Kabanata 21

1961 Words
Umaga pa lang ay abala na ang mga trabahador sa mansyon dahil ngayon ang ika-30th anniversary ng mag-asawang Don Jordan at Donya Isabel Fuentebella. Ang mga magulang ni Eva ang nagtimpla at gumawagawa ng lechon. Habang siya naman ay tumutulong sa paghihiwa ng mga rekados at pangsahog sa iba pang putaheng lulutuin. Nakahanda na rin ang mahabang lamesa at upuan para sa mga bisita. Simple lang pero elegante ang pagkaka-arrange ng lahat. Habang tumutulong si Eva sa gawain ay sinisilip niya ng palihim si Andrei kung lumabas na ba ito ng kuwarto. Pero umabot na lang ang hapon ay hindi pa rin lumalabas ang binata. "Hindi bale. Mamaya, kapag nagsimula na ang party lalabas din iyon," ani Eva sa sarili. Naghugas siya ng kamay nang lumabas si Donya Isabel kaya mabilis siyang lumapit sa donya. "Happy anniversary po, Tita Isabel," magiliw na bati ni Eva at hinawakan pa niya ang kamay nito. Nang mapatingin ang ginang sa kamay niyang basa ay mabilis niyang itong binawi at pinunasan ang kamay sa suot niya. "Naku, pasensya na po. Itatanong ko lang sana kung nariyan po ba si Andrei?" tanong ulit ni Eva. "Gusto ko pa siyang kausapin. Dalawang araw na po kasi kaming hindi nagkikita dahil weekends ngayon at holiday pa bukas, walang pasok. Kaya nami-miss ko na ho ang anak ninyo, tita." Hindi na napigilan ni Eva na maging prangka. Ngumuso pa siya kaya natawa naman ang ginang sa inasta niya. "Kayo talagang mga bata, oo," naiusal ng donya at magsasalita pa sana ito nang sumingit si Arya, isa sa mga tagalinis ng mansyon. Madaling nagpaalam ang donya kay Eva. Kaagad din siyang umuwi ng kanilang bahay para maligo ulit at makapag-ayos na rin. Nangagamoy ulam kasi siya dala ng pagbabad niya sa kusina. Hinalungkat niya ang karton na lagayan ng kanyang mga damit. Napanguso siya nang walang pinagbago sa kanyang mga damit. Mga nilumaan pa ito ng mga pinsan niya na nasa Manila na. Paulit-ulit niya na lang sinusuot ang mga ito. Tinawagan niya Misty pero hindi ito sumasagot hanggang nag-expired na lang ang kanyang load. Inis niyang kinuha ang maikling short na maong na may butas-butas pa sa laylayan at blouse na V-neck na may maliit na bulsa sa bandang kaliwa. Para lang siyang pupunta ng baryo sa ayos niya. Naglagay siya ng chin chun soo na ibinigay sa kanya ng kaibigan at lip shiner sa labi. Itinali niya lang ang buhok niya. Habang naglalakad si Eva ay panay ang baba niya sa suot niyang maong na short. Hindi kasi talaga siya sanay magsuot ng mga ganito. Kung bakit ito pa ang napili niya noong minsan siyang inaya ni Misty na mang-ukay. Namumukadkad sa bulaklak at kislap ng ilaw ang palibot ng mansyon at dagdagan pa ng maliwanag na buwan kaya naman kitang-kita ang palamuti sa hardin at masasayang mga bisita na sinasabayan ng nakakahalinang awitin. "Eva! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap dito. Alam mo naman na maraming bisita, eh!" talak kaagad ng nanay niya at inabot sa kanya ang lagayan ng ice cube. "Dalhin mo ito sa lamesa, roon sa dulo at doon ka lang para kapag may iuutos sa iyo ang donya madali ka lang niyang makita. Nakuha mo?" Inabot niya ang ice cube at tamad na sinunod ang utos ng ina. Ibinuhos niya sa malaking lagayan ang mga ice cube at naglagay rin siya ng mga plato sa gilid. Nag-refill siya ng mga pagkain dahil maya't maya ang pagdating ng bisita kaya mabilis na maubos ang mga pagkain. Mabilis na lumipas ang oras hanggang lumalim na ang gabi at patuloy pa ring nagkakasiyahan ang mga bisita. Lalo na ang mga bisita ni Don Jordan dahil kilala itong negosyante kaya nag-iinuman ang mga ito at kumakanta pa sa videoke. Pinauna na niyang umuwi ang mga magulang niya na kaagad naman pinayagan ng mag-asawa. Silang mga anak na lang ng trabahador ang mga naiwan. Nagkakasiyahan din sila sa kusina habang umiinom sila ng San Mig light apple. Maya-maya pa ay natahimik ang videoke at biglang naghiyawan ang mga tao sa bakuran. Kaya tumayo si Malyn, isa sa mga kasambahay at sumilip doon. Biglang bumalik si Malyn sa kusina na kinikilig. "Nariyan si Ma'am Catriona at kasama niya ang mga magulang niya. Kaya pala napakaganda ni senyorita dahil mga tisay at tisoy ang mga magulang niya. Grabe! Kasinguwapo rin ni Don Jordan ang tatay ni senyorita!" litanya ni Malyn nang makabalik. Napalunok si Eva ng lihim nang marinig ang sinabi ng kasama. "Oo nga, ano? Ang yaman pala talaga ni senyorita kasi mukhang mga bilyonaryo ang mga magulang niya! Grabe! May guwapo ng boyfriend, mayaman, maganda, sikat, matalino! Lahat ng swerte nasalo na ni senyorita!" pangagatong naman ni Arya. Inubos ni Eva ang laman ng hawak niyang bote dahil parang hiniwa ang kanyang puso sa sinabi ng dalawa. "Hoy, Eva. Halika, manood tayo, dali!" "Ayaw k—" Hindi na nakapalag pa si Eva nang hilahin siya ni Arya patungo sa bakuran. Dahilan para masilayan niya na naman ang mabigat niyang karibal, si Catriona. Panay ang palakpak ng dalawa niyang kasama habang siya ay hawak-hawak ang bote ng San Mig. Gusto niyang tumalikod, gusto niyang takasan ang tagpong nakikita ng dalawa niyang mata! Pero anong idadahilan niya? Magtataka ang kasama niya kung sakali man. Kaya heto siya, pilit na nilalabanan ang sakit habang pinapanood ang dalawang pares na sweet na sweet sa isa't isa sa harap ng kani-kanilang magulang. "Sana all! Sana all legal! Sana all proud! Sana all minahal pabalik!" sigaw ng kanyang puso habang mariin ang pagkakakagat sa ibabang labi. "Babe, alam ko matagal na natin itong gusto. Matagal na nating sinabi sa kanila. Alam na ito ng lahat, pero muli, gusto kong hilingin ang kamay mo at kahit paulit-ulit kang tumanggi, paulit-ulit ko pa ring kukuhanin ang kamay mo at sasabihing, Catriona Berlin, will you merry me?" Naghiyawan ang mga tao nang banggitin iyon ni Andrei sa harap ng dalaga at nakaluhod pa ito sa palibot ng mga magulang nito at ng mga tao. Hinahampas si Eva ng mga mabibigat na kamay ng kasama niya. Pero hindi niya ito maramdaman. Dahil wala ng mas bibigat pa sa kanyang puso na parang hinihiwa ng kutsilyo. Kung mayroon mang hindi masaya sa tagpong iyon ay wala ng iba kung hindi ang luhaan na si Eva. Pasimple siyang tumalikod at nagkunwaring umubo kasabay nang dahan-dahan niyang paglayo sa mga tao. Baka kasi kung tatagal pa siya roon ay bigla siyang humagolhol ng iyak sa mga ito at makiusap na siya na lamang ang mahalin muli ni Andrie, na siya na lang ang pakasalan nito katulad ng ipinangako nito sa kaniya noong mga bata pa sila. Dalawang araw na ang lumipas mula nang umiyak na naman siya dahil kay Andrei. Mugto pa rin ang kanyang mga mata nang pumasok sa eskwelahan. Ngayon ang intramurals nila at kasali siya sa mga kalahok ng kanilang unibersidad. Siya ang pambato ng kanilang department at si Misty ang nagsuporta sa lahat ng kakailanganin niya. Matagal na siyang kinukuha ng dean nila pero noong malaman iyon ni Andrei dahil minsan niyang na-i-kuwento rito ay hindi ito pumayag. Kesyo ayaw ng binata na makita ang sexy niyang katawan, dahil ito lang daw dapat ang makakita niyon. Napatawa siya nang mapakla. "Ang kapal ng mukha niyang pagsabihan ako kung ano ang dapat kong gawin pero siya itong ikakasal na! Nakikialam pa sa buhay ng may buhay, letse siya!" galit niyang paghihimutok sa loob ng banyo. Isinuot niya ang tube na kulay itim at palda naman sa ibaba. Pagkalabas niya ng banyo ay napasinghap ang kanyang mga kaklase lalo na si Misty. "Omg, bessy! Hindi ko akalain na may tinatago ka pa pa lang magandang hubog ng katawan! Ikaw na talaga ang pinagpala sa lahat!" ani Misty na makikita talaga ang totoong paghanga para sa kaibigan. "Make-up-an mo ako," bagkus ay sagot niya. "Gusto ko iyong kulay maroon!" Dagdag pa niya na kaagad naman na sinunod ni Misty. "Magsisimula na, naku! Dalian ninyo, Eva! Ikaw pa naman ang kauna-unahang magpe-perform!" singit ng isa nilang kaklase. Tumayo si Eva nang matapos siyang maayusan at tinanggal niya ang tali sa buhok at ginugulo ito dahilan para mas lalong maging kaakit-akit ang kanyang mukha. "Samuel..." tawag niya sa binata na kanina pa naghihintay sa labas ng room. Kaagad siyang pinasadahan nito ng tingin mula ulo hanggang talampakan. Halatang hindi ito makapaniwala sa ayos niya. Nakasuot siya ng paldang maikli at tube na kita ang kanyang maputing pusod na binagayan pa ng matingkad niyang lipstick sa labi. "You're so beautiful! Para kang isang beauty queen, Eva!" walang humpay na papuri ng binata sa dalaga. Napangiti si Eva at ikinawit ang kanyang kamay sa braso ng binata at magkasabay silang pumunta sa stage kung saan ay marami na ang mga estudyanteng nakaabang. Tinawagan niya si Samuel kahapon at kagabi lang sila nag-practice ng modern cha-cha na hinango pa sa Latin version. Tinawag na ng emcee ang kanilang pangalan kaya napahiyaw ang mga tao nang makilala ang dalaga. Sa harap ay ang mga judges at isa na roon ay si Andrei na biglang kumunot ang noo nang makita si Eva sa ganoong ayos. Ngumisi lang si Eva sa inakto ng binata. Hanggang sa tumunog na ang tugtug kaya sumasabay ang kanilang katawan sa ritmo ng awitin. Parehas na malumbay ang kanilang mga katawan kaya hindi sila nahirapan at sa bawat kumpas ng kanyang kamay ay sinasabay niyang idiin ang sarili sa kasayaw na binata. Sa bawat giling niya ay nakikita ang kanyang suot na itim na panty na sinadya niyang hindi na magdoble ng cycling. Napapahiyaw at napapalakpak ang mga kalalakihan sa twing kusang bumubuka ang suot niyang palda at kitang kita ang matambok niyang pwet at makikinis na singit. "Sam... Samuel... Mahuhubaran ako. Lumuluwag ang tube ko," bulong niya sa binata habang patuloy na sumasayaw. "What? Wai—" "Yakapin mo ako!" saad niya kasabay na itinodo niya ang pagiling at isang iglap nga ay dumausdos ang suot niyang tube at dahil may bra na iyon sa loob ay hindi na siya nag-atubili pang magsuot ng bra kaya nang bumaba ang kanyang tube ay kitang kita iyon ng binata at kaagad siyang niyakap kasabay na pagkadismaya ng mga tao. Ngunit walang pakialam ang dalaga dahil iyon naman talaga ang plano niya—ang ipamukha kay Andrie na wala itong karapatan na diktahan ang buhay niya at lalo pa ang ipamukha kay Andrie na hindi lang ito ang may karapatang lumandi. "Isandal mo ako sa wall ng stage at hubarin mo ang damit mo at ilipat mo sa akin," dagdag pa niya na kaagad namang ginawa ng binata. Isanandal nga siya nito sa wall at hinubad ang damit nito. Hindi na tinakpan ni Eva ang kanyang hinaharap sa binata. Lantad itong nakita ni Samuel at dahil nasa stage naman sila kaya walang ibang nakakita kung hindi ang binata lang dahil nasa harapan ang mga tao at natatakpan din siya ng malaking katawan ng binata. "Okay ka na ba?" pag-aalala ng binata. Napangiti si Eva at tumango. Siya na ang humawak sa kamay nito pababa ng stage na kaagad silang sinalubong na madilim na hitsura ni Andrei. "Oh, Sir Andrei, nandito ka pala, naku! Nakakahiya iyong performance ko. Nahubaran kasi ako. Pero mabuti na lang kaagad akong nayakap ni Sir Samuel," ngisi niyang saad at tinitigan pa si Samuel na nakangiti naman sa kanya. "Eva—" "Pasensya na, Sir Andrei. Mauuna na po kami ni Sir Samuel kasi ibabalik ko pa ang itong damit niya. Magbihis lang kami sa banyo. Tara na, sir!" turan ni Eva at hinawakan pa ang kamay ng binatang si Samuel habang taas-noong sinalubong ang mga kakaibang tingin ng mga estudyante na bakas ang gulat at pagtataka ng mga ito. Akala mo, ikaw lang, hah! Lintek ka Andrei!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD