Iris POV NAGPALIPAT-LIPAT ANG AKING paningin kay Dustin at kay Don. Felipe na ngayon ay marahang tumatawa pa rin. Kung pwede lang tumakbo at umeksit na lang dito ay ginawa ko na. Sinulyapan ko naman si Danica at mukhang hindi pa yata tapos sa pagkwento ang batang ito. "Mommy, ano po yung panaginip niyo? Is it good or bad?" Tamang-tama na umiinom ako ng tubig ng tanungin ako ni Danica, muntikan ko ng maibuga. Sumenyas ako sa anak ko na huwag ng magsalita pero tila hindi niya naintindihan. "Danica, stop talking. Finish your meal first. You haven't finished your food yet." saway ni Dustin na ilang beses kong nakita na napalunok kanina. "Tapos na po ako kumain, Daddy." Tumayo na si Danica. "Maglalaro na po ako." paalam nito tsaka lumapit sa akin para humalik sa aking pisngi. Ganun din sa