"Nag-iisip ka ba?" dinaan ko na lang sa simangot para mag-isip naman ito. "Wait... sabi mo sa kwento mo ay batang lalaki si Wolf. Anong ine-expect mo, iisipin kong lumaki ang batang lalaki na iyon na dalaga? Of course, lalaki!" iyong pagkalito nito ay idinaan naman nito sa pagsabunot na lang ng buhok. Natawa na ako. Pero huminto rin naman agad. Dahil biglang kumirot ang sugat ko. Pahilom na iyon, pero siyempre may kirot pa rin sa tuwing tumatawa ako. "Hindi ako nagpa-vaginoplasty. Pinalaki ako nang magulang ko na inisip ng lahat na lalaki ako. Nagbihis lalaki, umaktong lalaki. Alam ng magulang ko na may panganib na dulot ang yamang mayroon kami. Kaya bata pa lang ay inihanda na nila ako. Ilan sa mga negosyo nang pamilya namin ay hinawakan ng kanyang mga kaibigan. Ngayon ay ang mga ka