XXXXI

1877 Words
Third Person Point of View Maaga pa lamang ay bumalik ng muli si Filomena sa coffee shop nila Louie upang doon na idaos ang kanyang pagkakape. Kahit na pinagluluksaan pa ang kanyang kagrupo ay kailangan niya pa ring magpatuloy sa kanyang misyon. Muling tumunog ang maliit na kampanilya sa pintuan ng tindahan at sa bawat pagtunog nito ay bumabalik siya sa nakaraan kung saan nakikilala pa siya ng lalaki. Nakangiti siyang sinalubong ni Louie. “Magandang umaga,” bati nito sa kanya. “Bibili ka ba ng bulaklak o magkakape?” “Pareho,” sagot ni Filomena. “Pwede bang umorder ng best selling flavor ng kape niyo.” “Oo naman,” sagot ni Louie sa kanya. “Ipaghahanda na kita.” Tumango naman siya at humanap ng mauupuan. Siya pa lamang ang tao sa coffeshop na iyon. Pinili ni filomena ang upuan katabi ng malaking babasagin na bintana. Napatitig siya sa daan kung saan bumagsak ang kanyang kagrupo na si Khloe. Bata pa ang kanyang kagrupo. Nasa edad bente pataas lamang ito. Nalulungkot si filomena para dito pagka’t marami pang pangarap ang dalaga sa kanyang buhay pati na sa pamilya niya ngunit kailangan nilang tanggapin ang masakit na realidad. Walang nakakaalam kung kailan sila mamamatay. Walang pinipili ang kamatayan. Napahinga ng malalim si Filomena at tumingin kay Louie na nag aayos sa kanilang kaha. Itintimpla na nito ang kape na inorder ni Filomena. Hindi man lang niya ito napakilala kay Khloe. Si Khloe pa naman ang taong gustong gusto makita ang palagi niyang ikinukwentong lalaki. Ngunit sa loob ni Filomena ay mas maiging hindi na nila ito nakilala dahil wala naman na silang ugnayan sa isa’t isa. Nagawi ang tingin ni Louie kay Filomena kaya agad na napailag si Filomena ng tingin at ibinaling ang mga mata sa lamesang gawa sa kahoy. Hinawakan niya ioto upang ramdamin ang kagandahan ng disenyo ng lamesa. “Ang gandang lamesa niyo,” ani ni Filomena sa lalaki. “Talaga?” nagagalak naman na tanong ni Louie dito. “Si Janice ang pumili ng mesang iyan dahil nagkakaroon siya ng pagbabalik alaala sa tuwing nakakakita siya ng antique na lamesa.” Napatango tango naman si Filomena dito. Lumapit na si Louie dala dala ang inorder na kape ni Filomena. “Ito na ang order mo binibini,” ani ni Louie habang nilalapag ang kape sa harap ni Filomena. “Kamusta nga pala ang iyong kaibigan?” “Wala na siya,” sabi ni Filomena dito. “Binawian na rin siya ng buhay pagkadating sa hospital.” Humigop ng kape si Filomena at nasarapan siya sa lasa ng kapeng ito. Ganitong ganito rin ang pagkakatimpla ni Louie sa kanyang kape noon sa nakaraang buhay nito. “Pasensya na,” sabi ni Louie sa kanya. “Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari.” “Ayos lamang,” sabi ni Filomena. “Wala naman na tayong magagawa sa nangyari. Kailangan na lamang natin tanggapin ito.” “Saan niyo dinala ang kagrupo niyo?’ tanong ni Louie. “Hindi naman dumiretso ang ambulansya sa pinakamalapit na hospital hindi ba?” Napatigil naman si Filomena sa paghigop ng kape dahil nagtaka siya kung bakit natanong iyon ng lalaki. “Oo, bakit mo naitanong?” tanong ni FIlomena. “Hindi naman sa pananakot o pagmamagaling,” ani ni Louie. “Ngunit kadalasan sa amin ay hindi nila gustong magpaospital sa malaking hospital na iyon.” Napakunot ang noo ni Filomena. “Bakit naman?” tanong dalaga dito. Nag alangan pang magsalita si Louie sa dalaga. “Kasi… lahat ngmga naaksidente na dinadala roon ay hindi na nakakalabas ng buhay,” sabi ni Louie at napahawak