Pagkatapos kong ayusin mga gamit ko, pinuntahan ko naman si Danica. Gising na at naglalaro sa kwarto niya. Hindi ko mapigilan ang maluha habang pinagmamasdan ko si Danica. Wala siyang kaalam-alam. Nang makita ako ay kaagad itong tumayo "Mommy!" Nilapitan niya ako at niyakap. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at tiningnan ng matuwid ang anak ko. "Danny..." hawak ko ang magkabilaan niyang balikat. "Bakit po, Mommy? Bakit po kayo sad?" Paano ko ba sasabihin sa kaniya na aalis na kami? "Ahm... anak... ahm... aayusin ni Mommy ang mga damit mo sa closet, kasi... aalis na tayo dito. Kailangan na natin umalis." Sumilay ang pagtataka sa mukha ng anak ko. "B-bakit po, Mommy? Pinapaalis po ba tayo ni Daddy?" Napayuko ako dahil hindi talaga mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Kahit anong pilit na