Pakanta-kanta si Eva habang papasok sa unibersidad. Ang mga nakakasalubong niyang estudyante ay napapalingon sa kanya at kahit tinatarayan nila si Eva ay nginingitian niya lang sila pabalik. Mas lalong ikinakunot ng noo nila ang tugon ni Eva.
Marahil ay hindi sila makapaniwala na hindi siya pumatol sa kanila pabalik. Hawak-hawak niya ang mga photo copies habang ngingiti-ngiting pumasok ng room.
"I'm not late," masigla niyang sabi kahit walang nagtatanong. Hindi niya inabalang tingnan si Andrei dahil sa kabila ng kanyang mga mata ay napansin niyang nagtitipa ito sa cellphone saka siya tiningnan nito. Kinuha niya naman ang cellphone niya at nag-chat kay Samuel. Magmula kasi ng maghalikan sila ay madalas na silang nag-uusap sa cellphone. Pinasahan siya ni Samuel ng load para sa isang buong buwan kaya hindi na siya namomroblema sa internet.
"Hoy, good mood ka ngayon, ah?" tanong ni Misty sa kanya.
"Mamaya, may tsismis ako sa iyo," sagot niya sabay kindat kaya parang kiti-kiti si Misty na biglang kinilig. Sumilay ang matamis na ngiti ni Eva nang magpasa ng picture si Samuel at lahat ng pictures nito ay puro nakangiti. Kaya ni-save ko niya iyon kaagad at ginawang profile picture.
Napakagat siya sa ibabang labi niya habang sino-zoom in ang mukha ni Samuel.
"Are you listening, Miss Cardenal?"
Nawindang si Eva sa baritonong boses ni Andrei na ngayon ay nakapameywang ang isang kamay habang ang isa naman ay hawak ang chalk.
"Ano ulit iyon, sir?"
sabi ni Eva na parang walang kwentang bagay lang ang pinag-uusapan sa klase. Kaya naman ay tumingala si Andrei at nagtatagis ang mga bagang. Pero walang pakialam si Eva.
Hinila ni Misty nang bahagya ang laylayan ng palda ni Eva pero hindi niya iyon pinansin. Lumapit si Andrei sa kanya kaya umatras siya na mas lalong ikinadilim ng mukha nito.
"Give me the fuc—"
"Bakit ko ibibigay? Ikaw ba ang may ari? Tsaka, sir, may dos minutos pa bago magsimula ang klase." Taas-kilay na sagot ni Eva. Gumalaw ang adams apple nito.
Ilang sandali pa ay bumalik ito sa upuan at kinuha ang mga index card nila. Binalasa niya ang mga iyon na parang baraha. Pagkatapos ay binunot niya ang isang card at binasa iyon. "Evangilyn Cardenal, please rise and answer the following question," saad nito kaya tumayo naman si Eva hindi para sagutin kung hindi para lapitan ito at suriin kung tama nga ba ang index card na nabunot nito.
"What are you doing?" salubong ang kilay ni Andrei pero hindi siya sinagot ni Eva, bagkus ay pilit na kinukuha ang index card na hawak nito. Pero itinaas niya pa iyon gamit ang isa niyang kamay. Kaya tumalon-talon si Eva hindi niya pa rin maabot.
"Alam kong pinaglalaruan mo ako. Hindi naman pangalan ko ang nabunot mo eh."
"What are you two doing?"
Sabay na napalingon sina Eva at Andrei sa boses ng babae sa pintuan na hindi nila namalayan na nakapasok na pala. Tinaasan si Eva ng kilay ni Catriona pero hindi siya nagpatalo.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito? Hindi ka naman estudyante, bakit ka nandito?" tanong ni Eva pabalik.
Umayos ng tayo si Catriona na parang hindi makapaniwala. Dahil ito ang unang pagkakataon na sinagot siya ni Eva sa harap ng maraming tao. Nilagpasan ni Andrei si Eva at nilapitan si Catriona. Lumabas sila at doon nag-usap.
