PROLOGUE

803 Words
    Vianna Laura keeps on looking at this bearded man in front of her.   He smiled at her while his hand was locked against her mother's hand.   “Hello there, princess. Ako na ang magiging Daddy mo.” Sabi ng lalaki sa kanya tumango siya kahit na hindi niya naiintindihan kung bakit kailangan na dalawa ang maging tatay niya.   Ang Papa niyang nakagisnan ay lasenggo at iniitsa ang mga kaldero kapag umuuwi. Bigla na lang isang araw ay nawala iyon at heto ngayon, may bago na siyang Papa.   Mukha itong mabait kahit na malaki itong lalaki. Kayumanggi ito pero maganda ito sa paningin niya.         “Dito po ako titira?” naisip niyang itanong nang ilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay na walang kasing laki. Hindi ganoon ang bahay nila. Nakatira sila sa bahay na walang debisyon, minsan wala ring ilaw. Sabi ay pundi ang bombilya at hindi niya alam kung anong ibig sabihin no’n.   Tapos iiyak ang Mama niya, may pasa sa mata. Sabi sa kanya ay naumpog sa pader.   Her mother leaves to work. Kapag nagtatanong ang teacher niya sa eskwelahan, sabi niya ay katulong ang Mama niya. Hindi niya alam kung ano ang ‘katulong’.   Tapos isang araw, may dumating na lalaki, sakay ng mahabang kotse, ito na nga ang lalaking kaharap niya.   Kinuha sila nito at ngayon ay bago na raw niyang Papa.   Nasaan na ang Papa niyang isa? Hindi na niya nakita pa iyon matapos na pukpukin ng kaldero ang Mama niya.   “Dito ka na titira. May kwarto ka sa itaas, malaki, maganda. Sasabihin mo sa akin kung anong gusto mo at bibilhin ko lahat.”         “Hindi mo po pupukpukin si Mama ng kaldero? Di ba ganoon ang mga Papa, pinaiiyak nila ang mga Mama?” tumingin siya kay Lara na naiyak na lang bigla pero mabilis na inalo ng lalaking bago niyang Papa.   “Simula ngayon mag-iiba ang tingin mo sa Papa mo. Ibang Papa na ang kaharap mo at hindi na iiyak ang Mama mo.” Ngumiti ito sa kanya kaya tumango siya ulit.   “Dad!”   Mabilis na napalingon si Vianna sa may pintuan nang marinig niya ang boses na ‘yon na kasinlakas ng kulog.   She saw a man, tall, big and not this dark. Maputi ang lalaki at parang brown ang buhok. Galit na galit ang mukha no’n kaya agad siyang tumago sa likod ng bago niyang Papa.   “How dare you leave my mother for that slut!” the man pointed at her new father.   “Your mouth, son.” Kalmado na sagot ni Harrison sa bagong dating at siya ay kukurap-kurap lang na nakatitig.           Parehas maganda ang mga lalaki sa mata niya. ‘Maganda’ kasi masarap tingnan ang mga hitsura at hindi niya alam ang ibang tawag sa ganoong mga tao, basta ‘nagagandahan’ siya pero masungit ang isa at nanduduro pa.   “I’ll watch my mouth but you watch your d**k! Hindi kita mapapatawad dahil dito. You left us for your mistress and this f*****g kid!” the mad man pointed at her and she instantly hid.   She shivered. His eyes are green—dark green. Ang talim ng titig no’n sa kanya at natakot talaga siya.   Humigpit pa ang hawak niya sa pantalon ng bago niyang Papa na si, Harrison.   “Wala kang alam.” Mahinahon pa rin ang Papa niya pero naiinis na napahilamos sa mukha ang lalaking masungit.   “Putang ina!”   Putan’ ina?   Sumilip ulit siya.   “Hindi ko na kailangan pang alamin. It’s clearer than the blue sky. You will now       fill this mansion with thieves. And I’ll never forget this kid’s face because she has a face of a thief! Magnanakaw sila ng ina niya! And you’re a futile father for letting these trespassers steal you—from us.” Umiling iyon saka siya tiningnan ulit ng masama kaya napatago siya ulit.   Tumalikod ang lalaki at mabibigat ang hakbang na umalis.   Vianna discreetly looked at the man’s footsteps and built.   Ang laki nito at halos pumantay kay Harrison kanina.   Bakit iyon nagagalit sa kanya? Mabait naman siyang bata. Saka anong thief? Sigurado siyang hindi iyon magandang salita kasi nga pasigaw ang lalaki at galit na galit na tumitingin sa kanya. She looked at her mother who cried. Kinarga siya ni Harrison at hinalikan siya sa noo. “That’s kuya Brandon. Call him Kuya Brandon or just Kuya. His name suits him, di ba? He’s imperious.” He smiled.   Im-Imperious?   “Mayabang.” Sabi ulit ni Harrison sa kanya.   Napatingin siya sa labas ng pintuan at laking gulat niya nang halos lumipad papalis ang isang itim na kotse, sakay ang kuya raw niya na mayabang…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD