Ingay nang papaalis na sasakyan ang huling maririnig mula sa labas. Naiwan si Barok at dalawa pa nitong kasama upang siyang tumapos sa trabahong iniatas ni Horan. Itinutok ni Barok ang hawak na baril sa sentido ni Rose. Awtomatikong naipinid ng dalaga ang mga mata at tila inantay na lamang na pumutok iyon. Nangatal ito sa takot. Gustong panghinaan ng loob. Naikuyom naman ni Dmitri ang mga kamao. Nagtagis ang mga bagang ng lalaki. Kulang na lang ay takbuhin nito si Barok at balian ng leeg ura-mismo. "Ibaba mo ang iyong armas, Barok. Tinatakot mo siya." Naroon ang diin sa mga salita ni Dmitri, sa kabila ng lupaypay na s'ya at duguan. "P...tang na ka Dmitri! Pinatay mo ang aking kapatid sa pagnanais lamang na masolo ang babaing ito." ang gigil na wika ng bandido. Inilapit ni Barok ang l