Mas nauna akong naligo, dahil mas mahaba ang proseso ko nang pag-aayos. Hindi ko mapakalma ang dibdib ko, ang lakas ng kabog no'n. Parang hindi na alam kung paano ang normal lang na kabog. Nakapag-anundyo na ako kanina. Simple lang naman, 'My final live, see you!" sobrang daming comment no'n. Karamihan ay nagtatanong kung bakit. Simple lang naman ang sagot, secured na ang future ko sa 350 million+ marriage ni Hunter. Kung buong atensyon ko lang ang kailangan nito, ay napakadali lang no'n para sa akin. Tiniyak kong maayos ang maskara ko, saka nilagyan ng lipstick ang labi. Alam ko namang mabubura lang din iyon mamaya. Pero gusto kong lagyan pa rin iyon, nang maobservahan na rin kung gaano kagaling humalik ang isang iyon. Kung kayang burahin ng labi nito ang lipstick sa labi ko. Iniayo