Iris POV "Iris?" Halos hindi pa makapaniwala si Kuya Marco na nasa harapan niya ako. "Kamusta na? Matagal ka ng hinahanap ng kuya mo." Natigilan ako sa sinabi nito. "Si Kuya? Hinahanap ako?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Ang buong akala ko kasi tinalikuran na nila ako. Maging si Kuya hindi niya na rin ako hinanap. "Oo, ang buong akala niya nasa ibang bansa ka." Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa aking labi. Atleast ngayon alam ko ng hinahanap ako ni Kuya. Halos maluha-luha ako sa ibinalita ni Kuya Marco sa akin. Sa sobrang tuwa ko ay bigla ko siyang niyakap. "Thankyou Kuya Marco. Sa wakas makikita ko na rin si Kuya. Pwede mo ba akong samahan sa kaniya?" masayang - masaya na tanong ko sa kaniya pagkatapos kong kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Bigla itong nalungkot. Iba ang