sa kanyang panga ayt hinimas ito. “Hindi ko agad nasabi sa iyo na lagpasan niyo ang hospital na iyon. Pasensya na talaga. Hindi naman sa sinisiraan ko sila ngunit usap usapan talaga sa amin iyon.” Napaisip naman si Filomena sa sinabi ng lalaki sa kanya. “Isa pang nakapagtataka ay ang kompanya sa harap namin. Marami rin ang nababalitang nawawala dyan. Kilala na rin ang harapan na kalsada na accident prone area. Gusto ko sanang balaan kayo sa pagpunta niyo roon.” Isa lamang ang iniisip ni Filomena. Ang dahilan ng aksidente ng kanyang kagrupo ay ang demonyong nagkukubli sa kompanyang iyon. “Ah,” sabi ni Louie dito. “May tinatawag na pangalan nga pala yung kaibigan mo kahapon. Siguro ay minamahal niya iyon. Hindi ako sigurado sa narinig ko pero tinatawag niya ang pangalang Nica.” Napaaangat ng tingin si Filomena kay Louie. “Nica?” tanong nito. “Oo, may kakilala ba kayogng Nica? Iyon ang pangalan na gusto niyang sabihi kahapon.” Napahawak sa ulo niya si Filomena. Wala ng iba pang dahilan kung bakit tinatawag ito ng kanyang kagrupo. Si Nica. Si Nica ang demonyong nagkukubli sa kompanyang iyon. Ito ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang kaibigan. Kung sana ay nalaman niya lamang ito kahapon ay baka naagapan niya pa ang buhay ng kanyang kasama. Napatayo si Filomena sa kanyang pagkakaupo. Naglabas siya ng pera at nagbayad kay Louie. Nagtataka naman si Loui e ng tuloy tuloy na lumabas ang dalaga sa kanyang coffee shop. Pakiramdam niya ay may nasabi siyang mali dito. Tinignan pa ng binata ang tasa nitong hindi pa nangalahati ang laman.   Nasa labas ngayon si Filomena ng kompanya. Hindi niya makita si Nica. Ang babaeng tagalinis ng kompanya. Hindi nya alam kung nakatunog ba ito pero pangako ni Filomena na gagawin niya ang lahat mapatay lang ito upang mabigyan ng hustisya ang kanyang kagrupo. Hindi niya hahayaan na mapunta lang sa wala ang buhay ni Khloe. Pumasok siya sa kompanya at inilibot ang tingin sa paligid. Agad siyang lumapit sa lobby desk upang magtanong. “Excuse me,” sabi ni Filomena at napatingin naman sa kanya ang babaeng nag aayos ng papel. “Yes?” tanong ng babaeng ito. “Nasaan si Nica?” “Nica?” tanong ng babae dahil inaantay nito ang apelido ng Nica na tinutukoy ng kaharap niyang dalaga. “Yung janitress kahapon na naglilinis dito.” “Janitress?” naguguluhang tanong ng babae at pilit na inaalala. “Ah! Yung magandang babae na naglilinis palagi dito sa ibaba?” “Oo siya nga,” ani ni Filomena. “Nasaan siya?” “Bakit mo pala siya hinahanap?” tanong ng babae sa kanya. “May utang siya sa akin na dapat niyang bayaran,” ani ni Filomena dito. Sinuri naman siya ng babae kung sasagutin niya ba si Filomena o hindi dahil baka mamaya ay may maitim na balak ito sa kanilang Janitress. Matapos ang ilang segundo ay kinalabit na niya ang kasama. “Bes, pumasok ba si Nica? Nakita mo ba siya?” tanong ng babae sa kasama. Napabaling naman sa kanila ito at napaisip. “Hmm, bakit?” tanong ng babae. “May naghahanap kasi sa kanya,” sagot naman ng babae dito. “Hindi ko pa siya nakita,” sabi ng babae. “Baka mamaya pa ang dating noon. Saka palagi namang late iyon.” Bumaling naman sa kanya ang kausap niyang babae. “Wala pa daw ho si Nica, miss.” Sagot ng babae. “Sige,” sabi ni Filomena dito. “Salamat.” Tumalikod na si Filomena at dumiretso sa malalaking upuan sa kanilang malawak na lobby. Hihintayin niya ito. Habang si David naman  ay nagbabasa ng libro habang naghihintay ng iuutos ni