Third Person Point of View
Hindi malaman ni Filomena kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nawala ang mga ngiti niya sa labi noong marinig niya ang katagang fiancé.
Napatitig siya sa babaeng nakayakap ngayon sa lalaki.
“Hi, I’m Janice,” wika nito sa kanya noong mapansin na titig na titig siya dito.
Ngumiti si Filomena kahit na nararamdaman niya ang sakit sa kanyang puso. Isang hinanakit na tahimik na umiiyak noong malamang may kabiyak na ang minamahal ng kanyang puso.
“Filomena,” sabi ni Filomena habang ang labi ay nakangiti ngunit ang mga mata ay malungkot.
“Filomena,” ani ng lalaki na inulit ang pangalan niya. “Ang ganda ng pangalan mo, bagay sa iyo. Maging ang pangalan mo ay pamilayar sa akin. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan tayo nagkita o nagkausap.”
“Baka sa nakaraang buhay niyo ay magkakilala kayo,” sabi ni Janice at tumingin kay Filomena matapos tumingin sa binata. “Hindi ba? May mga taong pamilyar sa atin ngunit hindi natin makilala, maaaring sa nakaraang buhay natin sila nakilala.”
Hindi naman sumagot si Filomena at tinignan ang binata.
“Ano mahal? Nakita mo ba yung pala?” tanong ni Janice sa kasintahan.
Umiling iling naman ang binata. “Hindi, baka naiwanan mo nanaman ito sa labas ng tindahan.”
Napatawa naman si Janice sa sinabi nito.
“Siguro nga,” ani nito at kumalas sa pagkakayak. “Sige titignan ko sa labas.”
Umalis na si Janice at tumungo sa labas. Natapos naman na ang binata sa pagaayos ng bulaklak na binili ni Filomena. Napapansin nitong iba ang titig sa kanya ng dalaga kaya naman kinutuban siya na magkakilala nga sila. Malakas din ang sinasabi sa kanya ng kanyang isipan na kilala niya ito. Iyon nga lang at hindi niya maalala
Naglabas ang binata ng anim na bubble gum sa estante ng mga candy at inalagay sa supot. Matapos ay inabot niya kay Filomena ang bulaklak at ang supot ng bubble gum.
“Six hundred and fifty pesos lahat,” ani ng binata sa kanya.
Naglabas naman ng pera si Filomena at binayaran ang binata.
“S-salamat,” ani ni Filomena at tumalikod na.
Gusto niyang yakapin ang lalaking ito. Gusto niyang sabihin dito kung gaano siya nangulila mula ng mawala ito sa mundo. Gusto niyang ikwento ang lahat ng nangyari sa kanya habang wala ang lalaki sa buhay niya.
Ito ang sinabi sa sa kanya ng lalaki dati bago ito binawian ng buhay. Iyon ay kung sakaling mabubuhay pa siya sa mga susunod na henerasyon ay hahanapin niya si Filomena at makikinig siya sa kwento ng dalaga.
Ngunit kahit na nagkita sila ngayon ay balewala na ang lahat dahil hindi na siya ang babaeng hihintayin nito. Kahit gustuhin man niya itong yakapin ng pagkahigpit higpit ay hindi na maaari dahil may kabiyak na ito.
Malungkot na binuksan ni Filomena ang pinto ng tindahan at muling tumunog ang maliit na kampanilya.
“Maraming salamat! Balik ka ulit!” bati sa kanya ni Janice na nasa may labas at hinahanap ang palang nawawala.
Yumuko naman na siya at nagpaalam.
Sa di kalayuan ay nakita niya ang kanyang grupo na sila Krit and Zoe na kumakaway sa kanya sa kabilang kalsada.
“Bumili ka nanaman ng bulalak, master?” tanong ni Krit sa kanya noong mapansin ang dala – dalang gumamela. “Mas makakatipid ka kung magtatanim ka na lang ng gumamela sa bakuran niyo. Nagtataka ako kung bakit hindi pa napupuno ang bahay mo sa dami ng bulaklak na nabili mo.”
Napansin naman ni Zoe ang malungkot na mata ng kanilang master kaya siniko niya si Krit upang tumigil ito sa pagsasalita. Nagtaka naman si Krit kung bakit kaya napatingin siya kay Filomena na nakatingin sa mga bulaklak na hawak – hawak.
“Nakita ko na siya,” ani ni Filomena habang nakatingin sa mga bulaklak.
“Sino?” tanong ni Krit dito. “Sinong nakita mo, master? Nakita mo na yung hinahanap natin? Talaga? Ang galing mo talaga master. Nasaan yung demonyo?”
Hinampas naman ni Zoe si Krit dahil masyadong ignorante ito.
“Hindi mo ba nagets?” naiinis na sabi ni Zoe kay Krit. “Hindi mo man lang napansin? Hindi yung demonyo ang nakita ni master kundi yung lalaking nagbigay sa kanya ng bulaklak.”
Napakamot naman ng ulo si Krit.
“Paano ko naman magegets agad iyon? Malamang na ang akala ko ay demonyo dahil iyon naman ang pinunta natin dito.” tanong ni Krit kay Zoe. “Magulo talaga kayong mga babae. Hindi ko magets kung paano mo nalaman na ang nakita ni master ay si Louie. Hindi ba nga malabong makita niya iyon kasi matagal ng nawala pero sabagay maliit nga ang mundo. Si Louie ba ang nakita mo master?”
“Paano kung yung taong hinhintay mo ay hindi na naghahanap sa iyo?” tanong ni Filomena na hindi pinansin ang sinabi ni Krit sa kanya. “Paano mo sasaihin sa taong iyon na naghihinatay ka pa rin kung iba na ang taong hahanapin niya.”
