Kabanata 13

1477 Words
Sunod-sunod na napalunok ng laway si Eva nang dumagan sa ibabaw niya si Andrei. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok ni Eva na natatakpan ang mukha niya. Bumaba ang tingin nito sa labi niya at hinawakan gamit ang daliri. Hindi nakaligtas sa paningin i Eva ang paggalaw ng adams apple ni Andrei. "Palagi ba itong ginagalaw ni Dwayne?" Malalim ang tinig ni Andrei kaya kumunot ang noo ni Eva dahil ang bastos ng dating sa kanya ng pananalita nito. Hindi nagsalita si Eva kaya dahan-dahang nilapit ni Andrei ang labi niya sa labi ni Eva. Tanging pagpikit na lang ng mga mata ang nagawa ni Eva. Ilang segundo pang nakapikit si Eva pero walang labi na lumapat sa kanya kaya kaagad siyang nagmulat ng mga mata. "What do you expect? hahalikan kita?" nakangising turan ni Andrei kaya halos uminit ang mukha ni Eva. "Nang-aasar ba siya o nang-iinsulto?" inis na sabi ni Eva sa isipan. Umalis si Andrei sa ibabaw ni Eva at nakapameywang na hinarap siya. "Get your ass up and leave," malamig na sabi ni Andrei kaya halos liparin na ni Eva ang pintuan palabas. "Nakakahiya ka Eva!" Halos murahin na ni Eva ang sarili. Pumasok si Eva sa kuwarto ni Peter kung saan ito namamahinga. Pero wala siyang naabutan. Lumabas siya at hinanap si Peter. Namilog ang mata ni Eva nang makasalubong niya si Catriona at nasa likod nito si Peter. Parehas na nakakunot ang kanilang mga noo. Naka-short nang maiksi si Catriona kaya kitang-kita ang mapuputi nitong legs. Kahit maliliit ang legs nito ay maganda pa ring tingnan dahil sa napakakinis at napakaputi ng balat nito. Bagong kulay rin ang buhok ni Catriona at kulot-kulot ang dulo niyon na sumasabay sa kanyang paggalaw. Ang kuko niyang kulay pula at matutulis ay parang hinulma sa kandila. "Samantalang ako, pudpod iyong mga daliri ko dahil sa kakangat-ngat ko," sabi ni Eva sa isipan. Nanliit siya bigla sa sarili. "Hi, Cath," bati ni Eva kay Catriona pero hindi siya nito pinansin. Nilagpasan siya nito na parang walang narinig. Hindi maiwasan ni Eva ang makagat ang ibabang labi. "P-Peter..." mahinang tawag ni Eva nang huminto ito sa harapan niya at nakatuon na sa kanya ang paningin ni Peter. "Where have you been, babe?" tanong ni Peter kay Eva kaya napaiwas naman kaagad ng tingin si Eva. Paano niya sasabihin kay Peter na galing siya sa kuwarto ni Andrei? "Kumusta na ang pakiramdam mo?" paglilihis ni Eva sa usapan. "Eva, tara! Kakain na tayo!" biglang sigaw ni Catriona na ngayon ay malapad na ang ngiti sa mga labi. Hinawakan ni Peter ang kamay ni Eva at ginaya naman iyon ni Eva. Napairap ng lihim si Eva dahil sa kaplastikan ni Catriona. Maraming pagkain ang nakahanda sa hapag-kainan at apat lang silang umupo sa mahabang lamesa. Magkatabi sina Peter at Eva. Samantalang magkatabi naman sina Andrei at Catriona. Nakatuon ang pansin ni Eva sa kaharap na si Andrei habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ni Catriona, inaalis nito ang mga gulay. Pati kanin, si Andrei din ang naglagay. Kinuha ni Eva ang hipon na hindi pa nagagalaw at kinamay niyang tinanggal ang balat nito. "Hindi mo ba alam kung paano kumain ng tama? Hindi ka ba marunong gumamit ng kubyertos?" bulyaw ni Andrei kay Eva. Napayuko si Eva at napakagat sa labi. Alam niyang ignorante siya sa ganitong kainan pero grabe naman kung makapagsalita si Andrei sa kaniya. "Maliit na bagay pinapahaba mo Andrei!" pagdedepensa ni Peter kay Eva. Binaling ni Peter ang tingin kay Eva, "It's, okay, babe. Susubuan ki—" "Hindi na. Uuwi na lang ako," sabi ni Eva at tumayo. Kaagad siyang naglakad palabas ng bahay. Sumunod naman sa kanya si Peter. "Eva, gabing-gabi na at sira ang mga poste palabas ng gubat, delikado. Bukas ka na lang, umuwi ihahatid kita. Alam kong nasaktan ka." "P-Peter..." Kinabig ni Peter si Eva at niyakap. °°°° Yakap ni Eva ang sarili dahil sa malamig na simoy ng hangin. Naglalakad-lakad siya sa harden sa labas ng mansyon. Lumitaw na ang maliwanag na buwan, na siyang nagsisilbing ilaw sa kinaroroonan niya. Dumating na kanina sila Donya Isabel at hindi na sila pumayag na umuwi pa si Eva dahil gabi na. Dito na lang siya magpapalipas ng gabi sa mansyon at bukas babalik na siya sa bahay nila. Nami-miss niya na kasi ang nanay niya, kahit panay ang bangayan nilang dalawa. Mahal na mahal niya ang nanay niya kahit hindi niya masabi. Pero sa puso niya, mahal na mahal niya ito. Wala na siyang magagawa kung hindi ang tanggapin ang tatay niya at patawarin. Kahit baliktarin man ang mundo tatay niya pa rin iyon. Naaagaw ang atensyon niya sa isang magandang awitin na nakakahalina. Sinundan niya ang pinanggalingan ng tunog hanggang sa dinala siya sa likod ng mansyon. Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw na tanaw niya ang dalawang pares na nagyayakapan habang nakahiga sa duyan. Napaka-romantic. Kahit sino maiingit sa kanilang dalawa. Napakaperpekto ng relasyon nila. Mula sa hitsura, sa katalinuhan, at sa antas ng buhay. Para silang kinubli para sa isa't-isa. Paano kaya kung hindi umalis si Andrei noon? Paano kaya kung hindi niya iniwan si Eva? Posible bang masaya kaya silang dalawa ni Eva? Posible kayang si Eva ang kayakap ni Andrei ngayon at hindi si Catriona? Napabuga ng hangin si Eva at napatingala sa taas. Maganda ang buwan, kasingganda ng nakaraan nila ni Andrei. "Senyorito Andrei, napakaganda ng buwan. Bilog na bilog at maliwanag." "Mas maganda ka pa riyan, Princess. Hahalikan kita para maging saksi ang buwan ng ating pagmamahalan. Dumating man ang araw na paghiwalayin ang landas natin, ang buwan na iyan ang magbabalik sa mga puso nating naligaw" Nagsilaglagan na naman ang mga luha ni Eva nang maalala ang masasayang bakas ng kanilang kahapon. "Sa ating dalawa, ikaw ang naligaw. At sa nakikita ko, Andrei, hindi mo na gugustuhin pang bumalik…” Pinunasan ni Eva ang pisngi niyang puno ng luha, ngunit nang makitang naghahalikan na sina Andrei at Catrion ay bigla na naman iyong bumuhos. Tumalikod na lang siya at umalis dahil masyado ng masakit. Durog na durog na ang puso niya. KINABUKASAN hinatid ni Peter si Eva sa eskwelahan nito. Kumain muna sila sa canteen ng umagahan dahil hindi na sila nakipagsabay sa umagahan sa mansyon. Nahuli kasi sila ng gising. Panay ang kwentuhan nila ni Peter habang kumakain. Nagkwento kasi si Peter tungkol noong nag-aaral pa lang siya sa Manila. Puro kalokohan at kabalastugan ang buhay ni Peter noon pero nagseryoso na siya pagtungtong niya ng kolehiyo. Aksidenteng napagawi sa orasan na nakasabit sa dingding dito sa canteen ang mga mata ni Eva. "Naku, Peter, late na ako sa klase ni Andrei," Sinubo niya na lang kaagad ang kalahating hotdog na natira sa platito. Takbo-lakad ang ginawa ni Eva patungo sa room 201. Pero nang maalala na bawal pa lang mapagod si Peter ay umatras siya ng lakad at hinawakan ang kamay nito. "I'm sorry, babe," hingal na sabi ni Peter. "Ako ang dapat humingi ng pasensya, Peter," saad ni Eva at hinagod ang likod ni Peter. Hinawakan naman ni Peter ang kamay ni Eva at naglakad na lang sila patungo sa room ni Eva. "Salamat sa paghatid, babe," nakangiting sabi ni Eva kay Peter. "My pleasure, babe," nakangiti ring sagot ni Peter. Hinalikan ni Peter si Eva sa labi nang mabilisan lang bago siya pumasok sa room niya. Lahat ng estudyante ay nakatingin na kay Eva. Para bang naestatwa sila sa kani-kanilang ginagawa. Si Misty ay namimilog ang mga mata, si Sandra naman ay nakakunot ang noo. Samantalang si Andrei ay walang pakialam. "You're late, Miss Cardenal." "Sir, ahmm..." "You know the rule, don't you?" "Oo, sir. Absent na lang ako ngayon." Lalabas na sana si Eva nang magsalitang muli si Andrei. "Where are you going?" galit na tanong ni Andrei. "Sa boyfriend ko, malamang," pabalang na sagot ni Eva. "f**k! You're not leaving, Ev—" "Late nga ako, hindi ba?" putol ni Eva sa sanang sasabihin ni Andrei. Para bang sila lang ang tao sa loob ng room. Lumapit si Andrei kay Eva at hinawakan ang braso niya. "Sit!" utos ni Andrei na para bang isang tuta si Eva. "Ano—" "Dismiss!" sigaw ni Andrei. "I said dismissed!" Umalingawngaw ang galit na boses ni Andrei sa loob ng room dahilan para magsitayuan ang mga kaklase ni Eva. Para bang may gyerang paparating kaya halos nag-uunahan silang makalabas. Binitiwan ni Andrei ang braso ni Eva at nagmamadaling sinarado ang pinto ng room. "Anong ginagawa mo?" Pinilit ni Eva na hindi kabahan kahit parang tambol ng parada ang kabog ng dibdib niya. "What do you think I'm doing?" nakangising tanong ni Andrei at hinila si Eva saka sinandal sa dingding. "Bitiwan mo ak—" Hindi na natapos ang sasabihin sana ni Eva dahil pinahiran ni Andrei ng hintuturo niya ang labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD