CHAPTER 59 “Mangako ka sa aking ilalaban natin ‘to hanggang dulo.” Kahit alam kong malabo na naming malusutan ito, kahit pa pinanghihinaan na ako, tumango ako. “Pangako, Mahal ko. Walang susuko sa atin. Hindi kita isusuko kahit hanggang sa kamatayan. Walang makapaghihiwalay sa atin mahal ko.” “Kung kinaya mo ako nag panahong sinusungitan kita, nang panahong hindi mo naramdaman na mahal kita, sana ngayon, kayanin mo pa rin. Sana isipin mong ito na ang pinakamatinding pagsubok muli sa atin. Isipin mo ang magiging anak natin. Ngayon pa ba tayo bibitaw? Ngayon pa ba na inilaban na natin ang ating pagmamahal? Hindi madali alam ko. Maaring isa sa atin o sabay tayong mawawala pero hanggang dulo. Gusto kong lagi mong iisipin na mahal kita. Mahal na mahal kita.” Nang narinig ni Kate iyon ay pum