Iris POV "Tara na baby," binuhat ko si Danica. Sinadya ko pa na magsuot ng sunglasses para hindi mahahalata ni Tinay na namamaga ang mga mata ko. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa sama ng loob at sa pamamahiya ni Dustin sa akin. Inalok niya ako ng kasal pero binawi niya rin naman. Ang sakit eh! Ang sakit. Tuluyan na akong nagpaalam sa mag-asawa. Si Dustin, wala na siya kaninang umaga pa. Hindi ko alam kung nasaan? Hindi man lang kasi siya nagpaalam sa amin. Bakit ko ba iniisip ang bagay na 'yon? Ano naman kung hindi siya nagpaalam? Dapat siguro kailangan ko ng pigilan ang sarili kong mahulog pa sa kaniya ng sobra. Dahil ngayon pa lang, ang sakit-sakit na. "Ihahatid na kayo ni Hades." presenta ni Athena ngunit kaagad kong tinanggihan. "Huwag na bestie, mag-ta-taxi na lang kami."