THE WEDDING

1559 Words

CHAPTER 21 “Pare, ano ‘to? Alam ko lasing ka pero hindi si Kate ang pakakasalan mo, ibang babae. Hindi ito yung usapan natin,” mahina ngunit dinig kong sinabi ng Mayor na magkakasal sa amin. Tinignan ako ni Ken. Ngumisi siya. Itinungga niya ang hawak niyang bote. Kinabahan ako. Mapapahiya ako sa lahat kung sasabihin niyang nagkakamali siya. Lalo na kung sasabihin niya sa lahat kung sino lang ako. Yumuko ako. Huminga nang malalim. Hindi matanggang yung lakas ng kabog sa dibdib ko. “Hindi ba si Kate ‘yan?” tumawa siya. “Eh ano naman kung hindi siya.” “Ano? Bakit? Anong nangyari, Pare? Nasaan si Kate?” “Tsk! Ganito na lang, okey?” tumungga siya ng alak. “Usapan na natin ito dati, hindi ba? Andito na rin naman ang buong tropa. Pakakasal ako sa hapong ito, okey? Nandito ka para magkasal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD