Chapter 35

1812 Words

Chapter 35 Zoe POV ILANG oras nang lumipas pero wala pa si Daniel at naikot–ikot ko na ang buong resthouse pero wala akong mahanap na pwede ko labasan. Nakasarado ang lahat ng mga pintuan. Muli akong nahiga subalit nanatili akong nakatitig sa kisame. Hindi ako makapaniwalang iniwan ako ni Daniel na mag–isa rito. Nakakarinig ako na mga tila alulong, tunog ng mga kuliglig sa paligid at hindi ko maiwasan na makaramdam ng matinding takot. "Kahit na kailan hindi kita mapapatawad, Daniel," halos pabulong na sabi ko. Kailangan kong pag–isipan kung paano makakaalis sa resthouse na ito. Hindi ako p'wedeng magtagal rito lalo pa at maysakit ako. Puno ng panlulumo na bumangon akong muli sa higaan. Tumungo ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom. Kinain ko ang pagkain na nasa ibabaw ng tray.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD