Prelude 5

2799 Words
Part 5 Year 2016 Present (18 years old) Isang eroplanong gawa sa papel ang gumising sa akin mula sa nakakabagot na klaseng iyon. Lumanding sa noo at nahulog sa tandayan ko. Kinuha ko iyon at binuklat. 'Date later? -Baby Colt.' Sinipat ko muna kung posible ba na mahuli ako ng prof namin bago pasimpleng sumulyap sa direksiyon niya. Kumaripas ang puso ko nang nagtama ang mata namin. Jusko! Sampung taon na kaming magkakilala pero wala pa rin nagbago sa t***k ng puso ko tuwing magtatama ang paningin namin! Walang kupas! Hala siya. Hindi siya nakangiti, hindi rin naman nakasimangot. Suplado siyang nakasandal sa kanyang upuan habang pinaglalaruan ang ballpen. Napangisi ako nang natanaw kung gaano kaantok ang mga mata niya. Well, kailan ba iyon magbabago? Nagtaas siya ng kilay nang nahalata ang matagal kong pagtitig. Taranta akong humarap sa prof namin dahil sa makapigil-hiningang panunukso. I groaned in disbelief. Dang! It's not really healthy! Pumunit din ako nang dahan-dahan sa likod ng binder at nagsulat din ng sagot sakanya. 'K. -Coleen.' Tinupi-tupi ko iyon at bumuo ng airplane origami. Naghintay muna ako ng magandang pagkakataon, iyong hindi mapapansin ng masungit naming prof bago paliparin iyong ginawa kong eroplano sa direksyon niya. "Oh, my gosh," I muttered and landed my hand on my mouth. Bad move, Coleen! Nag-peace sign ako sa seat mate niya dahil siya ang nasapul ko ng papel. Buti na lang pala at si Ghunter lang iyon! Ghunter Ambrose Smith. Half American, that's what I thought. Isa sa mga tropa ni Colt na matagal na rin naming kaibigan since junior highschool. Though hindi ko sigurado ang lahi. Basta ang alam ko lang ay may bahid ito ng dayuhan. Maybe I just assumed he's a Fil-Am since he has strong foreign features na kadalasang nakikita sa Western. Papasang modelo. Ngunit dahil masyadong primitive at istrikto, I don't think he's fit on pursuing that career. Kay Colt siguro ay posible pa. Kahit malamig at masungit minsan, hindi naman ako nagki-cringe kung iisiping nagsisi-pose at project siya ng visuals. Si Ghunter kasi, masyadong seryoso at old-fashioned in terms of beliefs and disciplinary actions. Tumayo na parang hyung ng grupo kahit isang taon lang naman ang agwat ng edad sa amin. Kahit papaano'y panatag ang loob ko roon at mabait naman kahit mukhang suplado at istrikto. Minsan pa nga ay kinukuwestyon ko na ang masyado nilang pagiging malapit ni Colt dahil may pagkakataong mas madalas pa silang magkasama kaysa sa amin. Ngiting-ngiti akong nakahalumbaba at napangisi habang ang tanging iniisip lang ay ang susunod na eroplanong lalanding sa noo ko. My seatmate poked me repeatedly, handing me a scratch paper. Nakuha ko naman agad na para sa akin iyon kaya nagpasalamat ako at kinuha iyon. Katulad ng kanina, palihim ko iyong binasa. 'Seriously, what's with the short reply? You're hurting my feelings. -Baby Colt.' Hindi ko na maitago ang ngising lumandas sa mga labi. Are you kidding me, Coleen? You're too much! Pero at least may nananalatay pa ring katamisan sa dugo nitong batang ito! At least! Tho, I found it really cute when sometimes, it's pretty obvious naman na between his masungit side, pasimple rin niyang ginagawa ang mga moves. Oo, dumada-moves din ang manok ko! Sa sobrang kaligayahan, nakalimutan ko na atang magbigay ng sulat. Napasandal ako. Simula nang nangyari sa cafeteria ang insedenteng iyon in our middle school times, ganoon pa rin, patuloy pa rin ang panliligaw niya. Yes, you read it right. Nanliligaw pa rin siya despites of escapades. To be specific, hindi ko pa siya sinasagot but we were still going cool. Para ngang boyfriend ko na rin kung umakto kami sa isa't isa, e. Too much comfortable na puntong hindi na namin naaalala na nasa "ligawan" part pa lang kami. Ngunit hindi maiiwasan ang mga pinapadalang mensahe sa akin ng ilang kamag-aral noon. Iyong matatalim na titig tuwing dumadaan ako sa pasilyo ng gusali namin. I was frightened, sure. But Colt never left my side during those times. We kissed. We cuddled. We held hands. We hugged. We got jealous. We fought. We argued. And, yeah. We did make out... sometimes. But we're not yet an official item. At hopefully, sasagutin ko na siya mamaya. So, I can't wait! Ito na siguro ang isa sa pinakamasayang araw namin! "Okay. Class dismissed," our prof announced that made us almost jumped on