"Wala ka raw sa apartment mo. Nasaan resort kayo?" chat iyon ni Kuya King sa akin. Nandito ako sa balcony ng kwartong inuukupa ko. Nagpapahangin. 6 pm na. Maya-maya lang ay bababa na para sa dinner kasama ang family ni Hea.
Mabilis na tumipa ako ng reply.
"Dito sa East, Kuya King. Kasama ko si Hea at ang family n'ya."
Tumatawag na ito. Kaya naman agad kong sinagot.
"May allowance ka pa ba? I'll send if need mo."
"I'm fine, Kuya King. Saka wala akong gastos dito. Sagot nila lahat."
"Safe ba ang tinutuluyan mo?"
"Very safe. Whole villa ang inuukupa namin, kuya." Bumuntonghininga ang kapatid ko.
"Okay. Balak ka sana naming yayaing mag-dinner. Kaso nasabi ni mama na wala ka nga raw."
"Next time. Bawi na lang ako next time." Pangako ko sa kapatid ko.
"Asahan ko iyan. Sige na pala, sina Mama na lang ang yayayain ko."
"Okay po. I love you, Kuya ko."
"I love you too, sis. Bye." Mas nauna pa akong nagbaba nang tawag. Saka prenteng sumandal sa couch.
"Hea?" agad akong lumingon sa loob ng kwarto nang marinig ko ang tinig ni Kuya Hunter. Bakit dito n'ya hinahanap? Pumasok ito at tinungo ang balcony. Takang-taka ako sa lalaki.
"Yes, Kuya?" ani ko.
"Akala ko narito si Hea." Sabay upo nito sa tabi ko.
"Wala. Baka nasa room po n'ya."
"Nagpunta ako roon. Wala siya."
"Gusto n'yo po ba tawagan ko?" offer ko rito.
"Nope. Hindi na. Dito na lang muna ako. Katatapos kong mag-check ng mga emails ko. Kaya naman gusto kong may makausap." Totoo ba iyon? Or, dahilan lang n'ya para makasama ako. "Kuya, nakita ko iyong dad mo. Hindi mo kamukha."
Lumingon ito at bumungisngis.
"Iniisip mo na bang ampon ako?" nakatawang ani nito. Mabilis akong umiling, kahit na oo naman talaga ang sagot sa isipan ko.
"Hindi, ah!"
"Kamukha ko si mom. Bata pa lang ako'y nag-divorce na sila ni dad. Hindi magkasundo, gusto ni dad na sa bahay lang si mom. Pero si mom, gustong magtrabaho. 4 years old ako nang tuluyan na nilang ipa-annul ang marriage nila. Pero hindi naman nagkulang ang daddy at mommy ko sa akin. Maayos nila akong pinalaki, co-parenting. No'ng mag-9 ako, nakilala ni dad si Mommy Henna. That time, iyong uncle ko ang kasintahan ni Mommy Henna."
"Wow." Hindi ko alam ang isasagot ko. May cheating bang naganap? Tapos si Hea ang bunga ng cheating na iyon? May mga lihim din pala ang family nila Hea.
"Ilang years bago nahanap ni dad si Mommy Henna at Hea. No'ng mabuntis kasi si mommy, bigla na lang umalis at nagtungo sa province. Hindi alam ni dad or ni uncle kung saan iyon. Kaya naman medyo matagal bago namin nakasama sina Hea. Mag-16 or 17 na yata ako no'ng dumating sina Hea at Mommy Henna." Patango-tango naman ako.
Hindi ko alam iyon.
"Kahit hindi ko tunay na ina si Mommy Henna ay mabuti naman ang pakikitungo namin sa isa't isa. Mabuting asawa rin siya kay dad. Kaya naman tanggap na tanggap ko sila sa buhay naming mag-ama."
"Mapalad ka. Mga tamang tao ang nakapalibot sa 'yo. Ako kasi ilang beses nakaranas na umasang aampunin. Tapos hindi nila itinutuloy. Mabait naman akong bata no'n. Si Mama Cora lang iyong naging porsigidong ma-adopt ako. Kaso lang, si Papa Silay ay nagpapakitang tao lang. Masaya si Mama Cora na maging anak ako, si papa naman ay hindi masaya. Kunwari lang na masaya." Napabuntonghiningang ani ko.
"Nasaan ang tunay mong magulang, Lupita?" tinignan ko ito. Saka pilit na ngumiti.
"Lumaki ako sa ampunan. Hindi ko sila nakilala. Well, nakilala ko siguro pero dahil bata pa ako noon. Hindi ko na tanda pa. Namulat akong nasa ampunan na. 10 years old ako no'ng makilala ko sina Mama Cora. Binigyan n'ya ako ng family, pati mga kapatid na mahal na mahal ako. Itinuring akong hindi iba sa kanila. Si papa lang talaga..." may panghihinayang na ani ko.
Inakbayan ako nito.
"Kung ayaw sa 'yo ng isang tao, hindi ibig sabihin na ayaw na sa 'yo ng lahat, Lupita."
"You're right. Isang tao lang iyon. Isa lang... hehe, mabigat nga lang sa dibdib kahit na isa lang. Siyempre gusto ko ring makaranas na may isang ama." Kunwari'y napatingala at nagpipigil ng luha. Pang-best actress talaga.
Niyakap na ako nito nang tuluyan. Nagsimula na kasing pumatak ang luha ko. Umiyak na ako sa dibdib ng lalaki.
"Tahan na." Alo nito sa akin.
Suminghot-singhot muna ako bago tumigil. Sinapo pa nito ang pisngi ko, saka gamit ang mga daliri n'ya ay pinunasan n'ya ang basang mukha ko dahil sa luha.
Narinig ko ang katok sa pinto at marahang pagbukas no'n.
"Lupita? Lupita?" tinig iyon ni Hea.
"Nandito kami." Sagot naman ni Kuya Hunter sa kapatid n'ya.
Bumungad sa balcony si Hea. Angat na angat ang kilay nito. Nagsususpetsa.
"What are you doing here, brother?" ani nito. Sabay tingin sa akin. Nang makita nitong namumugto ang mata ko ay para itong natauhan.
"Bakit umiiyak ka?" hinawi nito ang kapatid kaya napausog ang lalaki. Saka naupo si Hea sa binakanteng pwesto ni Hunter.
"Hug mo ako, Hea." Nakalabing ani ko. Agad naman itong yumakap sa akin.
"Inaway ka ba ng kuya ko? Magsalita ka. Aawayin ko rin siya." Umiling ako.
"Hindi. Hindi n'ya ako inaway." Mabilis na tanggi ko.
"Are you sure?" ani nito sa akin. Tumango naman ako.
"Nag-usap lang kami about sa family. Kaya siya umiyak, Hea." Sagot ni Hunter.
"Nasabi mo ba sa kanya na hindi mo talaga ako kapatid?" tanong ni Hea. Nanlaki ang mata ko.
"No. Wala akong karapatan na sabihin iyon. Ikaw lang."
"Ay! Narinig na n'ya." Napakamot sa ulo si Hea. Napabungisngis naman ako. "Ayon nga, cousin ko lang si Kuya Hunter. Iyon ang totoo. Pero inako ni daddy ang responsibility no'ng bumalik kami ni mama rito sa city. Si Daddy at mommy ay nagmamahalan. Wala kaming tutol ni Kuya Hunter no'ng nagdesisyon silang magpakasal. Ampon ako ni daddy, kaya Escuevel na rin ako."
"Ngayon ko lang nalaman."
"Hays, ayaw kong magkwento sa 'yo kasi alam mo namang iyakan ako. Tapos alam ko naman ang situation ninyo ng Papa Silas mo. Kaya feeling ko kapag magkwento ako sa 'yo, ngangawa lang tayo pareho."
"Kahit magpinsan lang kami ni Hea, she's my sister. My baby sister. Hindi iyon mababago."
"Tama." Sagot naman ni Hea. Napatango-tango naman ako.
"Hindi ko naisip iyan, Hea. Kamukhang-kamukha mo si Tito Florito." Tukoy ko sa ama ni Hunter.
"Oo nga. Kaya hindi rin maiisip ng iba na ampon ako ni dad. Kasi magkamukha kami. Pero kung makita mo iyong tunay kong daddy, same face rin kami. Ngunit nasa ibang bansa siya."
"Alam ba n'yang daddy mo siya?" nakangiwi ako sa tanong ko rito.
"Hmm, hindi!" saka siya tumawa. "Hindi na n'ya kailangan pang malaman. Hindi ko gustong magulo ang family ko. Family namin nila Kuya Hunter. Saka masaya na si mommy. Sa taong mahal siya, at mahal din n'ya." Tumango naman ako. Gets ko ang point nito.
"Oh, tama na muna ang drama. Let's go na. Nakahanda na ang dinner." Cheerful pa rin na ani ni Hea. Tumango naman ako. Inayos ko ang sarili ko. Saka ako sumama sa magkapatid.
Halata namang masaya ang family nila. Kahit ako, kung nasa kalagayan ako ni Hea. Tapos may matinding dahilan para hindi kilalanin ang tunay na ama, mas pipiliin kong gawin iyon.
Nang magtama ang tingin namin ni Tita Henna ay malawak na ngumiti ito sa akin. Very welcoming talaga ang babae, maamo ang mukha nito. Madadala ka sa ngiti nito.
"Are you okay, Lupita?" tanong ng babae. Saka sumalubong sa akin. Halata pa siguro ang mata ko na umiyak. "Can I hug you?" tumango naman ako rito. Yumakap ako rito habang malawak ang ngiti ng family nito.
"Medyo naging emotional lang po sa mga napag-usapan namin nila Hea. Pero okay lang po ako." Nakangiting ani nito.
Nang kumalas kami sa pagkakayakap ay bahagya nitong pinisil ang baba ko.
"Cheer up, darling. Para medyo malibang kayo papayagan ko kayong lumabas mamaya after ng dinner. May bar sa left wing ng resort."
"Is it true?" ani ni Hea.
"Yes. Pero siyempre kasama ang Kuya Hunter n'yo."
"Ako na pong bahala sa kanila, mommy." Sagot naman ni Hunter.
"Let's party later. Kain na tayo. Para makapag-ready kami ni Lupita." Nakangising ani ni Hea. Hinila na ako nito para maupo na. Kaya kumilos na rin ang family nito para maupo.