Why can’t she just come and take care of her father? She could stop studying for a moment. Hindi niya gustong mag-isa sa United States ang lalaking umaruga sa kanya simula noong limang taong gulang pa lang siya.
Napakabait ni Harrison sa kanya na natutunan niyang tawagin na Daddy Harry. He treated her like a real princess. She doesn’t remember since when but when she grows older, she feels like a real princess.
She has horses though she never learned how to ride them. She has a beautiful room, one of the vastest rooms inside the mansion. Hindi niya alam kung paano nangyari na ang isang batang may nanay na parating umiiyak kapag sinasaktan ng totoo niyang Papa ay nabuhay na mala-prinsesa.
She’s studying at the most prestigious University in their town, just a few minutes’ drive away from their home. She has car and has a driver, too.
Nag-aaral siya ng preparatory para maging isang duktor. Kapag raw twenty na siya, lilipat na silang mag-ama sa Maynila at doon na siya mag-aaral sa Unibersidad de Sto. Tomas. Iyon daw kasi ang bakitan na eskwelahan para sa mga duktor.
She sighed and bid goodbye one more time to Harrison. Nasa tuktok na iyon ng hagdan ng private chopper at lilipad papuntang Manila.
Kumaway din iyon sa kanya kaya malungkot siyang ngumiti. Unang beses iyon na maghihiwalay silang dalawa, na kahit ilang beses na no’n na nabanggit sa kanya ay hindi pa rin niya matanggap ngayon na nandito na.
Palibhasa ay matanda na rin si Harrison kaya kailangan ng magpagamot. She has to understand. He was only 46 when she arrived and now the old man is 60. He’s already a senior citizen.
She was only six when her mother died in Aneurysm. Isang taon pa lang siya noon na nakatira sa Villamor Mansion, sa loob ng Hacienda Villamor. Akala niya ay maiiwan na siyang mag-isa at lalayas na siya roon pero hindi. Minahal pa rin siya at inalagaan ni Harrison na parang tunay na anak.
And now that’s she’s already nineteen, she understands everything. He’s not her biological father. He’s not married to her mom. She remained Vianna Laura Ayalde and not Villamor. Kasal ang nanay niya sa Papa niya at ang totoo, hindi niya matandaan kung ano ng Mama niya si Harrison.
Halos wala siyang memorya sa isip niya, basta ang imahe ng isang masungit na lalaki na dinuro siya ang parati niyang naaalala. It’s not vivid anyway. She can’t even remember the face of that man, only his dark green eyes.
She even wonders. Do his eyes change in color when he’s not mad?
She had never seen that guy since that day he walked out of the mansion.
Minsan may kausap ang Daddy Harry niya sa telepono at mukhang ang lalaking iyon na nga.
All her life, she’d known that man imperious. He’s her Kuya Brandon. Minsan may dumarating na babae sa Hacienda, may edad babae na matataas ang mga kilay. Pinatatago siya ng Daddy niya tapos ay naririnig niya na nagsisigawan na ang dalawa.
Kilala niya ang babae na iyon na si Mommy Henrieta pero ayaw sa kanyang ipatatawag na Mommy, Tita lang daw, sabi ng yaya Mona niya.
“Vanna,” tawag sa kanya ng driver niya.
May dala na iyong payong para kunin siya sa ilalim ng matandang puno ng Narra.
“Uuwi na tayo. Wala na ang Daddy mo. Nag-text si Mona, may bisita ka raw sa mansyon. Si Angeline raw at saka itong bokalista raw na si…”
Agad siyang napalingon. Mukhang nakalimutan ni Manong Francis ang pangalan ng lalaki pero kilala niya ang sinasabi nito.
Si Edward Fajardo ang bokalista at manliligaw niya. She’s nineteen and that guy is a twenty-three-year-old graduating student of Civil Engineering.
She likes Ward because he sings perfectly in her ears, plus the fact that he’s intelligent. Napagsasabay no’n ang banda at pag-aaral. She also likes the man because he’s not arrogant. Magalang iyon sa ama, na isang town Mayor.
“Bakit daw sila dumating?” she felt excited.
Matagal na siyang niyayaya ng lalaki na lumabas at manood ng gig pero hindi naman siya pinapayagan kaya hanggang YouTube na lang siya nakakapanood kapag ipinag-upload na.
Napakibit balikat si Francis tapos ay nangiti. “Malamang binibisita ang prinsesa. Malamang gusto kang makita ng anak ni Mayor Fajardo.”
She blushed and walked away. Nangingiti siya dahil ang laki ng paghanga niya sa bokalista. Pero kahit na nanliligaw na ‘yon sa kanya ay hindi pa rin niya sinasagot. Natatakot siya sa first commitment dahil baka umiyak siya sa huli. Saka nakakahiya sa Daddy Harry niya kung uunahin pa niya ang mag-boyfriend.
…
Papauwi na sila sa mansyon at tinatahak ang sementadong daan ng hacienda nang mapansin niya na may mga itim na sasakyan ang nakasunod sa kanila.
Hindi pamilyar sa kanya ang mga iyon kaya napatitig siya.
“Manong Kiko, sino po ang mga ‘yan?”
“Mukhang mga tauhan.”
“Nino po? Ni Daddy Harry? Wala naman siyang tauhan. Di ba safe naman siya dito sa atin kahit ubod siya ng yaman? Bakit may tauhan?”
Mukha ngang kilala ang mga iyon ng gwardya ng hacienda dahil nakapasok sa kanila. Tourists are not allowed to come for a visit. Minsan nilang ini-open sa publiko ang kaisa-isang hacienda na natitira sa probinsya nila pero basura lang ang dinala ng mga turista kaya ipinasara ng Daddy Harry niya.
“Hindi, mukhang mga tauhan ni Señorito Brandon.”
Brandon?
Agad na parang tinambol ang puso niya. Bakit darating ang lalaking ‘yon? Ang laki ng takot niya sa lalaking ‘yon noon. Palagi ‘yong pasigaw, hindi tulad ng Daddy niya. Mana yata ‘yon sa ina na si Henrietta na parating inaaway ang Daddy niya.
“Po? B-Bakit daw? Di ba nga hindi na po ‘yon pumupunta rito? B-Bakit daw po pupunta si Kuya Yabang?” napatutop siya sa bibig pero natawa ang may edad na driver.
“Wala bang sinabi ang Daddy mo? Naririnig ko silang nag-uusap dati at mukhang ikaw ang pinag-uusapan nila.”
“Ako?” turo niya sa sarili. “Bakit nila ako pag-uusapan? Wala naman ibang ginagawa ang lalaki na ‘yon kung hindi awayin si Daddy Harry. What’s his right to talk about me?”
Humalukipkip siya at simimangot kaya nangiti ang driver at nailing.
“Well, siya walang karapatan na pag-usapan ka pero si Señor Harrison, meron. Baka naikwento ka ng Daddy mo, alam mo naman na proud na proud ‘yon sa’yo.”
Lalong napalabi si Vianna. “Hindi naman ako proud doon sa Kuya ko na ‘yon. He’s like a person na ipinaglihi sa sama ng loob anyway.” She rolled her eyes. “Sana sinama na lang ako ni Daddy. Ayos naman ang Visa ko, ang passport. Bakasyon naman. Wala pa naman akong Summer, next month pa.”
“Eh, indefinite raw ang pagpunta niya ro’n. Baka raw hindi siya makabalik kaagad. Hayaan mo na. Malay mo naman mabait na ang Kuya mo.”
“Duh!” she did another eye roll. “I wonder. Baka gunaw na ang mundo, hari pa rin ng yabang ‘yon.”
Natawa si Francis sa kanya at napakamot pa sa ulo.
Ang tabil niya. Paano siya nakakapagsalita ng ganoon sa anak ng lalaking nagpalaki sa kanya.
Aba, di ba nga at noong bata siya sabi ng Daddy niya ay maging matapang siya kapag sinisigawan siya ng Kuya niya. Baka raw kasi isang araw ay sumulpot ‘yon ulit, sigawan daw niya kaagad. Kapag inaway daw siya, awayin din niya pero ni anino ng lalaking ‘yon sa hacienda ay hindi na niya minsan pang nakita.
Ganoon daw iyon kasi raw walang nangangahas na lumaban. Spoiled daw kasi iyon kay Henrietta Villamor.
Lumingon ulit si Vianna at talagang nakasunod pa rin ang mga sasakyan sa kanila. She just prays that there’s no Brandon Harris in any of those black shining cars.
Baka wala. Balita niya ay Governor na ang lalaki na ‘yon sa Manila. Syempre mahihirapan naman ‘yon na makaalis doon basta.
Kaagad siyang bumaba sa kotse nang ipagbukas siya ng pinto ni Francis.
She still looked those cars and waited a few moments for those men to hop out.
“Vanna!” tili ni Angeline nang makita siya pero nalusaw ang ngiti ng kababata niya nang biglang magsipagbabaan ang mga nakaitim na lalaki sa dalawang mga kotse.
Napasinghap siya at agad na humawak sa damit ni Francis.
“Manong…” kagat niya ang daliri.
Ang lalaki ng mga lalaki. Mga mukhang wrestler sa laki at may mga earpiece.
“She’s here.” Anang isa na nakatingin sa kanya.
She’s here raw. Naroon daw siya. Siya ang pakay ng mga lalaki.
“Candor,” anang Manong niya roon na tumango naman pero hindi ngumiti.
“Order from Governor Brandon Villamor, kukunin namin si Miss Vianna Laura.” Diretsong sagot ng lalaki kaya nanlaki ang mga mata niya.
Lumabas siya sa likod ni Francis at pumameywang sa lalaking si Candor daw.
“Excuse me? Bakit niya ako ipakukuha, hindi naman ako kanya!” she fumed right away but the man smirked.
“As soon as your Dad boarded the plane, your custody belonged to our boss already, Miss Vianna Laura.” Saglit itong yumuko at parang gumagalang pero tumingin siya kay Francis.
Kumurap lang siya at sa isang iglap ay tumatakbo na siya papalayo.”
“Puta! Habulin niyo!” sigaw ng lalaki na agad niyang binelatan.
“Diyos ko! Ang alaga ko, baka madapa!” tili ng yaya Mona niya pero binilisan pa niya. Ililigaw niya ang mga lalaki at hindi siya sasama dahil mukhang kukunin siya ng mga iyon.
Mabilis siyang tumakbo pero nang lumingon siya ay mabibilis din ang limang kalalakihan.
“Daddy!” she yelped as she ran away.
“Takbo, Vanna! Takbo!” sigaw ni Angeline sa kanya.
Nataranta siya dahil akala niya ay mababagal ang mga lalaki dahil malalaki pero hindi pala. Mabibilis ang mga iyon at maaabutan na siya.
She kept on running while screeching but she fell on the pavement.
“Ouchy!” nakadapa siya sa semento kaya lalong napatili si Mona at napasigaw naman si Francis.
Para siyang nahilo at namalayan na lang niya hawak na siya sa siko ni Candor.
“Diyos ko.” Usal nito nang tingnan ang tuhod niya.
Naiiyak siyang napangiwi nang makita niyang may mga gasgas ‘yon at kahit na mga braso niya ay meron.
“Aray ko nga! Alis nga!” inis na angil niya sa lalaki. “Isusumbong kita kay Daddy! Tingnan mo na! May sugat na ako!” she hit the man.
Parang hindi man lang ito tinablan.
Sa inis niya ay hinaklit niya ang earpiece nito at saka niya isinuksok sa tainga niya.
Humanda si Brandon sa kanya.
“Hey,” saway nito pero sinapak niya ulit kaya hindi na nakahuma.
“Bring her here, now!” singhal ng lalaki sa kabilang linya kaya napangiwi siya.