“Oh my gosh?!” ani ni Zoe. “Totoo ba? Sige ako ang iharap mo sa kanya master at sasabihin ko sa kanya kung gaanong kawala siyang kwentang lalaki. Matapos ka niyang paibigin ay ipagpapalit ka sa iba!”
Mas lalong napakamot si Krit sa sinabi ni Zoe. Wala na siyang magets sa mga sinasabi ng dalawang babae. Tila ba mga bugtong ang lumalabas sa bibig ng kanilang master at ang sagot naman ay ang mga sinasabi ni Zoe.
“Paano mo nalaman na pinagpalit siya?” tanong naman ni Krit sa katabing dalaga.
“Common senses na iyon,” ani ni Zoe sa kanya. “Panibhasa ay wala ka noon eh!”
Hindi alam ng mga kagrupong tao ng mga supremo na mga anghel sila mula sa itaas na ipinadala ng kalangitan sa ibaba upang gapiin ang mga dmeonyo. Ang alam lang nila ay mga pinagpalang mga tao ito na may kakaiba at natatanging kapangyarihan.
“Siya ba ang nagbigay sa iyo ng bulaklak na iyan?” tanong ni Zoe kay Filomena. “Nako! Kung ako sa iyo master ay sinampal ko siya niyang gumamela at pianluputan ko ng halaman yung leeg niya. Para ka kasing anghel sa bait eh.”
“Masama ang iniisip mo Zoe,” ani ni Filomena. “May bumubulong bang demonyo sa tainga mo? Isa pa ay wala namang dapat sisihin sa nangyari dahil iyon ay nakatadhana. Kayong mga tao ay hindi maiintindihan ang mga bagay na lagpas sa inyong kaalaman kaya huwag kayong mag – isip ng ganyan lalo na at hindi niyo binasa ang buong libro.”
“Suggestions lang naman eh,” sabi ni Zoe at napapout pa. “Sorry na. Ikaw kasi ang lungkot ng mga mata mo. Mas lumungkot pa noong nagkita kayo. Pero gusto kong makita yung Louie na kinikwento mo lagi sa amin, master. Gusto kong makita kung anong itsura ng taong nagustuhan mo at kung bakit naghintay ka sa kanya ng kaytagal.”
“Tumigil ka sa kakanguso mo,” ani ni Krit dito. “Mukha kang bibe.”
Matalim naman natinignan ni Zoe si Krit.
“Ikaw nga hindi pa nakanguso mukha ng tandang!” ani ni Zoe at inirapan ang lalaking katabi.
“Tsk,” ani ni Krit. “Hay grabe kala ko mga lalaki lang ang sobra magmahal.”
“Tumigil ka!” ani ni Zoe sa kanya. “Mas mapagmahal kaming mga babae kaysa sa inyong mga lalaki! Mga cheater kayo!”
“Hoy! Hoy!” ani ni Krit habang nakaturo pa ang hintuturo kay Zoe. “Diyan ka nagkakamali! Mas mapagmahal kami! Handa nga namin isuko ang lahat para lang sa mga babae. Alam mo ba na mas mabilis at mas grabe magmahal kaming mga lalaki kaysa sa inyo? Kami nga lagi ang nagsasabi ng I love you sa inyo! Hindi ka ba nagbabasa at nanonood? Dami na ngang bumagsak na lalaki sa laban nila dahil lang sa babaeng mahal nila.”
“Talaga lang ha?” ani ni Zoe at bumaling kay Krit. “Kung totoo ang sinasabi mo bakit andaming nagchecheat na mga lalaki? Hindi ba sabi mo ay grabe kayo magmahal? Bakit andaming nagchecheat?”
“Ibang usapan naman na iyan, Zoe,” ani ni Krit. “Saka akala mo lang na madaming lalaki ang nagchecheat, madami rin naman babae ang nangangaliwa ah! Masyado kayong nakafocus sa mga pagkakamali naming mga lalaki.”
“Hindi ako naniniwala!” ani ni Zoe.
“Wala naman pumipilit sa iyon!” sagot naman ni Krit.
Umirap naman si Zoe at tinalikuran ang binata.
“Oh? Galit nanaman siya,” sabi ni Krit dito. “Ipinagtanggol ko lang naman ang side namin. Galit nanaman siya!”
“Tama na iyan,” sabi ni Filomena. “Magmahalan na lang kayo kaysa palagi kayong nag aaway na parang aso at pusa.”
“Ito kasi,” ani ni Krit kay Zoe.
“Lagi ka talagang naninisi,” ani naman ni Zoe.
“Totoo naman eh,” sabi ni Krit sa kanya. “Wala naman dapat ikagalit pero nagagalit ka.”
“Galit ba ako?!” inis na tanong ni Zoe dito. “Galit na sa iyo toh?!”
Sanay na siya sa ugali nito dahil ilang taon na rin naman silang magkasama.
“Oo,” ani ni Krit dito. “Pwede na nga panabong yung bibe eh.”
Malakas na tumawa si Krit na mas ikinainis ni Zoe.
“Talaga lang ha!” sabi ni Zoe dito at mas kumunot ang noo.
“Naiyos mo na ba Zoe ang pagbisita natin sa kompanya?” tanong ni Filomena dito.
“Opo, master,” sagot ni Zoe sa kanya. “Nag email na rin sila sa atin n gating qr pass para makapasok.”
“Magaling,” ani ni Filomena. “Tara na.”
Naglakad na sila patungo sa malaking gusali na nasa tabi lamang nila.