Iris POV PATAGO akong lumabas ng library suot ang damit ni Dustin, hawak ko naman ang uniform na pinunit niya. Pinasuot lang ito sa akin ni Sir Drake. Isasauli ko pa ito pero ano pa isasauli ko kung punit na? Paano kung hanapin niya 'to? Walang hiya talaga ang Dustin na' yon. Pagkatapos ng mapangahas niyang mga halik sasabihin niyang april fools. Iniisahan ako ng kumag na 'yon. Sa wakas, narating ko rin ang kwarto ko. Pagbukas ko ay tumakbo kaagad ako sa banyo. Naglinis ng katawan. Dama ko pa rin ang halik ni Dustin sa akin. Habang naghihilamos ako, napasulyap ako sa aking labi. Wala sa sariling hinaplos ko iyon at napapikit. Hindi mawala sa isip ko ang mga halik niya sa 'kin. Ang amoy at ang lambot ng kaniyang labi sa tuwing hinahalikan ako. Iniling - iling ko na lang ang ulo ko. N