Walang nangyari sa amin. Kahit nag-request siya na manatili ako roon ay hindi ako pumayag. Nakagawa ako nang paraan para lang payagan nitong umalis. Sinabi kong uuwi ako kay Mama Cora. Gusto pa nga n'yang ihatid ako, pero tumanggi ako. Sinabi ko lang na baka makahalata sila, at baka makilala pa siya. Nagpahatid lang ako sa mall. Tapos inutusan ko na siyang umalis. Iyong pinakamalapit na mall ang itinuro kong lugar na pwede n'yang pagbabaan sa akin. Halatang labag sa loob nitong umalis. Pero nagmatigas din akong hindi kikilos sa kinatatayuan ko hanggat hindi ito umaalis. Nagwagi ako. Pinanood kong lumayo ang sasakyan nito. Saka lang ako nagpasyang kumilos para lakarin na lang ang daan pauwi. May pamasahe naman ako. Pero gusto ko munang mag-isip. Sinuot ko ang hoodie ko. Saka ako