KABANATA 6

1250 Words
Akmang magpupumiglas na sana si Rose nang magsalita ang may-ari ng kamay. "Ako to." "Dimitri?" aniya at mabilis itong nilingon. Tinanggal ng lalaki ang suot na bonnet. Napasinghap ang dalaga nang tuluyan itong mapagmasdan. Nakaramdam siya ng kaluwagan ng loob. Sinuri ni Dimitri ang sugat niya na para bang malinaw nitong nakikita iyon Mabilis nitong hinablot ang bandana sa leeg at itinali sa kanyang binti sa parteng naroon ang sugat upang maampat ang pagdurugo. Sabay pa silang napalingon nang maulanigan ang paparating na mga yabag at nag-aanasang mga boses. "Halughugin ang gubat maging kasukal-sukalan nito. Maaaring hindi pa nakakalayo ang mga iyon. Dalhin niyo sa akin ng buhay ang babae at ang pangahas na pakialamero." Boses iyon ni Horan. Nanggagalaiti ito sa galit. Napatingin siya kay Dimitri, naroon ang pagkabahala at muling pagkabuhay ng takot. Nakatitig din ang lalaki subalit wala siyang mabanaag sa mukha nito na anumang reaksyon. Pinanatili nito ang pagiging kalmado. Inalalayan siya nitong makatayo at sa pagkabigla niya ay muli siyang binuhat mula sa likod at patakbong lumayo sa lugar. Kumapit na lamang siya ng husto sa lalaki. Ilang sandali pa ay narating nila ang tinutukoy nitong talon. Marahan siyang ibinaba ni Dimitri malapit sa pampang pagkatapos ay ikinasa nito ang hawak na baril. Mukhang nakaamoy ng panganib. Nagpalinga-linga si Rose, wala siyang maaninag kundi puro kadiliman. Nataranta siya nang marinig ang mga kaluskos na paparating. Awtomatikong napahawak siya sa braso ni Dimitri. Inatake sya ng takot. "Pag sinabi kong talon, tumalon ka." mariing bulong ni Dmitri sa kanya. "What?" she uttered. Sobrang dilim ng paligid datapuwat naririnig niya ang lagaslas ng tubig sa malapitan ay hindi naman niya maaninag kung ano mayroon sa ilalim ng talon. "Are you crazy?" Bulong niya rin sa lalaki." 'No. Hindi ako tatalon diyan. Ni hindi ko nga alam kung ano mayroon sa ilalim niyang ilog." protesta niya. "Isa pa, I don't even know how to swim, kaya no ... over my dead b..." Hindi pa man niya natatapos ang mga litanya ay may sumulpot na dalawang lalaki. Armado ang mga ito. Napasigaw siya. Mabilis itong pinaputukan ni Dimitri. Timbuwang ang dalawa at sabay na bumulagta sa lupa, wala ng buhay. "Talon na..." Ang naiiritang utos ni Dimitri. "No," pagmamatigas niya. Napabuga sa hangin ang lalaki. Napipikong kinabig si Rose at walang sabi-sabi ay hinawakan sa mga bisig ang dalaga at isininama patihulog sa talon. Kinain ng kadiliman at ingay ng lagaslas ng tubig ang malakas na sigaw ni Rose. Naramdaman na lamang nito ang mabilis na pagbulusok nila sa tubig. Nangatal sa takot ang dalaga. Mabilis na napuno ng tubig ang bibig nito. Agad na ikinawag ni Rose ang mga kamay sa tubig. Naramdaman nito ang pangangapos ng hininga at pagkawala ng hangin sa katawan. Mahapdi na rin ang mga matang pirmes na nakadilat. Hustong papanawan na ng ulirat ang dalaga nang bigla ay may humila sa kamay nito paibabaw. Inihiga siya ni Dimitri sa damuhan. Nagsunod-sunod ang ginawa niyang pag ubo dahil sa maraming tubig na nainom. Marahan siyang hinagod ni Dimitri sa likod. Pinalis niya ang kamay nito at nagpumilit na bumangon. Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaki. "You freak! Papatayin mo ba ako ha? Sinabi kong hindi ako marunong lumangoy. You scared me to death, you bastard." She's yelling at him. Si Dimitri ay tila naman natigilan at nanatiling nakamata lamang sa dalaga. Ni hindi pinansin ang panininghal ni Rose. Mas lalong nakaramdam ng pagkainis ang babae. "Anong akala mo sa akin palabas sa sine na basta na Lang panonoorin? Say something my goodness!" Patuloy na pagtataray ng dalaga. Nanatili pa ring walang imik si Dimitri. Sa halip ay hinubad nito ang leather jacket na suot. Pareho silang basa kaya kitang-kita ni Rose ang paghakab ng manipis at puting kamiseta nitong panloob sa matipuno