Pinagtitinginan sina Peter at Eva ng mga estudyante sa loob ng canteen. Pakiramdam tuloy ni Eva ay napakaganda niya.
"Kumusta naman na guro si Andrei?" biglang tanong ni Peter.
"Okay lang, boring!" pagsisinungaling ni Eva dahil ang totoo ay terror talaga si Andrie.
"Ganoon ba? Ano pala ang silbi niya rito sa university? Anong mga tinuturo niya sa mga estudyante niya? Baka nagsasayang ka lang ng matrikula rito. Lumipat ka ng school."
Nag-angat ng tingin si Eva at nakitang seryoso si Peter.
"Ah, hindi na. Tsaka scholar ako rito ni Donya Isabel kaya wala akong binabayaran."
"Ako ang mag-i-sponsor sa kakailanganin mo. I-e-enroll kita sa iba o kaya sumama ka sa akin sa Manila," dagdag pa ni Peter.
"Naku! Hindi p'wede. Nakakatakot daw roon. Baka mabangga ako ng mga kariton roon A-anga-anga pa naman ako."
"Hindi naman kita pababayaan," sabi ni Peter at ginagap ang kamay ni Eva.
"Peter... nakakahiya. Pinagtitinginan tayo ng mga estudyante," kagat-labing sabi ni Eva.
"Wala akong pakialam, Eva. You're my girlfriend and I love you."
Napaiwas ng tingin si Eva. Hindi niya alam ang sasabihin. Kasi iba ang sinisigaw ng puso niya sa dinidikta ng isipan niya.
"P-Peter—"
"Yes, Tito Jordan?"
Hindi na naituloy ni Eva ang sasabihin dahil biglang may kausap si Peter sa cellphone.
Inubos ni Eva ang pagkain na dinala ni Peter para sa kanya. Nakapamulsa si Peter habang nakatayo sa gilid at kausap pa rin si Don Jordan.
"Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Baka tungkol sa negosyo?" Tumatango-tango pa si Eva na parang tangang kinakausap ang sarili.
"Fine! Whatever the f**k he wants!" Nakakunot ang noo ni Peter at lumalakas ang boses. Halatang nagagalit sa kausap.
"Grabi naman itong si Peter. Kung kami na trabahador ay parang dahon ng makahiya sa tuwing dadaan si Don Jordan— lahat kami ay tiklop. Pero siya ay sinisigawan na at may pa f**k-f**k pang nalalaman!"
"Fine, Tito. Pero alam mong hindi ako basta-basta nagpapatalo," sabi pa ni Peter na halatang galit pa rin at narinig din iyon ni Eva.
Mabilis na sinipat ni Eva ang gawa sa plastic niyang relo at kaagad naman siyang nagpaalam kay Peter para sa next subject niya.
Hinatid naman siya ni Peter sa room niya at hinalikan pa sa pisngi niya, "Take care, babe. Susunduin kita mamaya. Text mo na lang ako kung pauwi ka na. Nasaan ang cellphone mo?"
"Nandito sa bag ko. Sige, babe, pasok na ako. Ingat ka rin," sagot ni Eva at kaagad na pumasok sa loob dahil baka hanapin pa nito sa bag niya ang cellphone at mahuli pa siyang nagsisinungaling. Dahil hindi niya nakuha ang cellphone niya kanina kay Andrei.
~~~~
EKSAKTONG alas singko y media ng hapon nang makalabas ng room si Eva para sa huli nitong subject. Huwebes ngayon kaya't kaunti lang ang subject niya sa araw na ito.
Hinanap niya si Andrei para kunin ang cellphone niya at para ma-text si Peter. Dahil hindi niya rin alam ang daan papunta sa bahay ni Peter. Nakalimutan niyang tanungin ang eksaktong address ni Peter at bukod pa roon ay baka mag-away pa sina Andrei at Peter.
Hindi niya mahagilap si Andrei sa buong room pati sa rooftop ay pinuntahan niya na rin. Pero pawis at pangangalay lang ng tuhod ang natamo niya.
Naglalakad na siya palabas dahil inabutan na lang siya ng dilim kakahanap sa lalaking iyon.
"Babe?"
Napahinto siya sa paglalakad nang sinalubong siya ni Peter.
"Bakit hindi ko siya napansin na paparating? Naman talaga ang Andrei na iyon!" ngit-ngit ni Eva
"Peter?"
"Bakit hindi mo ako tinawagan?" tanong kaagad ni Peter.
"Ano kasi..." Napakamot na sa ulo si Eva. "I-iyong cell—"
"They invited me for dinner at their house," ani Peter at hinawakan ang kamay ni Eva patungong labas.
Sumunod na lang siya sa paghila ni Peter sa kanya kahit hindi niya naman alam kung sino iyong tinutukoy ni Peter.
Napangiti nang malaki si Eva habang ninanamnam niya ang sariwang hangin na sumasalubong sa kanila, habang nakakapit siya sa malabatong tiyan ni Peter. Motorsiklo ang ginamit ni Peter pero maganda at tatak KTM.
Pinarada ni Peter ang motor sa isang waiting shed na pag-aari pa rin nina Andrei.
Magkahawak-kamay nilang binagtas papasok ang mansyon nina Donya Isabel at Don Jordan. Kanina pa napapansin ni Eva na parang may sumusunod sa kanila.
Paglingon ni Eva sa likod nila ay may nakita siyang bulto ng tao na kaagad nagtago sa puno ng niyog. Biglang kinabahan si Eva kaya hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Peter at hinila niya ito para tumakbo.
Hingal na hingal silang nakarating sa gate ng mansyon at kaagad naman silang sinalubong ng mga katrabaho ni Eva noon.
"Hala! Anong nangyari kay Sir Peter? Parang kinakapos ng hininga!" malakas na sigaw ni Arya kaya nilingon kaagad ni Eva si Peter. Nataranta naman si Eva nang makitang pakurap-kurap ang mata ni Peter.
"Peter? Oy, Peter! Peter!" sunod-sunod na tawag ni Eva kay Peter. Nakahandusay na si Peter sa lupa kaya inangat ni Eva ang ulo nito at tinatapik-tapik ang mukha niya. Pumuputla na si Peter at tirik na ang mga mata.
"s**t!" malakas na mura ni Don Jordan at tinawag ang anak nito. Kaagad nilang binuhat si Peter papasok sa loob.
Masakit na ang mga labi ni Eva dahil kanina niya pa ito kinakagat. Hindi siya mapakali sa labas ng kuwartong pinagdalhan nila kay Peter.
"He's fine," malamig na saad ni Andrei nang makalabas sa kwarto kung saan naroroon si Peter. Hindi niya man lang tinapunan si Eva ng tingin o kahit sulyap man lang.
Pero dahil biglang napatayo si Eva ay napalingon sa kanya si Andrei. "G-Gusto ko siyang makita,” paki-usap ni Eva na nakahawak pa sa braso ng binata,
Tumaas naman ang kilay ni Andrei. "I told you he's f*****g fine, didn't I?
"Ano ba Andrei, girlfriend niya ako kaya may karapatan akong mag-alala! Gusto ko sabi siyang makita eh!" malakas na sigaw ni Eva at kaagad na hinawi ang katawan ni Andrei na nakaharang sa nakasaradong pinto.
"Sinabi ngang hindi p'wede! Ang tigas ng ulo mo!" sigaw rin Andrei at hinuli ang dalawang kamay ni Eva gamit ang isa lang nitong kamay. Habang ang isa niya namang kamay ay nasa beywang ni Eva. Kinabig niya si Eva papalapit sa kanya kaya nagkadikit ang mga katawan nila.
"Ano ba'ng ginagawa mo, Andrei!" sigaw ulit ni Eva. Pero ang totoo ay nililihis niya lang ang usapan dahil sa kakaiba niyang nararamdaman. Naaamoy niya kasi ang pabango ni Andrei na nakakaakit sa ilong. Pati ang gamit nitong mouthwash ay hindi nakaligtas sa pang-amoy ni Eva.
"Hindi mo na ako tinatawag na sir, ha? Andrei na lang?" nakangising saad ni Andrei. Inangat niya ang baba ni Eva kaya naman ay nakikita nang mabuti ni Eva ang perpektong mukha ni Andrei.
"Wala tayo sa eskwelahan, kaya h'wag kang feeling. Kahit murahin kitang putang ina ka, magagawa ko! kaya 'wag mo akong subukan!"
"Minura mo ako?" kunot-noong tanong ni Andrei at napaiwas naman ng tingin si Eva.
"Hindi, ah. Guni-guni mo lang iyon. P'wede bang bitiwan mo na ako dahil pupuntahan ko ang boyfriend ko at doon ka sa Catriona mo!" singhal ni Eva kay Andrei.
"So boyfriend mo na siya? Wala pang isang buwan sinagot mo kaagad?"
"Ano naman ngayon? Hindi ako si Maria Clara para magpakipot pa. Sasagutin ko rin naman siya, so bakit ko pa patatagalin kung doon din lang naman patungo? At ano ba ang pakialam mo— h-hoy! Ano ba! Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas ni Eva nang bigla siyang pangkuin ni Andrei at pinalo pa sa puwet.
"Tulong! Tulong! Tulong! Minomolestya ako rito! Tulungan ninyo ako! Niri-rape ako!" malakas na sigaw ni Eva.
"Walang makakarinig sa iyo rito dahil sina Mama at Papa ay umalis. Iyong mga katulong naman ay walang mga pakialam. At 'yong boyfriend mo kuno ay mahimbing na natutulog. Kaya nagsasayang ka lang ng laway!" natatawang sabi ni Andrei kaya biglang kinabahan si Eva.
Pero sumagi sa isip ni Eva ang girlfriend ni Andrei dahil ito na lang yata ang hindi nabanggit ni Andrei.
Hindi namalayan ni Eva na nasa loob na sila ng kwarto ni Andrei. Saka niya lang napansin nang ihagis siya nito sa kama. Mabuti na lang ay malambot at malapad ang kama kaya hindi siya nasaktan.
"Bakit mo ako rito dinala? Ano ba ang gagawin mo?" kinakabahang sabi ni Eva.
"Gagawa tayo ng baby!"