"May something ba kayo ni sir?" tanong ni Sandra kay Eva sa mahinang tinig nang makabalik siya sa kanyang upuan.
"Oo, bakit?!" matigas na sagot ni Eva na walang pakialam kahit madinig pa ng lahat. Kaya halos mapasinghap ang mga ito. Si Misty ay pinigilan siya sa braso at umiling-iling.
"Ang kapal ng mukha mong makiapid sa may syota na! Si Prof Andrei pa talaga! Last week si Sir Samuel ang kasama mo. Ngayon nam—"
"Alam kong naiingit ka!" putol ni Eva sa sasabihin ni Sandra. Tumayo siya at nakapameywang na hinarap silang lahat. Lumapit siya kay Sandra at pinaikot-ikot ang kamay sa buhok niya.
"Kasalanan ko ba kung maaakit sa alindog ko ang mga lalaki? Nagkataon pang dalawang nilalang na guwapo at mayaman ang aking nabihag? Palibhasa kasi, wala kang sinabi sa ganda ko. Parehas lang kayo ni Catriona idinaan sa mga mamahaling gamit ang pustora! Pero kung magkahubaran, ni katiting wala kayong sinabi sa likas kong kagandahan. Kaya magsama- sama kayo! Mamatay kayo sa inggit!" matigas at malakas na sabi ni Eva. Sinukbit ang bag palabas ng room at sinadya niyang dumaan sa gitna ng dalawang nag-uusap sa labas.
"Bastos ka—"
"Matagal na! Akala mo kung sino ka. Mapera lang ang nanay at tatay mo pero mas maganda ako sa iyo! Ni wala ka ngang dede, eh! Kaya siguro hindi nasasarapan sa iyo si Andrei? Dahil puro buto ang nahahawakan niya. Mabuti na lang at melon ang mga dede ko kaya sa akin siya lumalapit kapag gutom, hindi ba, Andrei? Para ka ngang sanggol na gutom na gutom sa gatas, eh!" pang-aasar pa ni Eva at umalis na papalayo sa dalawa.
Narinig niya ang pagtaas ng boses ni Catriona pero hindi siya lumingon bagkus ay pakembot-kembot siyang naglakad upang mas lalong inisin ang babae.
"Bahala silang mag-away! Mga letse sila!”
***
Kunot ang noo ni Eva habang binabagtas ang daan papalabas ng unibersidad, dahil nawalan na siyang ng ganang pumasok ngayon. Kahit pa sa mga susunod niyang subject. Nang tumunog ang messenger niya ay kinuha niya ang cellphone sa bulsa. Napangiti siya nang mabasa ang chat ni Samuel. Kaagad niya namang itong ni-reply-an habang papalabas na siya ng campus.
Naghintay siya ng ilang sandali pa sa labas hanggang sa dumating na nga si Samuel. Napakaastig nitong tingnan sa motorbike nito. Naka-shaeds pa ito kaya napapatingin sa kanya ang ibang mga estudyante. Tumakbo siya papunta kay Samuel dahil naiinis siya sa mga haliparot na mga babaitang feeling magaganda.
"Baby!" bati niya kay Samuel at nilakasan pa ang kanyang boses.
"What happened? Don't you have classes today?" tanong ni Samuel sa kanya na ikinasimangot niya lang.
"Mayroon, kaso nagkagulo, eh. Basta! Gusto kong mamasyal ngayong araw, game ka ba?" tanong niya.
"Yeah, but I don’t want to tolerate you— cutting classes. That’s not good, Eva. P'wede naman tayong mamasyal pagkatapos ng klase mo," sagot ni Samuel pero kinamot lang ni Eva at humalukipkip. Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga ni Samuel at tumingala sa taas.
"Fine. Pero ngayong araw lang, ha? Wala ng kasunod ito," saad ni Samuel kaya tumango-tangong nakangiti si Eva ngumitti at kaagad naman itong sumakay sa motorbike at umangkas kaagad si Eva.
Hindi sadyang napalingon siya sa gate at nakita si Andrei na kausap ang guard. Kaya mabilis siyang kumapit sa flat na tiyan ni Samuel at niyakap ito nang mahigpit. "Bilisan mo na, baby!"
Umandar na ang motor at tumawa nang malakas si Eva at pinindot-pindot niya pa ang mga pandesal sa tiyan ni Samuel.
Napawi ang kanyang masamang timpla kanina nang dalhin siya ni Samuel sa bayan. Kahit tirik ang araw ay marami pa rin ang mga taong paroo't parito. Kumain sila sa Mang inasal at pagkatapos ay nanood sila ng sine.
Madalas niyang nahahampas sa braso si Samuel kapag nakakatawa ang scenes. Hindi naman ito nagrereklamo at tumatawa rin ito habang sumusubo ng popcorn.
Pagkatapos nilang manood ay namasyal naman sila sa park. May fountain doon na umiilaw. May iba't ibang kulay ito at maraming kumukuha ng video kaya nakigaya na rin si Eva. Nagpakuha siya ng litrato kay Samuel at kinuhanan niya rin ito. Nag-selfie sila habang ang kanilang backround ay ang tubig.
Naglalakad-lakad sila habang kumakain si Eva ng cotton candy. Wala siyang pakialam kung napapangiwi ang mga nakakasalubong nila. Ang importante ay nag-e-enjoy siya sa kinakain niya. Magkahawak-kamay pa sila ni Samuel. Ibinigay niya kay Samuel ang natirang cotton candy at nagtataka siya nitong tiningnan. Nagdadalawang isip kung aabutin ba o hindi.
"Masarap iyan," sabi ni Eva kaya napilitan si Samuel kunin at tikman ang cotton candy.
"Pahiram ng cellphone mo," Sabi ni Eva. Kaagad namang dinukot ni Samuel ang cellphone nito sa bulsa at ibinigay sa kanya.
"Password? Fingerprint ba?"
"Your name…" sabi ni Samuel kaya kaagad na napalingon si Eva sa kanya. Parang bata si Samuel na biglang nasarapan sa cotton candy habang ngumingiti-ngiti pa.
Napakagat si Eva sa ibabang labi niya nang mabuksan niya ang cellphone ni Samuel. Pinakialaman niya ang f*******: account nito at ni-post niya ang mga litrato nila. Syempre humingi siya ng permiso kay Samuel at kahit umayaw man ito o hindi, ang importante ay nagpaalam siya.
Hindi kasi sila friend ng bruhang Catriona na iyon at hindi niya rin makikita ang pangalan niya sa f*******: dahil puro advertisement lang ang naka-post sa account niya. Puro mga sponsored ng mga modeling ang laman ng kanyang account. Kaya ito ang gagamitin niya, para makita ng dalawang hinayupak na iyon na hindi lang sila ang may karapatan na sumaya at maglambing-lambing. Kung p'wede lang i-lips to lips niya si Samuel habang naka-record at i-post iyon sa epbi.
Lahat gagawin niya para ma-ipamukha sa Catriona na iyon na hindi lang siya ang maganda.
"Suotin mo ito, baka mahamugan ka," pukaw sa kanya ni Samuel nang makalabas sila ng park. Isinuot nito sa kanya ang Jacket na galing pa sa ilalim ng motor nito. Mahina lang ang pagtakbo ng motor kaya mas lalo niyang napagmamasdan ang kagandahan ng paligid. Niyakap niya si Samuel habang patagilid niyang isinandal ang ulo sa likod nito.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Samuel.
"Sobra, ikaw ba?" tanong din ni Eva.
"Sobra pa sa sobra! I'm happy to be with you," sagot nito.
Ipinikit ni Eva ang mga mata niya habang pinapakiramdaman niya ang kanyang puso. Pumipintig ito kapag kasama niya si Samuel. Akala niya noon si Andrei lang ang tinitibok ng puso niya. Nayon ay tumitibok na ito kay Samuel at ilang beses niya ng napatunayan iyon.
"We're here," saad ni Samuel kaya napakalas sa kanya si Eva.
“Gabi na pala. Ngayon ko lang napansin,” ani Eva
"Ihahatid na kita, Eva," pagboboluntaryo ni Samuel.
"Pero paano ka pagbalik dito, madilim ang manggahan," sagot naman ni Eva.
"No worries, Eva. Basta ihahatid kita sa inyo ako na ang bahala sa pagbalik," pamimilit pa ni Samuel kaya tumango na lamang siya.
Magkahawak-kamay pa rin sila pauwi sa bahay at nagtatawanan pa sila. Pero biglang naglaho iyon ng makitang maliwanag ang kanilang bakuran at nasa labas ang nanay at tatay niya. May taong nakaupo sa mahabang bangko nila. Kahit malayo pa lang ay naaninag niya na—si Andrei na naka-cross arms habang nakasandal sa puno ng niyog.
"Bilisan natin, Samuel. Baka pinapalayas na kami ng mga Fuentebella!" saad ni Eva at tumakbo patungo sa bahay nila. Kaagad naman sumunod si Samuel at muli niyang hinawakan ang kamay ni Eva.
"Inay, Itay, anong nangyayari?" malakas na tanong ni Eva habang hinahabol ang hininga. Kaagad na naglakad papalapit sa kanila si Andrei at matalim ang titig nito sa kanila ni Samuel na akala mo siya ang tatay at kung maka-react ay ganoon na lamang.
Samantalang ang nanay at tatay niya ay nakatayo lang sa harap ng mag asawang Don Jordan at Doñya Isabel.
"Bakit ngayon ka lang, Eva! Hindi ka na nga pumasok sa eskwela, gabi ka pa kung umuwi! Iyan ba ang matinong babae? Sumasama kung kani-kanino!" galit na bulyaw ni Andrei kaya kumunot ang noo ni Eva.
"Ano bang pinagpuputok ng butse mo, Andrei? Ano bang pakialam mo sa amin ni Eva? Tauhan lang n’yo siya at hindi ninyo pag-aari. Wala kayong karapatang diktahan o kontrolin ang bawat galaw niya!" sumingit na si Samuel kaya inambagan siya ng suntok ni Andrei. Lumaban din si Samuel at nagsuntukan sila sa harap ni Eva.
"Stop that bullshit!" Umalingawngaw ang boses ng Don. Masamang tingin ang ibinigay nito sa dalawa. Panay ang hingi ng paumanhin ng tatay at nanay ni Eva sa mga amo nila.
"Wala kayong dapat na ihingi ng patawad, tita, tito. I'm sorry sa inasta ko." Tinig ni Samuel.
Narinig ni Eva ang pagmura ng mahina ni Andrei at napasabunot pa ito sa sariling buhok.
"Eva, hindi na kami magpaligoy-ligoy pa. Narito kami upang ayusin ang nalalapit ninyong kasal ni Andrei!"
Sa narinig ni Eva ay parang humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan, kaya nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at nasalo siya ni Samuel. Kaagad na nagtagpo ang kanilang mga mata. Kusang pumatak ang luha ni Eva nang masilayan ang napakalungkot na mukha ni Samuel.
Spoiler: Nagsama Si Eva at Andrei ng ilang buwan ngunit nang bumalik si Catriona kay Andrei ay muling nagpropose si Andrei kay Catriona at doon nalaman ni Eva na peke pala ang kasal nila ni Andrei at ginamit lang siya ng binata para pagselosin si Catriona. Nagpakalayo-layo si Eva kasama si Samuel—na tumulong sa kaniya no'ng dinugo siya dahil nabuntis siya ni Andrie at napadpad siya sa Dubai at doon niya isinilang ang kambal nilang anak na si Jude at Jade. Then, Three years later ay registered nurse na si Eva pero namatay ang tatay ni Eva kaya need nila umuwi ng Pinas at sa muling pagkikita nila ni Andrei ay papagapangin niya sa lupa ang binata.