"Oo, naman." kinabig ko ito papasok sa loob tsaka sinarado ang pintuan. Pasimple kong sinulyapan ang ilalim ng kama kung saan naroon si Dustin. Hindi na maipinta ang mukha nito nang magpakita siya sa akin. Dinilaan ko na lang ito. Alam kong nabitin na naman ito. Buti nga sa kaniya. Mabuti na lang pumunta si Danny dito. "Mommy, bakit ganiyan ang suot mo? Naubusan po ba kayo ng pantulog." Kaagad akong humanap ng palusot. "Ah, oo, anak. Mas komportable kasi kapag ito ang ibalot ko sa katawan ko." pilit na ngiti ang iginawad ko. Nakakapagsinungaling ako dahil sa kumag na Dustin na ito. "Inaantok na po ako, Mommy. Pwede niyo na baakong tabihan habang haplos niyo ang hair ko?" "Oo, naman baby. Tatabihan ka ni Mommy. Sige na humiga ka na." pinahiga ko si Danica sa maliit kong kama na ka