nitong katawan. Namangha ang dalaga at mabilis na nag -iwas ng tingin. "Bago ka magbu-bunganga diyan, ayusin mo iyang sarili mo." Sa wakas ay rinig niyang turan ng lalaki. Sa nagtatakang ekspresyon ay lumipad ang tingin niya kay Dimitri. Nakatayo na ito habang nakatunghay sa kanya. Sinalubong ng lalaki ang mga titig niya sa nagdidikit na kilay. Siyete naman! bakit ba ang sexy nitong tingnan sa ganuong gestures. "Dibdib mo nakaluwa." anang bandido sabay hagis sa kanya ng nahubad na nitong jacket. Mabilis niyang sinuri ang harapan. Nag-init ang mukha niya. Shit! Nakaluwa nga ang isa niyang bogelya at ni hindi man lamang niya napansin. Mabilis niyang ipinantakip ang jacket ni Dimitri sa nakahantad na dibdib. Hindi sya makatingin ng diretso sa lalaki. Ang yabang pa niya sa pagharap rito kanina, ngayon ay mistula syang halamang makahiya na biglang tiklop dahil sa kahihiyan. Naalala niyang winarak pala ni Batik ang blusa niya at dala marahil nang pagbulusok nila sa tubig ay nawala naman sa tamang pagkakakabit ang suot niyang bra. Iyon siguro ang dahilan kung bakit natitigilan ang lalaki kanina habang nakamata sa kanya. Ang Herodes at hindi man lamang sinabi agad. Samakatwid ay para nga itong nanonood ng mala-SPG na palabas sa sine. She looked away and cleared her throat. Inayos niya ang suot na bra at pagkatapos ay isinuot ang jacket upang mapagtakpan ang munting kahubdan. Ahhh. Gusto niyang magmaktol at magpapadyak sa inis. Isang araw pa lang kung tutuusin niyang nakakasama ang bandido pero kung anu-ano na ang natuklasan nito sa kanya. Nang masigurong maayos na siya ay sinundan niya ng tingin ang bawat galaw ng kasama. Napansin niyang may bagay na kinakalikot si Dimitri sa may halamanan. Pilit iyong hinahawi ng lalaki. Tumambad sa mata niya ang isang motorsiklo maya-maya. Mukhang sadyang nakahanda na ito doon. Binuhay nito ang makina at sinulyapan siya. "Kaya mo bang iangat iyang binti mo?" tukoy nito sa parteng may sugat. Marahan siyang tumango sa kabila ng kahihiyang inabot.Sinimulan namang paandarin ng lalaki ang motorsiklo palapit sa kanya. Sinabihan siya ni Dimitri na sumakay. Hindi na siya nag-atubili at dali-daling sumunod. Batid niyang hindi pa sila lubos na nakakalayo. Balwarte ng mga ulupong ang kagubatan kaya maaaari pa rin silang masundan. Sa pagkakadaiti ng kanilang mga katawan ay di niya maiwasang mailang. Hindi niya rin alam kung saang parte ng katawan ni Dimitri kakapit. Hindi pa naman siya sanay sumakay ng motorsiklo. Lakas loob siyang humawak sa magkabila nitong balikat, pilit na inia-atras ang sarili sa likod ng lalaki upang hindi sila masyadong magdikit. Kakatwang hindi sila sumasabit man lang sa mga kadawagan, gayung latag pa rin ang dilim sa paligid. Tila sinadya ng buwan at mga bituin na 'wag magpakita, upang maitago sila ng dilim mula sa mga masasamang loob na siguradong naghahanap at humahabol pa rin sa kanila. Sinadyang wag buhayin ng lalaki ang ilaw ng motorsiklo nito.Pansin ni Rose na kabisado ni Dimitri ang kasulok-sulukan ng gubat. Tila sigurado ito sa daang tinatahak. Sabagay tahanan nitong maituturing ang kabundukan. Mga tulisan nga eh. May mga pagkakataon na nalulubak sila kaya't napapa-kapit siya ng mahigpit sa lalaki dahil sa takot na malaglag. Nakaligtas nga siya sa mga m******s na buwitre muntik naman siyang malunod sa ilog at kung mamalasin pa ay maaari siyang mabagukan ng ulo pag nagkataong mahulog siya mula sa motorsiklo. Naramdaman niyang bumagal ang paandar ni Dimitri hanggang sa tuluyan nga nitong inihinto ang sasakyan. "Puwede bang 'wag ka sa balikat ko humawak? Nahihila mo ako. Malapit na tayo sa highway. Madidisgrasya pa tayo sa ginagawa mo." Reklamo ng lalaki. "Eh saan ba dapat huma---." Hindi na natapos ni Rose ang nais sanang itanong nang abutin ni Dimitri ang dalawa niyang kamay at pinagsalikop sa baywang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD