Chapter 1

1460 Words
SKY'S POV After 1 year.. "SKY! GUMISING KA NA!" agad akong napabangon sa kama ko sabay takbo papuntang banyo. Walangya! Ganito nalang ba lagi ang routine ko tuwing umaga? Tsk! Nakakainis naman talaga oh! Hanggang kailan ba matatapos tong routine naming ganito? Pakiramdam ko bawat galaw ko 'e didiretso na ako ng impyerno. Since last year ganito na ang routine namin ni Lolo. Laging kailangan ay maaga kaming magising. Minsan kapag may trabaho siya sa Gangster Town si Minerva o hindi kaya si Travis ang sumisigaw sakin. Kailangan kong gumalaw agad kung hindi ay makakatanggap ako ng kung ano-anong punishment ni Lolo at ayaw na ayaw ko ng mga pinapagawa niya. 'Nong isang beses na na-late ako sa training namin ay pinaglinis niya ako ng isang linggo sa Gangster Town.  'Nong ikalawang beses ay pina-grocery niya ako ng isang buwan para sa pamamahay niya. Kaya ayaw ko ng maulit pa 'yon, nagmu-mukha akong alila ni Lolo. "SKYLAR MELEI! 5 minutes remaining!" muntik pa akong madulas nang marinig ko ang sigaw ni Lolo. Kaya mabilisang ligo at bihis na ang ginawa ko. Pagkarating ko na ng Dining area ako nagsuklay ng buhok dahil ayaw ko talagang makatanggap ng punishment ni Lolo. Nasa dining na si Mommy pero si Ate Annie wala pa rin.  "Mom! Nasaan si Ate Annie? Hindi ba siya sasabay?" tanong ko kay Mom pagka-upo ko at dali-daling kumuha ng pagkain. "Hay nako! Alam mo namang laging late magising yung Ate mo. Panigurado akong inaatake na naman siya ng Lolo niyo," napa-iling iling nalang talaga ako. Ang lakas talaga ni Ate Annie, kayang-kaya kalabanin si Lolo. Di ba siya natatakot doon? Tsk tsk! "Hello, Tita! Morning po," humalik pa siya sa pisngi ni Mom. Mukhang excited siya sa new school namin at ready na ready pa ang bruha.  "Hello, Saffire. Halika na at sumabay sa breakfast," aya ni Mom sa kanya. Hindi naman nagdalawang-isip ang bruha na ma-upo sa tabi ko at agad na kumuha ng pagkain. Parang hindi man lang napansin ang presensya ko. "Andito ako, sis," sabi ko sa kanya sabay kagat ng pancake ko. Tumingin siya sa akin at nag-wave lang saka kumain ulit. "You're blooming," siningkitan ko pa siya ng mata at tiningnan nang may pagdududa. "Hindi ah!" tanggi niya pa pero halatang bago ang liptint at blush on. "Oo nga, Saf. Blooming ka ngayon, ay pareho pala kayo ni Sky. Hmmm!" usisa pa ni Mom sa amin sabay taas-baba ng kilay niya. "Hindi!" sabay naming sabi ni Saf. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa saka tumawa. "Alisss na ko!" rinig naming sigaw ni Kuya Tyler. Tumatakbo siya habang sinusuot ang backpack niya at hinawi lang ang basa niyang buhok. Kumaway lang siya sa aming dalawa ni Saf. "Tyler, hindi ka man lang ba magbe-breakfast?" tanong ni Mom kay Kuya Tyler. "Hindi na! hinihintay na ako ni Jessie eh. Bye, everyone!" sabay narinig na lamang namin ang pagkalock ng pinto. "Luma-lovelife si Kuya Tyler ah!" napatingin naman kami kay Ate Annie na fresh na fresh. "Mukha nga eh. O sige kumain na kayo at baka mahuli pa kayo sa klase." sabi ni Mom kaya naman kumain na kami. Namimiss ko na si Raphael. Hay nako! Nasa States na kasi siya ngayon. Last year lang nga rin siya nag-transfer eh. Nawalan na rin kami ng communication. Kaya hindi na rin namin alam kung ano na ang kalagayan niya ngayon. Nagpaalam na kami kina Mom at Lolo atsaka kami pumunta ng School. "Sa wakas, isang taon nalang.. Graduate na ako" nakangiting sabi ni Ate Annie. "Hay! kami naman may dalawang taon pa. Kainis" sabi naman ni Saf. Sabay naman silang tumingin sakin. Tingin siguro nila ay may sasabihin rin ako. Binigyan ko lang sila ng isang bagot na tingin at sinuot ko ang earphones ko. . . . Bigla akong napatingin kay Saf ng alisin niya ang earphones ko. "Nandito na tayo," sabi niya lang. Tumango naman ako sa kanya saka kami bumaba. Tiningnan ko 'yong bagong school na papasukan namin. Malaki naman at maganda rin, mukhang mahal rin ang tuition pero keri na. Nauna nang pumasok si Ate Annie sa amin. Pumunta kami ng Principal's Office para makuha ang I.D. at key locker namin. Naghiwalay na kami kay Ate Annie kasi nasa ibang building pa yung classroom niya. Nasa higher na kasi siya at ibang course rin siya. Hinanap na namin yung classroom namin at mabuti nalang almost the same ang schedules and sections namin ni Saf. Ayokong ma-lonely sa school na 'to. "Whoo! Akala ko talaga hindi na tayo magiging magkaklase," Ngumiti lang ako sa kanya saka kami naglakad papuntang classroom namin. Naghanap na kami ng mauupuan namin ni Saf. Napili namin ang nasa bandang likod kaso may naka-upo sa tabi ng bakanteng uupuan ko. Kaya naman si Saf umupo nalang sa isa pang bakanteng upuan. Bale may isang tao na nakaupo sa gitna naming dalawa. Pero bag pa lamang 'nong may-ari yung nandoon sa gitnang nasa upuan namin. Mga ilang minuto pa ang nakalipas at pumasok na yung teacher namin. "Good morning class. I'm Ms. Elizabeth Cruz. But you can call me Ms. Or Maam Cruz. It's nice to see you all here," sabay ngumiti 'yong teacher namin. Bigla namang bumukas ang pinto at dalawang lalaki ang pumasok. "Mr. Fuentes and Mr. Ramirez hindi ko akalaing magkikita ulit tayo," sabi ni Maam. Bigla namang napakamot ng ulo yung dalawa. "Sorry po Maam," sabi nilang dalawa. Pinaupo naman sila ni Maam. At yung Mr. Fuentes pala ang nakaupo sa gitna naming dalawa ni Saf. Nagsimula ng magdiscuss si Maam kaso itong katabi ko... "Hello Miss," nakangiting sabi niya sa akin sabay wave pa ng kamay niya. Well, cute siya. Hindi ko siya pinansin at nakinig nalang ako kay Maam. Nang matapos ang klase ay dali-dali kong hinila si Saf paalis kasi kinukulit ako 'nong Fuentes na 'yon! Nakakainis lang, sobrang cringe pa ng sinasabi. Bigla ba namang mag-confess na na-love at first sight raw siya sa akin? Kung hindi ba naman abnormal at sobrang straight forward. Mabuti nalang at natakasan ko siya nang makarating na kami ng Cafeteria ni Saf. Umupo muna kami sa bakanteng upuan. "Uy Sky! Ang cute cute nung katabi natin 'no?" Binigyan ko tuloy ng nakakadiring tingin si Saf dahil sa sinabi niya.  "Cute? Patayin ko siya eh," sagot ko sa kanya. Nag-pout naman si Saf at may isang abnormal na umupo nalang basta-basta sa table namin. "Hello Kungjo," tiningnan ko si Fuentes at hindi siya pinansin. Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko rin agad. Nang hindi ko pa rin siya pinansin ay tumayo na ako at aalis na sana pero sinundan niya pa rin ako. "Pwede ba, Fuentes. Stop following me!" inis na sabi ko sa kanya at dali-daling umalis roon. Ewan ko ba! Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Dumiretso nalang ako sa Restroom at pumasok sa isa sa mga cubicle. Lalabas na sana ako pero biglang may nagsalita. "Did you heard na ba?" "Ang alin?" "Yung babaeng sinigawan si Prince. Nako talaga! Sigurado akong mananagot siya kay Prince," "What? She's so kawawa naman. Panigurado akong bukas...hindi na natin makikita ang pagmu-mukha ng babaeng yon. Halika na nga," Sumilip muna ako. Wala na sila. Sumandal ako sa pader at ginulo ko yung buhok ko. Parang naguilty tuloy ako bigla dahil sa ginawa ko. Wala naman siyang ginagawang masama pero makulit talaga siya 'e! "Hoy! Bakit mo ako iniwan doon? Loka ka. Kinulit-kulit ako 'nong Fuentes na sabihin yung full name mo," sabi ni Saf sakin. "Galit ba siya?" Umiling si Saf kaya kahit paano ay nabawasan ang guilty feeling ko. "Buti naman," sabay bumuga ako ng hangin. "Alam mo Sky.. Okay 'yong lalaking yun. Feeling ko magkakasundo kayo. At isa pa ha! Makulit siya at masiyahin." . . . "Kongjuuuuuuu~" tiningnan ko ng bagot na tingin si Charlie. Si Charlie nga pala ay si Fuentes. 1 week na ang nakakaraan ng First Day at patuloy niya pa rin akong kinukulit hanggang ngayon. "Ano na naman ba Charlie?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin na parang bangag at may ipinakitang ticket. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang 'Damian Academy' at lumakas ng pagkabilis-bilis yung puso ko. "Merong Band Battle next week ang Damian Academy at bumili ako ng ticket para satin nina Saffire,Justin at Clyde," sabi niya. Yung Justin at Clyde mga kaibigan niya rin..at namin ni Saf. Kahit na nakakahiyang aminin. "Oh tapos?" bored na tanong ko sa kanya. Nag-pout naman siya. Kaya naman etong mga babaeng nasa paligid namin eh kung makatili parang nakalunok ng dalawang mic. "Ano ka ba Kongju! Syempre manonood tayo. Itatago ko nalang muna 'to,okay?" tapos hinila niya ako. San na naman ba ako dadalhin ng bangag na ito? "Punta tayong Damian Academy, Kongju! Pupuntahan ko si Ace, pinsa ko!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD