KABANATA 4

1151 Words
Malalim na ang gabi nang maalimpungatan si Rose. May kung anong magaspang na bagay na dumadama sa leeg niya. Pinilit niyang idilat ang nakapinid na mga mata para lamang manlaki nang mapagsino ang pangahas na nilalang sa tabi niya at tila demonyo sa pagkakangisi. At bago pa man siya makapiyok ay mabilis na tinakpan ng lalaki gamit ang nanlilimahid nitong kamay ang bibig niya. Nangatal siya sa takot. Nang mga sandaling iyon ay batid niyang nasa totoo siyang panganib. "Sshhh. Hindi na ako makapag-pigil sayo napakaganda mong babae. Para kang labanos sa kaputian," takam na takam na tinuran ng bandidong si Batik sa kanya. "Ikaw na ata ang pinakamasarap na karne na naligaw dito sa gubat kung sinuswerte nga naman. Kumbaga sa delata isteytsayd ka." patuloy pa ng lalaki. Ang mata nitong mabalasik ay napuno ng pagnanasa habang hinahagod siya ng tingin. Pangit na nga ang lalaki ay nagmukha pa itong satanas sa harap niya. Kulang na lang ay tubuan ito ng sungay. Pumalag siya nang maramdaman ang isa nitong kamay na nagsimulang humaplos sa magkabila niyang hita. Kahit na may kakapalan ang suot na pantalon ay ramdam niya ang paghagod nito na may unti-unting pagpisil na ginagawa. Naalarma siya at pilit na nagpumiglas. Napapa-iling na lamang siya sa kapangahasan ng bandido. Sa wakas ay tinanggal ni Batik ang kamay na bumubusal sa kanyang bibig. Sisigaw na sana siya nang iumang nito ang baril na hawak sa kanyang sintido. Mariin niyang naipikit ang mga mata nang maramdaman ang malamig na metal nang idiin iyon nito. "Wag kang magkakamaling sumigaw. Hindi ako magdadalawang-isip na pasabugin iyang bao mo." Pagbabanta ni Batik. "Ano ba ang kailangan mo?" Ang nahihintakutan na niyang tanong. Istupida! Nagtanong pa siya gayung alam naman niya kung ano ang pakay nito sa kanya. "Ikaw. Gigil na gigil na ako sa'yo eh." "Hindi mo magagawa ang binabalak mo. Malalagot ka sa inyong pinuno." Pananakot niya rito. Baka sakaling tablan ito ng takot sa kapangahasan kapag sinabi niyang magsusumbong siya kay Horan. Subalit hindi man lang natinag ang lalaki. "Hindi na ito malalaman pa ni pinuno. Puwede kong palabasing nagtangka kang tumakas. Kaya pagkatapos kitang pagsawaan ay ididispatsa na kita." Ngumisi ito nang nakakaloko. Napalunok siyang muli at labis na nahintakutan sa pinaplano ng kaharap. Pero hindi siya nagpahalata. "Baliw ka kung inaakala mong mapapaniwala mo ang Horan na iyon." "Tama ka nababaliw nga ako. Nababaliw ako sa kagandahan mo. Kaya sige na pagbigyan mo na ako. Ipalalasap ko naman sa'yo ang langit," anang baliw na lalaki. Hinapit siya ni Batik at niyakap, pilit nitong inilapit ang mukha upang halikan siya. Iniiwas niya ang sarili at kinalmot ito. Napangiwi ang lalaki sa ginawa niya. Napamura, at muling inumang ang baril nito kaya't napatda siya at hindi na muling nakakilos. Sinibasib ng halik ni Batik ang leeg niya. Kulang na lang ay masuka siya sa pandidiri, ngunit pinabayaan niya ito at pinanatiling alerto ang sarili. Kitang-kita niya ng ilapag nito ang baril na hawak. Inipon niya ang lahat ng lakas at nang makakita ng pagkakataon ay malakas na itinulak ang lalaki at mabilis na dinampot ang baril sa lupa. Nanlilisik ang mga matang itinutok niya ang sandata kay Batik. Nagulat ang lalaki subalit napangisi. "Iyan ang isa pa sa nakakabaliw sa: yo. Para kang tigre, palaban. Sige iputok mo!" Paghahamon ng tampalasan. Damang-dama ni Rose ang panginginig ng mga kamay. Ito ang unang pagkakataon na nakahawak siya ng baril. May pag-aaalinlangan man dahil hindi sanay ay hindi siya mangingiming iputok ito sa demonyong