Helena sa kanya. Kagabi pa siya balisa ngunit idinaan niya na lamang sa pagbabasa ang sarili upang kumalma ang kanyang isipan. Sinipat naman ni Olang si Dvaid. Lagi niya itong napapansing nagbabasa at sa lahat ng miyembro ng supremo ito lang ata ang nakita niyang mahilig sa libro. “Mahilig ka sa history?” tanong ni Olang dito. “Hindi masyado,” sagot ni David habang nililipat ang pahina. “Bakit laging history ang binabasa mo?” tanong ni Olang dito. “Bakit kailangan bang mahilig sa history para magbasa ng mga ganoong genre,” sabat ni Estich na nasa tabi lang ni David. “Hindi naman,” sabi ni Olang. “Pero napansin ko lamang na pare – pareho lang ang binabasa ni ginoong David. I means pareho pareho ang laman.” “Hmm?” tanong ni Estich dito. “Paanong pare pareho?” “Nakikibasa kasi ako sa libro ng ginoo,” sabi ni Olang. “Napansin ko lang na iisa lang ang laman nito ngunit mag – kakaiba ang sources. Hindi ba ginoong David? Matagal ko ng gustong itanong sa iyo nito. Lagi kasing patungkol sa kapanahunan ng unag hari ang binabasa mo.” “Yung unang hari?” ani ni Estich. “Baka kasi kapangalan niya yung hari roon.” Natatawa si Estich habang sinasabi niya iyon. Napatahimik naman si Olang habang pinagmamasdan si David. May hinuha si Napansin ito ni David kaya ibinaba niya muna ang kanyang libro. “May hinahanap ako,” sabi ni David kay Olang. “Talaga?” tanong ni Estich. “Ano hinahanap niyo master?” “Isang tao ang hinahanap ko,” ani ni David sa mga ito. “Sa lahat ng nabasa kong libro ay walang impormasyon patungkol sa kanya.” Hindi naman masyadong pinansin ni estich ang sinabi ni David. “Teka,” ani ni Estich at tumayo. “Kuha muna ako ng maiinom na kape.” Lumabas na ng kwarto ang dalaga. Si Olang naman ay nakatayo pa rin at pinagmamasdan si David. Naalala niya ang nakuha niyang larawan ng hari na talagang gingulan niya ng panahon mahanap lang ito. Kahit malabo ang pinta na iyon ay nakikita niya ang itsura nito sa itsura ngayon ng kanyang lider sa grupo. Magkamukhang magkamukha ang dalawang ito. “Siguro ikaw ang reincarnation ni Haring David, yung hari sa librong binabasa mo,” sabi ni Olang na ikinagulat ni David matapos ay bahagyang napatawa ang binata. “Paano mo naman nasabi?” tanong ni David. “Tignan mo ito,” sabi ni Olang at inilabas ang tinatagong malaking tela kung saan nakapinta ang hari at reyna. Ipinakita niya iyon kay David. “Magkamukhang magkamukha talaga kayo, master.” Inabot naman si David at namangha. Walang tanong tanong na siya nga ang haring ito ngunit napuno ng lungkot ang kanyang  mukha ng makita ang babaeng nakasuot ng korona sa kanyang tabi. Hinawakan niya ang mukha nito sa tela. Napansin ito ni Olang kaya tinignan niya ang reyna. “Nalulungkot ka bas a tuwing nakikita mo sya?” tanong ni Olang sa lalaki. “Ang sabi sa kwento ay iniwan ng reyna ang hari at tumakas sa kaharian noong makipaglaban ang hari sa digmaan. Kung nalulungkot ka ibig sabihin ikaw nga ang reincarnation ng haring David.” “Ang galing mo, Olang,” sabi ni David dito. “Nahahanap mo ang bagay na matagal ng itinago sa lupa. Saan mo nakuha ang larawan na ito?” “Mahabang proseso.” Ani ni Olang. “May nabasa pa nga ako na tinulangan ng isang anghel si haring David sa kanyang mga laban at hulaan mo kung anong pangalan ng anghel na iyon.” Hindi naman sumagot si David pagka’t alam na niya ang pangalan na susunod na banggitin ni Olang. “Alejandra,” sabi ni Olang at napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD