SORRY

1908 Words

CHAPTER 50 Bumilis ang paghakbang ng aking mga paa hanggang sa ang layo na lang ng asawa ko sa akin ay isang dipa na lang. Hanggang sa mahigpit ko siyang niyakap. Kinarga niya ako. Binuhat niya ako paikot habang magkahinang ang aming mga labi. Mas mabilis na naglakbay ang mga luha sa aking pisngi kaysa sa makapagsabi ako ng kahit anong salita. Hanggang sa ibinaba niya ako. Nangangatog ang tuhod ko, nanghihina sa di ko inaasahang pangyayari. Ang buong akala ko, bangkay nang madadatnan namin ang asawa ko. Akala ko, ililibing na siya bukas pero heto siya’t buhay na buhay. Napahawak ako sa isang flower stand at dahil sa hindi ko nakakayanang emosyon ay kasabay ko na dapat iyong matumba ngunit sa isang kisapmata ay nahawakan muli ako sa baywang ng asawa ko. Pumikit ako. Gusto kong masigu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD