THE RED NIGHTIES

1263 Words
CHAPTER 5 “Yes! Pero sige, bababa na uli ako kung nandiyan na sila,” boses iyon ng lalaking pumili sa akin. Ang lalaking nagmamay-ari ng lahat ng hawak ko ngayong milyones. Nakapikit ako. Nanginginig. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag tinanong ako. Baka ginto na, naging bato pa dahil sa katigasan ng ulo ko. Itong pagiging ganito ko ang dahilan kung bakit ako napapahamak eh. Hanggang sa sumara ang kanina ay nabuksan na pintuan. Wala na ba siya? Umalis na ba siya? Buong tapang kong nilingon ang pintuan. Wala na siya. Wala na nga siya. Agad kong ibinalik ang sobre na puno ng pera. Pinaghuhubad ko ang lahat ng suot kong alahas. Mabuti na lang talaga hindi siya pumasok. Mabuti binuksan lang niya ang pinto at hindi na siya sumilip pa sa loob. Paniguradong kahit anong paliwanag ko, lumalabas na pinakikialaman ko ang di naman talaga dapat na pakialaman ang kagaya kong bayaran lang. Pero sana sa akin niya iyon ibigay. Sana bayad iyon ng aking virginity. Ambisyosa ang dating pero malay naman natin. Sayang pala yung mga iniiyak at iniarte ko kanina. Blessing in disguise naman pala ang mangyayaring ito sa akin. Sa gwapo nung lalaking iyon plus sobrang yaman pa, sino ako para mag-inarte? Sino ako para maging choosy e laking bukid nga lang ako at naging iskwater nang dumayo sa Manila. Anong karapatan kong maging choosy eh tumatae langa ko sa emburnal o isinusupot saka itinatapon sa kung saan-saan. Natutulog ako sa banig. Umiinom ng pinakulong tubig na galing lang sa poso. Nakikihati sa isang maliit na tuyo at ang katapat ay isang pinggang kanin na. Yung isang noodles nga kasya na sa aming apat ta’s eto? Itong blessing na itong dumating na, aartehan ko pa? Hindi ko na pakakawalan pa itong pagkakataong itong umangat. Hindi ko na basta-basta bibitiwan pa. Tignan mo nga naman talaga kung dumadating ang swerte. Kahit hindi mo aasahan e sadyang lalagapak na lang basta sa mga kagaya kong virgin pa. Maingat kong ibinalik sa box ang nasabing alahas. Ang ganda talaga. Diamond ang bato ng kuwintas. Ganoon din ang hikaw, kakaiba ang bato. Ang bracelet halatang purong ginto at may mga bato rin na nakapalibot. Mabuti na lang naisuot ko na ang nakapag-selfie. Huminga ako nang malalim. Kung nagkataon, sa kamang ito masisira ang aking puri. Pero kug kagaya naman ng lalaki kanina ang sisira sa puri ko, ayos lang. Yung iba nga diyan, ibinigay ng libre sa tambay nilang kapitbahay, yung iba gin lang at tang juice ang katapat. Ako, eto bente mil. Kailangan ko na rin palang maligo. Paghandaan ko ang napakayamang lalaking ito. Bahala na kung anong maging tingin sa akin ng iba. Materialistic. Mukhang pera. Manggagamit. Wala akong pakialam. Basta importante ngayon, hindi na kami magugutom pa ng aking pamilya. Ang importante ay hindi na kami pwede pang maliitin ni Tita Dulce at ng ibang tao. Hindi na rin ako magpuputa. Nagputa man ako, isa lang ang sumiping sa akin. Isa lang nakatikim. Lumabas ako ng kuwarto at tinungo ko ang banyo. Tinanggal ko ang mumurahin kong damit na binili lang sa palengke. Yung tela halatang sa bangketa lang. Pati yung panty kong may nakadikit pang size. Hindi ko pa pala natanggal. Nang binili ni Tita, isinuot ko agad. May nakasulat pang 80 pesos sa nakadikit na papel. Nakakahiya. Nang nahubad ko na ang lahat ng aking damit na ang halaga lang lahat lahat ay nasa 500 pesos at may sukli pa ay tinignan ko ang kahubdan ko sa salamin. Pati ako hindi ko nagustuhan ang make-up ko. Ang kapal. Natabunan yung tunay kong ganda. Mabilis akong naligo. Nag-shampoo. Sosyal. Sabong panlaba lang lagi ang pinapansabon ko sa ulo ko at tubig ulan ang pinambubuhos ko, ngayon may kung anu-anong klaseng sabon akong nakikita kong nakahilera. Bakit gano’n, walang bar bath soap. Lahat parang shampoo o conditioner. Body wash, body shower gel, body scrub… andami. Pero may mga nakalagay namang for body kaya lahat yun halos ibuhos ko sa katawan ko kasi sobrang lambot sa katawan. Sobrang bango. Pangmayaman talaga. Yung dati kong ligo wala pang 3 minutes lang sa bahay kasi mahal ang tubig, ngayon naging halos o higit isang oras na yata. Ang sarap lang kasing maglublob sa bathtub na pinuno ko ng tubig at nilagyan ko ng maraming sabon na parang conditioner. Hayon bumubula siya talaga. Pinapanood ko lang ito sa teleserye dati at pelikula, ngayon nararanasan ko na. Ang sarap ng pakiramdam na makaranas nang pangmayamang routine na ganito sa paliligo. Pag-ahon ko nakita ko ang aking balat sa salamin na parang kumikintab. Parang lalo akong pumuti sa tingin ko. Pati ako napalunok sa kaseksihan ko. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko sa whole-body mirror at napatitig ako. Mahaba ang aking biyas at bilog na bilog ang aking maputi at makinis na hita at binti. Ang bahaging nasa gitna ng aking hita ay saktong tambok lang at taba. Impis ang aking tiyan pero maayos ang pagkakalubog ng aking pusod. Napakaputi ng aking makurbang katawan na binagayan ng malusog at may kalakihan kong hinaharap. Pinkish ang bahaging iyon sa dulo nito. Mahaba ang aking tuwid at malambot na buhok. Hugis puso ang aking mukha. Matangos ang aking ilong. Mapungay ang aking mga mata na binagayan ng may kakapalan kong kilay na maayos na maayos ang hubog. Dahil salat ako sa pampaganda at dahil ang damit ko ay laging luma at pang mahirap, hindi ako pansinin. Ngunit ngayon na malinis ako’t nakahubad na nakaharap sa salamin. Mukhang may ibubuga nga talaga ako. Sinuklay ko nang sinuklay ang aking buhok. Tinignan ko ang dati kong hinubad na damit. Nakakatamad isuot uli kasi sobrang makati sa balat at ang tigas ng tela sa katawan. Naisip ko ang red nighties. Subukan ko kayang isuot muna? Mukha namang matatagalan pa yung lalaking iyon bago bumalik sa kuwarto. Pero kabilin-bilinan nong assistant niya na wala akong pakikialaman sa kuwarto kundi ref, aircon, remote, tv at pagkain lang. Hindi ko naman ginalaw ang aircon, baka pwedeng itong nighties na lang ang kapalit ng aircon. Pero gusto ko lang rin makita kung anong maging ayos ko kapag isuot ko iyon. Kung mamahalin ba ang isusuot ko lalo ba akong gaganda? Na-try ko na kanina ang alahas, itong nighties na lang na pula ang gusto ko namang makita. Lalo bang lalabas ang aking kaseksihan kapag ganito ang dapat pinapasuot ni Tita sa akin at hindi mumurahing mga panty at b*a? Bahala na basta gusto ko rin namang subukan. Tanggalin ko na lang agad kapag nasubukan ko na at makita sa salamin ang aking kabuuan. Hubo’t h***d akong tumakbo papuntang malapit sa kama. Kinuha ko ang nakasabit na nighties. Walang b*a o panty at iyon lang talaga ang isinuot ko. Dahan-dahan. Ingat na ingat. Hindi ko dapat masira. Grabe. Ang lambot sa katawan. Ang sarap ng dampi ng tela sa aking kahubdan. Ang ganda ng kapit. Huminga ako nang malalim. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ko ang aking sarili. Napatakip ako sa aking bibig. “Taena! Ang ganda! Ang ganda-ganda ko sa mamahaling damit na ‘to, shet! Mukhang sukat na sukat talaga siya sa akin. Para siyang ginawa at binili para sa akin!” “Yes, you are exquisitely lovely and expensive in that red nighties.” Mababa at buo ang boses na iyon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang lalaking pumili sa akin kanina sa baba. May hawak siyang wine glass at halatang kanina pa niya ako pinagmamasdan. Natameme ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Lalo na sa tingin niya ay para na niya akong hinuhubaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD