CHAPTER 57 “Ano na! Tatanga-tanga ako! Hanapin ninyo! Hindi siya pwedeng makatakas! Dali! Bilisan ninyo at baka nakalayo na!” Dinig kong sigaw ni Kate. Umiiyak ako. Kasabay ng pag-iyak na iyon ng aking pagdarasal na sana tulungan ako ng Diyos na makalayo at tuluyang makatakas. Mas binilisan ko pa ang pagdausdos ko palayo. “Diyos ko, ilang dipa na lang ho. Parabng awa na ninyo. Ilang dipa na lang at pwede na akong tumayo at makatakbo palayo.” Hanggang sa nagawa ko nang tumayo. Binilisan ko na ang aking paghakbang. Mararating ko na ang masukal na kagubatan. Makakahingi na rin ako ng tulong sa mga pulis! Maipakukulong ko na si Kate! Akmang tatakbo na sana ako nang mula sa kadiliman ay may lumabas na pigura at nagawa nitong paluin ako sa aking batok. Hindi ko iyon napaghandaan. Huli na