CHAPTER 83 Alam kong nasaktan siya dahil ramdam niyang wala na siyang kapangyarihan. Nakikita na niya ako bilang katunggali sa kapangyarihan niya at impluwensiya sa mga iba pang mayayamang negosyante sa buong Pilipinas. Makakapekto iyon sa pagsulong ng ganyang negosyo. Alam ko namang interes lang niya ang kanyang isinusulong at hindi ang interes ng samahan. Nakita ko ang ngitngit sa kanyang mga mata. Tumayo siya. “Okey, you can take my position. If you excuse me for a while,” sabi niya at nakita ko ang paninigas ng kanyang kamao. Ang kanyang matalas na mga matang puno ng galit at inggit sa akin. Ngumiti lang akong naglakad para tunguhin ang tronong inupuan niya ng limang taon. Ipinamukha kong gusto kong baguhin ang lahat at walang planong ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulang mga proye
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books