Ang sakit sa tainga niya ng sigaw na ‘yon at hindi niya gaanong makilala ang boses. It’s deep, husky and manly. Para iyong commander sa militar kung makasigaw.
“Neknek mo! Hindi ako pupunta diyan sa lungga mong kasimpangit mo!” sigaw din niya at saglit ‘yon na nawala sa linya.
Nakita niyang parang nagtago ng ngiti ang mga lalaki pero ayaw sa kanyang ipakita.
“Laura?” his voice aired once again, still haughty.
Tunog Brandon nga ang timbre ng lalaki.
“Laura mo pwet mo! Laura Laura mo! Via ako, Via!” nilakasan din niya ang boses. “Isusumbong kita kay Daddy! Dahil sa’yo may sugat ako sa tuhod at sa siko! Hindi niya ako pinadadapuan sa lamok but these ugly men of yours chased me! This is all your fault! You get that old brotherhood?! This is your fault!”
“You shut the f**k, brave girl. I’m warning you.” He warned but she’s not threatened.
“Nye!” belat niya kaya natigil iyon ulit. “You shut the shut, too brave man! I’m warning you, too! Paalisin mo na ang mga pangit mong asungot! Isusumbong talaga kita kay Daddy! This is harassment and this is child abuse! This is against the law. You’re violating human rights! Just rot there and leave me alone, Governor Imperious Villamor, the old brotherhood! Tse! Uhm!” itinapon niya ang earpiece saka siya tumayo at pinagpag ang bestida niya.
She raised her chin and stepped on the earpiece.
“This girl is stubborn.” Parang pagod na bulong ni Candor pero umismid lang siya.
Naglakad siya kahit na biglang kumirot ang mga sugat niya.
Sinalubong kaagad siya ni Mona at ni Edward.
“Are you okay?” he looked so worried, touching her head.
Masarap ang hagod ng kamay ni Edward sa kanya, parang noong nag-holding hands sila sa loob ng simbahan. It’s strange but when he holds her, there’s something that churns inside her.
“We’ll give you fifteen minutes to prepare, Miss Vianna.” Sabi na naman ni Candor kaya napatigil si Vianna sa paghakbang.
“Sasama ka sa amin. Our boss doesn’t like the idea but it was a request from your Dad.”
“Request from my Dad?!” halos matawa siya na hindi niya alam.” Are you just kidding me, old swanget?!”
Tumalikod ang iba nitong kasamahan.
“Walang sinabi si Dad na kukunin ako ng matanda kong kuya! Saka bakit niya ako iiiwan sa lalaking masungit at hindi ko naman kilala, aber?!” pumameywang siya.
“He asked it. Baka raw matagalan siya sa US, kapag hindi raw siya nakabalik sa pasukan, sa Manila ka na mag-e-enroll. Sa Pamantasan ng Santo Thomas at bahala na sa iyo si Gob.”
Ano?
“Gob…Goblin!” inis na singhal niya sa lalaki. “I can take care of myself! I don’t need an old brother to look after me! Mas istrikto pa siya kay Daddy! May nalalaman pa kayong request ni Dad! Request ni Dad pero command ni Gov. Imperious Villamor the grumpy old brotherhood, gano’n?”
“Yes.”
Nanlumo siya at napatingin siya kay Edward.
Mas determinado pa ang mga lalaking ito kaysa sa kahit na sino. She wonders if she’ll win anyway. Nadapa na siya at lahat, mukhang hindi aalis ang mga ito na hindi siya kasama.
What the…? Kaaalis lang ng ama-amahan niya tapos nandito na kaagad ang mga lalaking ito? Ang bilis naman yata.
“At mukhang hindi ka talaga dapat pagkatiwalaan na mag-aral mag-isa kung may umaaligid na tukso, Miss Vianna.” Daldal pa ni Candor kaya sa inis niya ay binato niya iyon ng smartphone na agad naman no’n na sinalo.
Padabog siyang tumalikod.
This is insane!