"May restaurant ba rito? Parang wala naman." "Hindi ito siyudad na nagkalat ang pwedeng pagkainan. May mahahanap ka pa rin naman, pero kailangan mo nga lang suyurin, or magtanong-tanong. Sa palengke na lang tayo. Sure pang mayroon doon." Ilang minuto lang na biyahe, narating na namin ang palengke. Nag-park lang ito. Saka kami bumaba at magkahawak na naglakad papasok. Ilang ikot lang din at nakahanap kami ng karindirya. Simpleng mga putahe lang din ang available sa menu nila. Pork sisig sa akin, inihaw na tilapia para kay Hunter. "Tiba-tiba ka talaga kapag ang boss mo eh si Troven Suarez, 'no?" nahinto ako sa pagsubo nang marinig ko ang usapan ng dalawang lalaki sa likod ko. "Aba'y basta may hawak na pera ang isang iyon ay galante. Tignan mo roon sa sabungan, halos araw-araw na