"Liar." Anas ni Hunter sa akin. Bahagya akong natawa. Pagkatapos kong malutong na murahin at sagutin ay sinungaling pa rin ako. Sabagay, iyon naman ang dapat kong asahan dito. Pero hindi ko naisip na iisipin nitong bumalik ako sa trabaho, at ibinenta rin ang sarili sa iba. Ang baba ng tingin nito sa akin. "Okay. Thanks." Walang lakas na ani ko. Saka muling tumalikod. Tinungo ko ang couch, saka naupo roon. "Spy ka ng ama mo." Agad akong napalingon dito. "W-hat?" "Tell me... ginamit mo lang ba ang katawan mo para makapasok ka sa buhay ko at mag-spy?" galit ito, disappointed din. "Ikaw ba ang dahilan kung bakit napahamak ang ama ko, ang magulang ko? Ikaw ba, Lupita? Pati ba si Hea ay balak mo ring ipahamak?" Walang kasigla-siglang tinignan ko ito. "Yes." Saka ako bahagyang ngumi