"Good morning!" sabay na bati namin ni Hea sa magulang at kapatid n'ya nang makababa kami sa hagdan. Tanghali na, late kami nitong nagising. Fresh na fresh, parehong bagong ligo at magaan na ang katawan. No hangover. "Mukhang maganda ang mga gising. Nag-enjoy ba kayo kagabi?" tanong ni Tita Henna sa akin. "Sobra, mom! Pero nagtae kasi ako, nauna akong umuwi. Tapos no'ng makauwi sina kuya ay buhat-buhat na n'ya si Lupita. Tulog na tulog dahil sa kalasingan." "Hala! Nakakahiya naman." Nanulis ang ngusong ani ko. "Mukhang sa sobrang enjoy ay nalasing ka ng sobra, Lupita. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ng ama ni Kuya Hunter sa akin. "Okay naman po. Naparami po pala ang inom ko kagabi. Hindi ko na po na realize. Kuya Hunter, saan ba ako nakatulog? Nakakahiya naman sa 'yo." Umupo k