nasa harapan. Hinding-hindi siya papayag na muling mahawakan ni Batik. Over her dead body! Unti-unti ay humakbang palapit ang bandido. Ngising aso, ni hindi kakitaan ng pagkabahala. Tuloy ay siya ang nataranta at nalito. "Wag kang lalapit! Hindi ako magda-dalawang-isip na iputok sa'yo 'to." May garalgal man sa boses ay mariin niyang banta kay Batik. Umatras si Rose, tinantya ang kaharap. Patuloy pa rin ito sa paghakbang palapit sa kanya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik at pikit-matang kinalabit niya ang gatilyo. Ngunit hindi iyon pumutok. Malutong na humalakhak si Batik. Nakakalokong iwinagayway nito ang mga bala sa harap niya. Tuluyan siyang nanlumo. Ang hudas at dinaya pala siya. Sinadya talaga nito na ilapag ang baril nito sa lupa upang mahulaan ang mga hakbang na maaari niyang gawin. "Akala mo ba ay ganoon ako kadaling malinlang?" Angil nito. Nabuhay ang takot at tuluyang bumigay ang natitira niyang pag-asa. Ngunit hindi siya nasiraan ng loob. Nang akmang aabutin siyang muli ni Batik ay walang pagdadalawang- isip na hinampas niya ito gamit ang baril at sinipa ito sa maselang bahagi ng katawan. Hindi iyon inasahan ni Batik. Namilipit ito sa sakit. Iyon naman ang hinintay na pagkakataon ni Rose tinakbo niya ang daan palabas. Subalit mabilis na nakabawi ang lalaki. Bago pa man siya umabot sa pinto ay nahablot nito ang dulo ng kanyang mahabang buhok at hinila siya pabalik. Gustong maluha ni Rose nang maramdaman ang pagsakit ng anit. "Putsa kang babae ka." Ang nanggagalaiting bigkas sa galit ni Batik. Hinawakan ng lalaki ang itaas na bahagi ng suot niyang blusa at mabilis na hiniklat. Tila naman naulol pa ito nang mahantad sa paningin ang puno ng dibdib ni Rose. Muli ay sinibasib nito ng halik ang babae. Para na itong baliw at hayok habang marahas na dinadama ang katawan ng dalaga. "Walang hiya ka! Demonyo. Mamamatay na muna ako bago niyo magawa ang kahayupan niyo," sigaw ni Rose, habang nanlalaban. Gamit ang mga kamay ay pinagkakalmot niya ang lalaki. Nakita niyang ininda iyon ni Batik. Nagmarka sa mukha nito ang matutulis niyang kuko. Patuloy siya sa pagwawala, balot man ng takot ang dibdib ay buo ang kanyang kaisipan. Hindi siya papayag na mababoy ng demonyong lalaki. Magkamatayan na. Dahil sa pagpupumiglas niya ay isang malakas na suntok sa sikmura ang pinakawalan ni Batik. Sinundan nito iyon nang magkasunod na mag-asawang sampal. Naramdaman ng dalaga ang pagmanhid ng pisngi, pagkahilo at pag-ikot ng paningin. Nalasahan niya ang tila mainit na likido mula sa labi. Nanginig at nanghina ang kanyang mga tuhod. Napalugmok siya at napasapo sa tiyan sa parteng sinuntok ng bandido. Hindi siya makabawi sa sakit na idinulot na karahasan ng lalaki. Nagsimulang manlabo ang kanyang paningin. "Hindi! Hindi siya maaaring mawalan ng ulirat. Pag nagkagayon ay magtatagumpay si Batik. Malalapastanganan siya nito. Nagpumilit siyang makatayo subalit tuluyang umikot ang kanyang paningin at sa nanlalabong mga mata ay nakita niya si Batik. Nakangisi ang demonyo, habang naghuhubad. Oh God. Doon na siya nakaramdam ng sobrang takot at panghihina para sa sarili at kawalan na ng pag-asang makatakas. Napaluha na lamang siya. Umusal siya ng marubdob na dasal upang makasalba sa bangungot. Baka sakaling dinggin siya ng Diyos at mag milagro Ito. Magising siya sa malalim na pagkakatulog. "Ikaw naman kasi gusto mo pang masaktan. Wag kang mag-alala, mapunpunta ka rin naman sa langit bago ka pag-pyestahan ng mga uod sa lupa ha ha ha." Halakhak ni Batik na animo si satanas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD