Order submitted. Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko pagkatapos kong matapos sa pag-order sa paborito kong shop ng mga laruan ko. Naka-bra at t-back lang ako na prenteng nakahiga sa couch. Walang pasok. Kaya narito lang ako. Masaya lalo't nakita ko ang notification na pasok na naman ang income ko sa bank account ko.
Walang ganang kumilos, kaya nga mahaba ang naging time kong mamili ng laruan.
"Lupita?" dinig ko ang tinig ni Hunter sa labas. Ano na namang ginagawa ng lalaking iyon dito? Hindi ba siya busy? Takang tumayo ako at lumapit sa pinto. Binuksan ko ang pinto, pero agad akong itinulak ng lalaki. Saka siya pumasok. Salubong ang kilay at takang-taka kong tinitigan ito.
"Ano ba naman iyang suot mo?" stress na ani ng lalaki. Kaya napayuko ako. Malusog na dibdib ang agad kong nakita. Oo nga pala. Naka-panty at bra lang ako. Nang ibalik ko kay Kuya Hunter ang tingin ko ay huling-huli ko itong nakatitig doon. Matamis akong ngumiti.
"Hininaan ko ang aircon. Kaya medyo mainit, Kuya."
"Magbihis ka. Saka bakit kailangan mong magtiis sa mahinang aircon, kung pwede mo namang lakasan para mas malamig?" tumalikod ako rito. Pakiramdam ko'y titig na titig ito sa pang-upo ko na hindi naman natakpan ng suot kong t-back.
Masyado naman akong confident sa harap ng lalaking ito. Why not? Alam ko namang may effect ako rito. Kita namang namukol agad iyon, kahit na sa reflection lang ng TV. Akala n'ya yata hindi ko nakita kung paano n'ya in-adjust iyong p*********i n'ya. Kitang-kita sa reflection ng TV uy!
"Masyadong mahal ang kuryente, Kuya." Sagot ko. Saka pabagsak na naupo sa couch.
"I'll pay. Magbihis ka. Paano na lang kung may ibang pumunta rito. Haharap ka ng ganyan ang ayos mo?" stress na ani ng lalaki. Iyon ba talaga ang issue rito? O dahil tinitigasan siya?
"Ikaw naman. Kuya ka naman ni Hea, eh."
"Kahit na! Kahit pa kapatid or papa mo. Hindi ka dapat haharap na ganyan ang ayos." Sermon ng lalaki. Saka ito kumuha ng pillow at ipinatong sa hita ko. Niyakap ko naman iyon. Lumapit ito sa aircon at nilakasan iyon.
Naramdaman ko agad ang lamig. Pero hindi ako nagkumento.
"I'm here dahil pinapasundo ka ni Hea. May family outing kami. Hanggang Sunday iyon. Sumama ka raw."
"Walang nabanggit si Hea sa akin, Kuya Hunter." Tumingala pa ako. Malamlam ang expression ng mga mata. Napalunok ang lalaki.
"I'll call her." Tumalikod ito. Saka naupo sa couch. Agad ding dumampot ng pillow at ipinangtakip n'ya sa lap n'ya. Napatikhim pa ito at bahagyang in-adjust ang katawan. Naiipit siguro iyong naninigas nitong alaga dahil sa pag-upo.
"Hea, I told you na tawagan mo ang kaibigan mo. Hindi mo pala sinabi sa kanya kung bakit narito ako?" nakasimangot na ani ng lalaki.
Tumayo ako. Agad napatingin ang lalaki sa akin. Lumapit ako sa kanya, at naupo sa tabi n'ya. Ipinatong ko pa ang baba ko sa balikat n'ya. Kunwari'y nakikinig sa kaibigan kong nasa kabilang linya.
"Hea, hindi mo ako in-inform." Singit ko sa usapan nila.
"I'm sorry, Lupita. Pero sama ka ha. Nandyan na si Kuya. Magdala ka ng extra clothes mo. Tapos hanggang Sunday tayo roon."
"Pero kailangan ko pa munang magpaalam kay Mama Cora, Hea. Alam mo naman iyan, 'di ba?"
"Oo. Magpaalam ka na agad. See you later." Sabay baba nito nang tawag. Bahagya namang umusog si Kuya Hunter palayo. Kaya naman tumayo ako at inabot ang phone ko sa table.
"s**t!" anas ng lalaki nang tumuwad ako nang abutin ko ang phone ko. Agad din naman akong naupo saka sumenyas kay Kuya Hunter na huwag siyang maingay.
Tinawagan ko si Mama Cora.
"Hello, anak?" ani agad ni Mama Cora.
"Mama Cora, magpapaalam po sana ako. No class po kami today. Niyayaya po ako ni Hea sa family outing nila. Hanggang sunday po."
"Gano'n ba... plano pa naman sana kitang bisitahin d'yan. Pero sige, next time na lang ako pupunta. Ako na lang din ang bahalang magsabi sa Papa Silas mo. May budget ka pa ba---"
"Yes po."
"Okay. Ingat ka roon, darling."
"Yes, Mama Cora. I love you." Sabay baba ko na ng tawag. Malawak ang ngiting tinignan ko si Kuya Hunter.
"Narinig mo iyon? Pumayag siya." Excited na ani ko.
"Maghanda ka na. Para makabiyahe na tayo." Agad akong tumango. Saka tumakbo patungo sa kwarto ko. Inilagay ko sa maliit kong maleta ang ilang pares ng damit ko, siyempre hindi pwedeng mawala ang two-piece swimsuit.
Nagbihis lang din ako ng short shorts at t-shirt. Nang lumabas ako ng kwarto ay hila-hila ko na ang maleta at ready na akong umalis.
"Tara na?" ani ni Kuya Hunter. Kinuha n'ya ang maleta ko at tumalikod na. Siyempre hindi ko nakalimutan patayin ang aircon. Ayaw kong lumaki ang bills ko.
Sumakay kami sa sports car nito. Hindi talaga ito busy. Kasi naman pansin kong ilang araw na itong pagala-gala.
"Anong meron bakit may family outing?" curious na ani ko sa lalaki. Nakalimutan kong magsuot ng seatbelt. Kaya ito pa ang gumawa.
"Birthday ni dad." Tipid na ani ng lalaki saka agad nang pinausad ang sasakyan.
"Really? Wala akong gift sa kanya." Nabahalang ani ko.
"It's okay." Sagot nito. Mukhang ayaw nito ng may maingay habang nagmamaneho ito. Kaya naman nag-cellphone na lang ako. Nang makaramdam ng antok ay in-shoot ko muna sa bulsa ang cellphone ko. Saka nagpasyang tulugan ang driver ko. Hindi naman nagreklamo ang lalaki. Pero nang dumating sa resort ay agad na akong ginising nito.
"Nandito na tayo."
"Si Hea?" pupungas-pungas na tanong ko rito.
"Nasa loob na sila. Tara na." Agad kong inayos ang nalukot na shirt ko. Ito pa ang nagbukas ng pinto para sa akin. Nang makababa ako'y tumalikod agad si Kuya Hunter, kaya sumunod ako rito. May mga tao naman ng abala sa pagbaba ng gamit ko.
Nakarating kami sa restaurant ng resort. Naroon daw ang family nito. Hindi naman ako nahihiya na makikisali ako sa family outing na ito. Ilang taon ko na kayang nagagawa iyon. Na train na ako ng mga Aguarde na palaging isama sa mga out of town trip nila, tapos madalas ma-out of place dahil kay Papa Silas.
Nang makarating kami sa table ng family nito ay agad na tumayo si Hea at niyakap ako.
"I'm glad na narito ka na. Hindi na ako mabo-bored." Masayang ani ni Hea sa akin. Gumawi ang tingin ko sa mommy at Daddy ni Hea. Kahit nakayakap pa si Hea sa akin ay binati ko na silang dalawa.
"Good afternoon po." Bati ko saka malawak ang ngiti sa mga ito.
"Thank God at pinayagan kang sumama sa amin dito." Magiliw na ani ng ina ni Hea.
"Thank you po dahil naisip n'yo akong isama."
"Of course, hija. Have a seat." Yaya naman ng ama ni Hea. Kamukha ni Hea ang ama n'ya. Pero hindi kamukha ni Hunter ang ama. Siguro'y ang tunay na ina nito ang kamukha n'ya. Wala kasi akong makitang resemblance mula sa dalawa.
Naupo ako sa tabi ni Hea. Si Hunter naman ay naupo sa katapat na upuan. May nag-serve ng food. Kaya naman nakasabay ko ang family ni Hea na kumain.
Pinag-uusapan nila ang business kahit na nasa bakasyon sila. Kami naman ni Hea ay pinag-uusapan kung gaano kalambot ang beef steak na kinakain namin.
"Ang sarap nito." Komento ni Hea.
"You're right." Tugon ko rito. Medyo expensive rin talaga ang panlasa namin ng babae.
"Kung gusto n'yo pa order pa kayo." Seryosong ani ni Hunter.
"Thanks, Kuya." Sagot ko. Napangiti naman ang mommy ni Hea sa itinawag ko sa lalaki.
"Oo nga pala, may nabili ako para sa 'yo." Excited na kinuha ni Hea ang bag n'ya. Sabay abot sa akin ng hair clip na desenyong butterfly. "Alam kong favorite mo ang butterfly. Kaya binili ko iyan doon sa nagbebenta ng mga souvenirs sa tabing dagat." Hindi ako makapaniwala. Nakatitig lang ako sa iniaabot nito sa akin.
"H-ea." Kinuha nito ang kamay ko, saka inilapag ang hair clip doon.
"Para sa 'yo iyan. For sure bagay na bagay sa 'yo. Ang cute 'no." Napayuko ako sa inilagay nito sa palad ko. Napatitig ako sa hair clip na desenyong purple butterfly.
"A-ng ganda."
"Sabi ko na nga ba magagandahan ka. Alam na alam ko ang favorite mo, 'no?" proud na proud sa sariling ani ng babae.
"Thank you so much. Palagi ko itong gagamitin." Nakangiting ani ko. Saka inipit ko ang clip sa gilid ng tenga ko.
"Let me fix it. Baliktad." Agad na umusog si Hea at iniayos ang buhok ko. "Beautiful." Puri nito. Nang tumingin ako kay Kuya Hunter ay ngumiti ito.
"Beautiful, Lupita." Puri naman nito.