our seats! Without adieu, the prof left without adding any words so we hurriedly fixed our things. May karamihan ang ginamit namin sa klaseng iyon dahil may hinandang activity ang professor namin bago mag-lecture. Masaya naman pero syempre, nakakapagod din. But not until when someone made me flinch. Kinuha ni Colt ang natirang mga gamit ko sa desk at siya na mismo ang nagpasok sa bag ko. My jaw suddenly dropped at his unusual demeanor. I arched my brow in amusement and stifled a smile. Himala atang tinulungan ako nito sa mga gamit ko? Usually kasi ay naghihintay lang siya sa labas na may inip na disposisyon, minu-minutong tinuturo ang relo para isenyas na naiinip na, dapat ko nang madaliin. But now? I pressed my lips as I watched him pampering me. "Don't stare at me like that, Puring," he murmured like a child unhappy and thus I chuckled. "Are you poisoned or something? Iyong totoo?" I questioned then he just arched a brow and scowled. He wasn't contented fixing my things into my bag before closing the zipper properly, he even carried it for the first time! Hinabol ko kasi nauna siyang naglakad. Maybe he felt uneasy or maybe he was embarrassed? I chuckled and he turned his gaze at me. "It's not funny. Please." He sighed. "I'm acting here as a good boyfriend but you-" "But you're not yet my boyfriend." I tried to kid but it seemed to be an offensive foul. He halted from his walk for a second and resumed walking the next, not minding me from behind. I jogged towards him and grabbed his arm. "Hey. I'm sorry," I said, guilty. "Okay," he said but his answer didn't reach his eyes. Diretso lang ang tingin niya sa nilalakaran namin kahit sa pagbaba ng hagdan. It broke my heart into pieces. I even cursed myself because of what I have done! Bakit kasi hindi ko muna inisip iyong sasabihin ko bago magsalita! Damn it. Frustrated kong pinisil ang balingusan ko. Bakit imbis na matawa ako, parang nararamdaman ko pa ang pagbagal ng t***k ng puso ko? It really hurt seeing him hurt too because of my dim-witted tongue. Oh, heck. Shame on me. When we arrived at the parking lot, mas nakonsensiya pa ako nang pagbuksan pa ako ng pinto sa kanyang sasakyan. Mas gusto ko pang sigawan niya na lang ako kaysa sa nananahimik siya dyan at kinikimkim ang galit sa akin. Nagu-guilty talaga ako. Hinuli ko muna ang tingin niya pero hindi ko magawan ng paraan. Napabuntong-hininga na ako.  Talagang nasaktan siya sa sinabi ko? Hindi ko naman talaga intensiyon na masapul siya, e. I was just planning to make words over him. Babarahin ko lang sana but s**t happened, nasurpresa ako sa hindi inaasahang resulta. Umikot siya ng lakad para sumakay naman sa driver's seat. Nilagay niya muna ang mga gamit namin sa likod bago inistart ang BMW, wala pa ring imik. Nakalabas na kami sa school at kuryoso na ako kung saan kami pupunta. Hindi ko pa nga pala naitatanong at hindi ko na lang tatanungin, hahayaan ko na lang masurpresa ang sarili ko kung saang lupalop ba ako ng mundo dadalhin ng nagtatampo kong kasama. "Your seatbelt please." Napatikhim ako nang bigla-bigla na lang siyang nagsalita. Nataranta ako kaya nakalimutan ko 'yung sinabi niya. "S-Sorry?" I muttered and closed my eyes in embarrassment. Umayos ka nga, Coleen, at mas lalo mo pang dinadagdagan ang kasalanan mo. Mahiya ka naman. Bumuntong-hininga siya. "Wear your seatbelt," matabang niyang sinabi at napakagat ako ng labi. Ang bobo mo, Coleen. 'Yun lang pala 'yung sinabi niya pero halos mamatay ka na dyan sa kaba. Gaga ka. Walang pag-aalinlangang kinabit ko ang seatbelt sa akin at sumulyap sa kanya. Tss. Wear your seatbelt pero bakit siya hindi naka-seatbelt? I thought and took a deep breath, straining myself to calm down. Nakakagat-labi akong umurong sa kanya. Kita kong medyo nagulat siya lalo pa nang nilapit ko ang sarili ko, saka inabot iyong seatbelt para ikabit sa kanya. I didn't move afar and gave him a peck on his left cheek. "Baby, I'm sorry. Please..." I said softly. Tinikom niya ang kanyang bibig, still focused on the road. "I'm driving." "Please?" I insisted once again and I bent my head. Ilang sandali ay inangat ko rin ang ulo ko nang huminto kami out of a sudden. "Bakit mo tinigil?" Sabay tingin sa labas. Don't tell me, sa sobrang galit ay palalabasin niya ako dito sa sasakyan niya at hahayaang mag-isa sa gitna ng kalsada? What the heck? I turned again sideways and my eyes widened when I saw him tearing up silently. He clenched his fist at dumiin ang pagkakahawak sa manibela. Napatikhim ako. What the heck again?! Tiningala niya ang kanyang ulo sabay pahid ng basa niyang pisngi. At unti-unting nawarak ang puso ko sa ginagawa niya. This is the first time I saw him crying and I didn't wish for a second time. I was about to move towards him but he tightened his jaw, giving me a signal not to come any closer. "C-Colt..." I uttered. Nanatili lang siyang nakaganon ang pwesto. Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng mga talukap ko. Siguro nga ganoon na lang ang epekto sa kanya ng nasabi ko. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang panunukso sa kanya ng mga kaibigan tungkol sa status namin, iyong mga panahon ding hinihiling niya na sana opisyal na kami para may karapatan na siya sa akin. Nandyan ang inggit tuwing nababalitaan namin na isa sa mga kaibigan niya, may girlfriend na sa loob ng saglit na panahon. Minsan nga, wala nang ligaw-ligaw pa. Sure, he'd just smirked whenever he was being teased by his friends. However, I know him too well. Napangiwi ako nang natanto iyon. Bakit nga ba binabalewala ko lang ang mga pagkakataong nahuhuli kong peke na lang ang mga ngiti niya? Tinanaw ko siya, nakahara ang braso sa kanyang mukha at tahimik pa rin. Kumikinang na tila isang kristal ang luhang lumandas ulit sa pisngi niya. Pero sa pagkakataong iyon, hindi ko na siya hinayaang pahirin iyon at ako na mismo ang pumunas. I winced under my breath and scoffed. "Ang iyakin mo naman, e!" Nagbabadya na rin ang mga luha. "Sorry na kasi! Hindi ko naman sinasadya 'yun at kung gusto mo eh sinasagot na kita ngayon! Ano? Tayo na ba? Girlfriend mo na ako! Please. S-Sorry na kasi." Hindi ko na rin maiwasang mapaiyak. Humihikbi na ako habang walang tunog ang pagluha niya. Ganoon lang kami sa loob nang bente minutos at napagdesisyunan kong kalmahin na ang sarili saka ko siya niyakap. Nagulat siya kaya napahawak ang kaliwa niyang kamay sa likuran ko at napaangat bigla ang ulo niya, habang ang kanang kamay niya naman, tila nagdadalawang-isip pa kung ididikit ba sakin. Wala na akong pakielam kung anong isipin niya. I just let myself hugged him tighter and tighter, I burried my face on his chest and I could feel my tears again, escaping from my eyes, betraying me. Ginilid ko ang aking ulo saka hinaplos ang kanyang dibdib. Napatikhim siya sa ginawa ko. He even moaned unexpectedly and a sly smile plastered on my face. Well, that's a surprise. "Look," I began again. "I'm so sorry for what I said." I distanced myself from him and looked intently at his eyes, halatang kagagaling lang sa iyak at namumula pa ang tungki ng ilong niya, kaya hindi ko mapigilan ang panggigigil ko. I pinched his nose slightly and sighed. Samantala, nakatitig lang siya sa akin. "Alam mo naman na madalas padalos-dalos ang bunganga ko, diba? Alam mo ring hindi ko iyon sinasadya," I added. "At mas lalong alam naman nating mahal natin ang isa't isa." Nakatunganga na lang siya sa bintana, bumuntong-hininga at sa wakas ay tumingin na rin sa mga mata ko. "I'm sorry, too. I just can't... help it. We used to do what couples are normally doing, but then, as you said, we're not yet a cou-" "And as I said earlier, sinasagot na nga kita, 'di ba?" Then I cupped his faced. He shook his head. "This wasn't what's rolling in my mind," he whispered to himself and look again. "I invited you to have this date because I'm doing a surprise proposal." "Wedding proposal?!" "No!" Nagulat siya sa pagsigaw ko at tumingin sa akin na parang hindi makapaniwala. "Surprise proposal but not wedding!" I chuckled. "I'm sorry about that but I get it now. I'm surprised anyway," biro ko pa. I brushed my hand through his hair. "Alam mo bang pinlano ko rin ngayong araw na sagutin ka? Ang galing, diba?" "We really are destined," he said hoarsely and I felt my heart jumped to its place. "Pinapatawad mo na ako?" "Not yet." He's back to his usual grumpy face and grinned. Instead to feel annoyed, I'd be grateful then. It's better this way and I love it. However, I frowned when I realized what he just said. "Hala. Bakit naman?" Pinasada niya ang kanyang kamay sa buhok tulad ng lagi niyang ginagawa noon pa man. Inirapan niya ako ngunit hindi maitago ang multong ngiti sa mga labi. "Yakapin mo muna ako," he