabi ni Kai. Lumapit kasi siya sa`kin kanina pero umalis noong tinawag yung pangalan niya then noong bumalik siya ay iyon ang sinabi niya sa`kin. “Ako lang ba ang pwede mong tawagin?” pagtataray ko sa kanya. “Oo bakit? Ikaw lang naman yung choice ko eh,” sagot naman niya na siyang ikinatigil ko. Ano daw? Ako lang ang choice niya? “Ayoko. Maghanap ka na lang ng iba, busy ako,” ani ko. “Ma`am ayaw po akong samahan ni Ms. Santos sa pagkuha ng floorwax doon sa office mo!” malakas na sambit ni Kai kay ma`am. Nilingon naman kami ni Ma`am Hannah bago siya nagsalita. “Ms. Santos kindly accompany Mr. Ramirez on my office. Kunin niyo yung floorwax doon tapos ipunta niyo dito para may magamit tayo.” So wala talaga akong choice? “Sabi sa`yo eh, ayaw mo pang maniwala.” Nauna na akong naglakad palabas ng room at sumunod naman si Kai sa`kin. “Hintayin mo ako!” sigaw ni Kai pero hindi ako huminto, diretso lang ang lakad ko. Kinuha ko yung nakasupot na rags tapos si Kai naman sa floorwax. Hindi ko siya kinausap dahil nga iniiwasan ko siya. Hindi ko kasi makalimutan yung sinabi ko sa`kanya noong minsang nalasing ako. Sobrang kahihiyan `yon kaya nagbabakasakali akong nakalimutan na niya iyon. “May sasabihin ako,” basag niya sa katahimikan pero hindi ko siya sinagot. “May sasabihin nga ako,” sabi ulit niya. “Ano?!” inis na sumbat ko. Ang kulit niya masyado, parang bata. “Ano ng aulit yung sinabi mo noong nalasing ka? May gusto ka sa`kin noon pa? tapos sinabi mo rin sa mahal mo na yata ako,” nakangiting saad niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil ang buong akala ko`y nakalimutan na niya iyon pero hindi pa pala! “Hindi ako `yon! Si Maria ang kausap mo noong time na `yon!” palusot ko pero tumawa lamang siya. “Ano `yon? Ikaw si Maria kapag lasing?” pang-aasar pa niya sa`kin. “Basta si Maria ang kausap mo noon. Hindi ako `yon!” sabi ko tska ako mabilis na naglakad pabalik sa room. Inom pa kasi tapos kung ano-ano ang sasabihin sa ka-chat! Bwisit kasi na inom `yan, nakakainis!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD