Inihatid ako ni Hunter sa pinakamalapit na pwede kong babaan after naming mag-usap. Gusto pa talaga nitong isama ako sa bahay n'ya rito sa Apolina. Pero tumanggi ako. Ngayon ay naglalakad na ako pabalik ng mansion. 7 pm na. Tamang-tama sa oras ng hapunan ng mga Suarez. Mamayang 8:30 naman ang hapunan ng mga kasambahay, guards, at siyempre ako na tutor ni Dexus. "Mommy, s'ya iyong sinasabi ko sa 'yo na pangit. Sumasakit ang eyes ko dahil pangit siya, Mom! Pwede bang tanggalin mo na siya. Hanap ka ng mas pretty." Papasok pa lang ako'y panlalait na agad ang maririnig sa bata. Ano ba ang gatas ng batang ito? Kape? Ang pait ng ugali, eh. "Stop it, Dexus. Kung iyang pangit na iyan ang magpapatino sa 'yo. So be it!" Aba! Ngayon ay alam ko na kung kanino nagmana ang bata ng sungay. Nakai