Chapter 82 Sumasama ang mga mata nila sa akin hanggang sa umupo ako sa tapat niya. Nakatitig siya sa akin. Nauna man siya sa venue at una man nakita ang kanyang magarang dress pero mas mahusay kong naidala ang damit na iyon. “As I was saying, do we still need to vote a new set officers? You know, we have been doing this for the past years and yet, wala rin naman sa akin lumalaban, wala na rin namang tumatapat sa akin, hindi ba? Para hindi na tayo magsayang pa ng panahon rito, let me present na lang our calendar of activities this year.” “Excuse me, Mrs. Cuenca,” isang CEO ang nagtaas ng kanyang kamay, “we need to push through our votation this year. Hindi naman pwedeng dahil ikaw na ang nanalo at na-appoint for the past 5 years ay gano’n uli ngayon.” “What do you mean Mr. Gonzales? La