Landi Humiwalay ako ng yakap kay Yulo. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng huling namutawi sa labi niya. He's into me. He likes me and I can feel it's more than that. Pero hindi ako sigurado kung hanggang saan tutungo ang lahat ng ito. He's a playboy and I don't know if he's true to his words or not. Totoo kasi ang nakikita ko sa mga mata niya--sincere and serious. "Natutulala ka nanaman hanu? Kailan ka ba masasanay sa mga banat ko?" Sumilay ang nakakalokong ngisi sa kanyang labi. Sumingkit pa lalo ang chinito niyang mata at mas tumingkad ang kinang ng mapuputi at pantay pantay niyang ngipin. Nang makabawi ako ay hinampas ko ang braso niya. "Yulo ha! It's not proper to flirt when somebody's hurting! You are so insensitive!" Namumula kong pahayag. I want to throw myself out of the wind