MR. GREYSON 24 F O R C E-2

1650 Words

"Kailangan ko na bumalik Kuya Marco. Titingnan ko na lang baka nasa office pa siya." "Okay, ihahatid na kita sa office niya." presenta naman nito at walang pagdadalawang isip na pinagbuksan ako ng kaniyang kotse. Sumunod naman siya na pumuwesto sa driver seat. Pinaharurot nito ang sasakyan. "Iris, ilang taon na ang anak niyo ni Dustin?" basag nito sa katahimikan. "Four years old." "Babae o lalaki?" "Babae." tipid na sagot ko. "So, nakatira kayo ngayon sa bahay ni D?" muli ay tanong nito. Tumango-tango na lamang ako. Napailing-iling naman si Kuya Marco. "Ito talagang si Dustin masyado kang pinagdadamot. Magkasama na pala kayo sa iisang bahay, hindi niya man lang na - kwento sa akin. Nagkita naman kami noong nakaraang araw pero wala siyang sinasabi sa akin. Talagang nililihim niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD