Ngunit ang higit na ikinagulat niya ay ang solong pagkakatiwala ni Don Manolo kay Alexander bilang legal guardian ni Raven. Gusto niyang i-kontest ang bagay na iyon. Ano ang karapatan ni Alexander sa kanyang anak? Oo nga at magkapatid ang mga ito, pero naroon siya bilang ina ng bata. Maaaring hindi siya pinakasalan ng Don ngunit nararapat na nasa kanya ang pagpa-papasya. Ano ang dahilan ni Manolo para gawin sa kanya ang mga bagay na ito? Naging maayos ang kanilang pagsasama. Hanggang sa huling sandali ng buhay nito ay nasa tabi lamang sya. Parte pa ba ito ng kanilang kasunduan? At paano niya ipagkaka-tiwala ang anak sa isang estranghero? Higit siyang may karapatan kay Raven dahil siya ang ina. Kung kanina ay puno ng kaba at kalituhan ang isip niya, ngayon ay may umuusbong na galit sa ka