challenged and heat crept up to my face to cover my cheeks. "Loko." I rolled my eyes pero ngumiti rin naman at niyakap siya nang sobrang higpit. He chuckled, it sounded so sexy and thus I smirked, trying hard not to giggle. "Wag mo itago ang tawa mo baka kung saan pa 'yan lumusot." Sinapok ko at sumeryoso na ako. "So, tayo na? Boyfriend na talaga kita? Because I know you'd been dreaming this to happen for a very long time," I exclaimed arrogantly. Colt gave out a harsh bark of laughter. "Ang yabang mo rin, ano?" "Whatever... So ano na nga?! Tayo na ba?" I couldn't be patient anymore. Heck. Parang ako pa tuloy ang naghahabol! More on, naghahabulan nga kami kahit umpisa pa lang, nakuha na namin ang isa't isa. "Not so fast," he said then I arched my brow. "Leche. Ano pa, sir?!" mataray kong turan sabay halukipkip. "Kiss mo muna ako." Tuluyan na akong nilayasan ng ulirat. I grunted inwardly. This man is driving me nuts! He shook his head in disbelief. "You're blu-" I didn't even give him the chance to finish his sentence. I already advanced and gave him what he wanted. I wrapped my arms around his neck and kissed him on the lips. Noong una'y in state of shock pa rin siya sa mabilis kong pag-atake. Mulat pa rin ang mga mata kaya napangisi ako in-between our kisses at hindi rin nagtagal, tumutugon na rin siya sa bawat halik at pinikit na rin ang dalawang mata. I guided his arms to wrap it down my waist and I pulled his head to deepen our kiss. I whimpered in pleasure. Colt sucked for my lower lip and I did the same treatment to his upper lip. It was a sweet and passionate kiss. We frequently do this before but I can tell this is the hottest because there's nothing holding us back anymore. We're official. Nakasandal pa rin siya kaya madali akong nakaupo sa kanyang tandayan at idiniin ko pa lalo ang sarili ko. A moan skipped from my mouth when he touched my back upwards and downwards, teasing. My hand landed on his broad chest and the other one was on his disheveled hair, pulling it from the please he's sending me. Ilang sandali pa, nilayo niya naman ang kanyang labi sa labi ko. Kahit hinihingal ay nagawa niya pa ring tahakin ang landas patungo sa aking leeg. I moved a little sideward to give him a better access. Another moan slipped from my tongue when I felt his wet tongue grazing my neck. "Uhhh.. Colt," I drunkly moaned. "Hmmm?" "I l-love you..." That made him stop. He lifted his face to see me and salso cupped my face and saying, "I love you, more, Kuring." Colt teased and I frowned so he left a smack on my lips. "I love you more, Coleen," he corrected so I rolled my eyes playfully. "I only asked you for a kiss but we ended making out?" I giggled. "Hindi ka na nasanay! E, lagi naman. Lagi ka namang naca-carried away!" I grinned, brushing my hands through his hair to coax him. "You made me carried." It was almost a whisper. "Because you're giving me a reason to carry you on, idiot." He pouted. "You're tempting me, baby." Namilog ang mga mata ko. "Hey! I'm older than you!" "Oh, yeah?" he retorted teasingly. "One week isn't that long." "Seven days, scumbag!" I corrected and after a short while, a smile crept on his lips. "I missed our childhood moments, Kuring." Napangiti rin ako at pilit na inalala ang mga kakulitan namin dati. "Yeah. Lalo na 'yung nagpaturo ka pang magpatali. I really missed that!" tila pagmamayabang ko sa isa sa mga pinakapaborito kong alaala namin noon. "Are you teasing me?" Tumaas ang kanyang kilay na para bang naghahamon. "Are you teased?" "Yeah." The corner of my lips stretched when I didn't expect him to admit it! "And you're cute that way. That's unfair," I pouted when I realized that. He just rolled his eyes and giggled the next. And landi nitong lalaking ito! "But seriously..." aniya sabay ang ng tingin sa akin. "I'm longing for your hair, like they're seducing me to braid them," dagdag niya at hinaplos ang buhok ko. "Heh! Ginaya mo pa sa kalandian ang buhok ko!" "Seriously?" he asked exasperatedly. I chuckled. "Now na? Gusto mo ba?" "Ang ano?" "Talian mo 'ko?" tanong ko sabay alis sa ibabaw niya at umupo na sa passenger's seat. He winked. "I'd love to." "Hahaha! Love you, too!" Ang loko. Inirapan ako? "Tss." Napangiti na lang ako nang sandaling pagmasdan siya. At hiniling na sana, siya na nga talaga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD