"S-Sir Drake." sambit ko. Natawa na lamang ito. "Natakot ba kita?" tatawa-tawa na tanong nito. "H-hindi naman, nagulat lang ako sa ginawa mo. Palagi mo na lang kasi hinahaplos ang mukha ko." "Because i like you, Iris." "Huh?" Napaawang ang labi ko. "I know napakabilis nito pero yun talaga ang nararamdaman ko para sa 'yo." Napako ako sa aking kinatatayuan at tila nabubulol dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko? Ang ginawa ko na lang ay binuksan ang pintuan ng kwarto ko at tuluyan na nagpaalam dito." P-pasensya na, inaantok na kasi ako. B-bukas naman siguro tayo mag-usap, Sir Drake." hindi pa man nakakapagsalita si Drake ay pinagsaraduhan ko na ito ng pinto. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Lasing ba 'yon? Bakit ganun na lang yung mga sinasabi niya? Hanggan